Chapter 25

67 5 0
                                    

25 : Wedding

Kinabukasan ay napagdesisyonan kong ayusin ang aking buhok, tinirintas ko ito at nilagyan ng mga bulaklak ang aking ulo bilang disenyo. Mahina kong sinampal ang aking labi nang akmang kukurba ito upang ngumiti. Bumuga ako ng hangin.

Sinabi lang naman niyang nagseselos siya pero hindi niya klinaro kung saan, kaya huwag kang kiligin diyan! Malay mo nagseselos siya sayo dahil maganda ka—hala! What if nga noh?

Nabatukan ko ang sarili dahil sa kalohokohan na naisip. Huwag nalang akong mag-isip ng kung ano-ano hangga't walang klarong mensahe, mahirap ng masaktan sa huli.

Pagkatapos sabihin ni Deacon iyon ay may lumapit sa kaniya pagkatapos ay umalis silang dalawa. Wala man lang sinabi kaya bawal mag-assume.
Tumayo na ako nang matapos kong ayusan ang sarili. Nakasuot ako ng silk mint green na dress na hanggang sahig ang taas at long-sleeves ito.

“Ka-miss tuloy mag-bikini” mahinang sabi ko at napahagikhik, hindi naman talaga ako nagbi-bikini eh sa katotohanan nga’y never ko pa nagawa.

Lumabas na ako sa silid at pumunta sa sala kung saan ay naroroon na ang lahat at naghihintay. Nahiya naman ako dahil ako nalang pala ang hinihintay nila.

Napalingon ako kay Morgaria na narinig kong suminghap. “Nais ko rin ng ganyan!” turo niya sa aking ulo.

Napatawa naman ako. Nais ko rin na disenyohan ang iyong buhok ngunit hindi kita maaaring hawakan.

“Huwag kang mag-alala, Morgaria, marunong ako niyan. Sa sasakyan ay aking didisenyohan ang iyong buhok.” Maligayang sabi ni Helanie saka hinawakan sa kamay ang batang babae at sabay na naglakad palabas.

Sa karwahe ay kaming dalawa lamang ni Deacon. Magkaharap kaming naka-upo at parehong walang sinasabi. Sa totoo lang ay ang gwapo niya sa kaniyang suot na katulad ng kulay sa akin. Ang mahaba niyang buhok ay nakapangko habang suot ang kaniyang korona. Ang kisig niya naman, bakat na bakat ang kaniyang muscles dahil sa suot niyang damit.

Oh my gosh, Ada. Ano na namang iniisip mo. Ipiniling ko ang aking ulo at isinandal nalang ito sa aking upuan. Ngayon ay patungo kami sa Cratis kung saan magaganap ang pagtitipon ng mga bampira kung saan imbitado ang iba’t-ibang nilalang.

Fiesta kasi ng El Giles at ito ay selebrasyon sa pagsasama ng mga monarkiya sa emperyo.

Pagdating namin sa lugar ay marami nang mga panauhin. Abala ang lahat sa pakikipag-kwentohan, sa pagkain, at kung ano-ano pa.

“Ating bigyang pugay ang pagdating ng mga panauhin mula sa kaharian ng Conte Moria, Haring Deacon!”

Ang boses na iyon ay kay Ulie at pagkatapos ay narinig ko ang tambol at tunog mga trumpeta. Nagsilingonan naman ang mga nilalang at nahati sa dalawa ang mga ito upang bigyan kami ng daan.

Hinintay ko na unang maglakad si Deacon ngunit hinawakan niya ang aking kamay at isinabit ito sa kaniyang braso pagkatapos ay sabay naming tinahak ang daan. Nagpalakpakan sila at tanging ngiti lamang ang aking naibigay sa kanila. Halata sa mukha nila ang kuryosidad, may ibang pinapakita ang pagkadisgusto.

Habang naglakad kami ay may naririnig pa akong mga bulungan.

“Ang kisig ni Haring Deacon.”

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon