38 : Dalleo
Isang yakap ang bumalot sa aking katawan sa oras na ako’y nakalisan sa tubig. Gumanti rin ako ng yakap sa kaniya.“Deacon…”
Nandito siya, hindi na ito isang panaginip kung hindi ay totoong totoo na. Kumawala kami sa pagkakayakap at nagkatitigan sa mga mata. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking leeg hanggang sa mas bumaba pa ang mga ito pero agad ring nabalik sa aking mukha.
Magsasalita na sana ako nang siilin niya ng halik ang aking labi. Puno ng pananabik ang kaniyang kilos at ginantihan ko rin siya. Ilang buwan ang nawala sa aming dalawa kung kaya ay hindi ko masisi kung bakit ganito ang aming ikinikilos.
Naputol ang aming halikan sa hindi ko malamang dahilan. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking katawan at nanlaki ang kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang malaki kong tiyan na parang bola pagkatapos ay nag-angat ng tingin.
“Ada…”
Tumango ako sa kaniyang pagtawag at mula sa kaniyang mga mata ay na-klaro ko ang likidong namumuo roon. Napasinghap ako nang bigla ay lumuhod siya upang mapantayan ang aking tiyan, nilapatan niya ito ng halik at hinahaplos. Naramdaman ko naman ang pagsipa nito dahilan upang magulat si Deacon.
Nakagat ko ang aking labi nang makitang nanginig ang kaniyang palad at may luhang pumatak sa aking tiyan. Muli ay hinalikan niya ito at idinikit ang kaniyang noo rito, isang sipa muli sa aming munting supling ang naganap.
“Nandito na ang iyong ama, Amethyst. Hinding-hindi ko na kayo iiwan.” Bulong niya rito.
Idinikit niya ang kaniyang tainga sa aking tiyan. Hinaplos ko ang buhok ni Deacon. Hindi ko akalain na ganito ang aming pagtatagpo.
“Ang likot niya, Ada.”
Napatango-tango ako sa sinabi niya. Niyakap niya ang bewang ko at hinagkan muli ang aking tiyan saka siya tumayo. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinakatitigan ako ng mabuti. Ngumiti ako sa kaniya at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata.
Sa mga oras na ito aking nadarama ang tunay na kasabikan at pagmamahal sa pamamagitan ng aming titigan. Ilang buwan man kaming hindi nagsama at nagkita subalit ang aming nadarama ay mas lalo lamang naging matatag.
“Ika’y magbihis muna at baka ako’y hindi makapagpigil.”
Natawa ako at nahampas ang kaniyang dibdib. Bigla ay binuhat niya ako at dinala sa loob ng munting kubo.
Habang nagbibihis ay dama ko ang titig ni Deacon. Walang ni isa sa amin ang nagsalita at hinayaan lamang ang katahimikan na kumanta. Lumapit ako sa kaniya nang makasuot na ako ng damit. Nakaupo siya sa kama.
Kaniyang hinawakan ang aking bewang at ikinandong ako sa kaniya. Niyakap niya ako mula sa likuran at hinaplos ang aking tiyan dahilan kung bakit sumipa muli ang aming anak. Marahil ay nararamdaman niya ang presensya ng kaniyang ama. Nasasabik na akong makita namin siya ni Deacon.
“Deacon, paano ka nakapunta rito?”
Pinatakan niya ako ng halik sa aking balikat hanggang sa aking leeg.
“Sa ngayon, huwag muna tayong mag-isip ng kung ano-ano. Hayaan muna nating makapiling ang isa’t isa na walang inaalala.”
Napangiti ako sa kaniyang sinabi at nilingon siya para lamang salubongin ang kaniyang mga labi. Dumapo ang kaniyang mga palad sa aking dibdib at minasahe iyon. Pinasadahan niya ng dila ang aking leeg at dahan-dahang binalik sa aking pisngi. Naramdaman ko ang pag-angat ng mahaba kong palda sa aking hita at lumapat roon ang mainit niyang palad.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...