24 : Jealous
Kikiligin na sana ako sa sinabi ni Deacon kanina eh pero parang umurong ‘yong kilig ko nang makita ko ang pinapakita niyang kilos ngayon dito sa sala. Ewan ko ba kung bakit ganito ‘yong nararamdaman ko eh hindi naman dapat.
“Dyosa Cleona, nasabi ko na ba sa iyong sabik na sabik ako?” Sabi ni Dallas na nakatingin sa mga mata ng Dyosa.
Feel ko ako lang ang nakarinig sa sinabi niya kasi ang ibang mga kasama namin ay abala sa pakikipaglaro ng mga bata at kay Bowbow. Nasa kalayuan silang tatlo nina Deacon ngunit naririnig ko ang mga boses nila kasi nasa kanila ang atensyon ko. Si Dyosa Cleona ay napapagitnaan ng dalawang lalaki.
Ngumiti ang Dyosa kay Dallas. “Ako rin naman, sabik na sabik ako sa inyong dalawa.” Pagkatapos ay hinawakan niya ang mga kamay ng dalawang lalaki.
Sobrang close talaga siguro nila para kaya niyang gawin ang mga bagay na iyan. At sobrang mahal na mahal siguro nila ang Dyosa para lang mapagsama niya ang dalawang lalaki na magka-away na HINDI nag-aaway. Ha! Edi wow.
“Dyosa, mas lalo ka yatang gumanda.” Sabi ni Deacon.
See? Ito iyong sinasabi kong umurong ang aking kilig. Kasi kung cheesy siya kanina corny naman siya ngayon. Malamang hindi lang ngayon niya nasabi ang mga salitang iyan, maraming beses na. Ano ba kasing pake mo, Ada? Magkaibigan sila okay! Close sila simula palang noon hindi pa ba sapat na may sari-sariling kwarto sila sa palasyo? Isa pa, ex nga niya ang Dyosa at dapat pa ngang pakasalan eh. At higit sa lahat, naghihintay kamo ang Dyosa na alukin siyang muli ng kasal. Kaya please tumigil ka na kung ano man iyang iniisip mo, gigil mo si ako.
Bago pa makalingon si Dyosa Cleona kay Deacon ay hinawakan agad ni Dallas ang mukha ng babae.
“Kailanman ay hindi kumupas ang iyong karikitan, Dyosa.” Sabi ni Dallas.
Kumunot ang noo ni Deacon at muling nagsalita. “Dyosa, nais mo bang mag-usap tayong dalawa?” tanong niya.
Napalingon si Dyosa Cleona kay Deacon na hindi na napigilan pa ni Dallas. Kumislap ang mga mata ng babae at nakangiting tumango. Nawala ang pagkunot ng noo ni Deacon dahil sa siya ay ngumiti.
“Ngunit bago ang lahat, nais kong tawagin niyo akong Cleoan katulad ng dati.” Sabi ni Dyosa Cleona.
Napangiti ang dalawang lalaki at napatango. Tumayo na si Deacon pagkatapos ay inilahad ang kaniyang palad. Napatingin naman ang dalawa roon.
“Nais kong mag-usap tayo sa pribadong lugar, Cleona.” Sagot ni Deacon sa mga nagtatanong na mga mata ng kaniyang mga kasamahan.
Pribadong lugar? Ha! Ano kayang gagawin nila? May gagawin kaya sila? Eh anong pake mo, Ada?
O baka… malamang sasabihin na niya roon na maaari na silang magpakasal dalawa. Pero paano kung magpapakasal nga silang dalawa? Eh ano naman sa akin ‘yon? Dapat hindi ako nag-aalala kasi wala naman kaming dalawa. Siguro ‘yong mga pa-kiss kiss at pa-touch touch naming dalawa ay dahil lang sa sexually attracted kami sa isa’t-isa. Kumbaga pinapakinabangan lang namin ang katawan ng isa’t-isa at ayos lang iyon, walang problema doon.
Tinanggap ng Dyosa ang kamay ni Deacon at tumayo pagkatapos ay naglakad sila papalayo. Napatingin naman ako kay Dallas na nakatingin sa likod ng dalawang naglalakad. Hindi ko alam pero ang mga mata niya, malungkot—para bang nasasaktan ang mga ito sa kaniyang nakikita.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasiWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...