26 : Go Home
Ikalawang araw na ng pagtitipon ngayon at narito ako sa sala kung saan kami nananatili. Ang usapan kagabi ay naputol at naiba nang may dumating na mga bagong panauhin at doon nabaling ang atensyon ng lahat. Bago ako bumalik sa pinto kung saan kami nananatili ay nagpaalam pa sa akin si Deacon na kakausapin niya raw muna si Dyosa Cleona saka siya susunod sa akin.
Pagkagising ko naman kanina ay wala na siya sa tabi ko pero alam kung tumabi siya sa akin kagabi kasi hindi ako natulog nang wala pa siya.
Kumaway ako nang matanaw ang paparating na sina Helanie at Sansha.
“Tara na?” Nakangiting saad ni Helanie.
Tumayo naman ako at tumango, napag usapan naming tatlo na sabay kaming manonood ng mga paligsahan at kung ano pa sa labas. Sina Geode at Oros ay kaninang umaga pa umalis ang sabi ni Sansha baka nambabae na raw. Ang tatlong mga bata naman ay nasa iisang silid, bilin kasi ni Deacon na huwag silang aalis kapag walang kasamang matanda, mukhang hindi naman sila interesadong makihalubilo.
Si Deacon ay hindi ko alam kung nasaan. Malamang ay kasama niya si Dyosa Cleona. Naisip ko tuloy si Dallas na naiwan sa Conte Moria, inanyayahan ko naman siyang sumama ngunit tumanggi siya. Hindi ko naman alam kung bakit ayaw niya at kung bakit nananatili siya roon sa palasyo ni Deacon. Pag-uwi namin itatanong ko iyon sa kaniya.
Huminto kami sa mga nagkakasiyahang mga nilalang kung saan ay may sumasayaw. Napapalibutan ang isang lalaking nakasuot ng kulay itim na mask habang sumasayaw ito, ang mahabang buhok na nakalugay ay sumasabay sa kaniyang paggalaw.
“Ang kisig ng lalaking iyan at ang galing sumayaw.”
Napatango ako sa tinuran ni Helanie. Tama nga siya, matangkad ang lalaki at halatang fit, maputi ito at makinis, mukhang yayamanin ang kutis.
“I don’t know but this guy’s familiar.” Sabi ni Sansha at humalukipkip.
Napatingin sa direksyon namin ang lalaki at biglang huminto sa pagsayaw ganoon din ang ginawa ng tatlong nagtatambol. Ilang sandali lang ay sumayaw siya uli at tumambol naman ang tatlo pagkatapos ay parang nang-aakit siyang sumasayaw palapit sa amin. Napakunot ang noo ko at inilipat ang tingin kay Sansha. Kahit naka-maskara ang lalaki ay nakikita ko sa kaniyang mga mata kung paano niya tingnan si Sansha.
Nang makarating sa harapan namin ang lalaki ay inilahad nito ang palad kay Sansha. Ngunit imbes na tanggapin ay umiling ang babae at akmang tatalikod ngunit bigla itong hinatak ng lalaking sumasayaw at dinala sa gitna.
Napatawa naman si Helanie. “Poor Sansha, halatang kilala niya ang lalaking iyon.”
“Sino ‘yon?” Tanong ko.
Napailing-iling na sumagot siya. “Someone she used to admire but now she hates.”
Ay bakit kaya? Nilingon ko ang dalawa kung saan si Sansha ay napipilitang ikilos ang mga paa habang ang lalaki ay patuloy sa pag-indak hanggang sa napalayo na sila sa amin at ibang grupo naman ang pumalibot sa kanila.
Nag-aya pa si Helanie na manood kami ng mga nagkakantahan. Una ay nais ko pang hintayin namin si Sansha pero sabi niya ay baka bukas pa makabalik ang babae at malalang pag-uusap pa ang gagawin ng dalawa.
Sobra akomg natuwa sa aking mga nasaksihan. Mas lalo akong sumasaya kapag nakikita ko ang ngiti at tawa ng mga nilalang na naririto. Halatang nasisiyahan din sila ng sobra. Napapalakpak ako pagkatapos mag-perform ng isang lalaki ng kanta. Naglakad naman sa gitna ang isang babaeng may hawak na gitara at nagsigawan naman ang mga nakapalibot na nilalang.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...