Chapter 20

73 4 0
                                    

20 : hideout

Palasyo? Bakit niya naman ako ipagtatayo ng palasyo at para saan? Hindi ko na nagawang itanong iyon kay Deacon dahil may kumatok sa pintuan tinatawag siya, mukhang boses ni Geode. Nagpaalam siyang babalik din pero hindi ko na nahintay dahil inantok na ako agad.

Pumitas ako ng mga bulaklak sa hardin. Naalala ko noon na may nagpakita sa aking babae malapit dito pero hindi ko na siya nakitang muli. Sino kaya siya? Naalala ko sinabi niya noon na may magbabago kapag magsisilang ako ng sanggol, ano kayang ibig niyang sabihin? Sinabi niya ring maaaring magdala ng kapahamakan o katiwasayan dito. Siguro kung bumalik ako sa mundo ng mga tao maaaring hindi maapektuhan ang Orcolio Ze Acantha.

At 'yong babaeng nakita ko sa unang pagtagpo namin ni Deacon, iyong babaeng bampira. Palagi niyang sinasabi na kaawa-awa ako at si Deacon, hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Sana lang hindi ko na siya muli pang makita.

Bumalik ako sa loob ng palasyo upang pumunta sa bakuran. Hindi ko pa man nararating ang pintuan palabas ng palasyo ay may naririnig na akong ingay.

"Maligaya akong nandito ka ulit, Dallas!"

Dallas? Dali-dali akong naglakad papunta roon at tama nga aking narinig nandito ang lobo! Kasama niya ang apat na bampira at masayang kinakausap siya. Nang mapalingon siya sa direksyon ko ay kumaway siya kaya ngumiti rin ako.

"Ada mas lalo ka yatang gumaganda."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Si Dallas iyong klase ng nilalang na mahilig magbiro, halata naman sa kaniyang personalidad.

"Lahat ba ng lobo ay mga bolero?" natatawang saad ko.

Huminto siya sa harapan ko at nangingiting umiling.

"Wait, you know each other?" Tanong ni Helanie.

Tumango ako sa kaniya.

"Oh, so it's not Cleona anymore?" tanong naman ni Geode.

"It's Dyosa Cleona." Pagtatama naman ni Oros.

Tumawa lang si Dallas at hinawakan ako sa likod pagkatapos ay inilahad ang kamay papasok. Para bang sinasabi niya na pumasok na kami. Naglakad naman ako at piniling umupo sa isang sopa, nagsi-upuan din sila.

"Bakit ka pala nandito, Dallas? Alam ba ito ni Deacon?" Tanong ko.

Sa huling pagkikita namin ay puro lang away ang dalawa. Hindi ko alam na nagkabati na sila para papuntahin siya rito. As far as I know, matindi ang hidwaan nila dahil kay Cleona.

"Malamang alam na niya ngayon." Sabi niya.

Napalingon naman kami sa mabibigat na yabag na paparating mula sa isang pasilyo ng mansyon.

"Mukhang alam na ata niya." Mahinang sabi ko.

Bumungad sa amin ang salubong na kilay ni Deacon na masamang nakatingin kay Dallas. Tumayo si Dallas at nangingiting tiningnan si Deacon.

"Mahal na mahal kita."

Napanganga ako sa sinabi ni Dallas at namilog ang mga mata nang akma niyang yayakapin si Deacon pero tinulak lang siya ng huli. Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ng apat na bampira. Inis na tumingin si Deacon kay Dallas.

"Umalis ka rito, alam mong wala kang puwang sa lugar na 'to."

Kunwaring nasasaktan na hinawakan ni Dallas ang kaniyang dibdib at nagpahid-pahid pa ng mga mata na akala mo may luha. Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa.

"Deacon, pakinggan mo muna si Dallas kung bakit siya naririto." Sabi ko.

Inis na tiningnan ako ni Deacon, gumalaw ang kaniyang panga bago magsalita.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon