Chapter 32

64 4 0
                                    

32 : The Vision



Napagpasiyahan kong lumabas ng palasyo at sumama kina Oros at ng kaniyang ama. Noong una ay ayaw pa nilang pumayag at nais nilang magpahinga lamang ako mabuti nalang at nakumbinse sila ni auntie Sarina at auntie Kiola. Si Dallas naman ay inaya kong sumama ngunit ayaw niya.

Palagi ko nalang talagang nakakalimutan na tanungin siya kung bakit ba siya parang nagtatago sa palasyo. Mukhang naka-usap na rin siya nina uncle Variosky at hindi nakakuha ng sagot pero kahit ganoon ay hinayaan lamang nila ang lobo roon.

Inalalayan ako ni Oros na bumaba mula sa dahong sasakyan, mukhang na sa pinakasulok na kami ng Conte Moria. Tiningnan ko ang maliit na bahay kubo sa aming harapan na siyang nag-iisa sa kapatagan.

Unang pumasok si uncle Variosky at iginiya naman ako ni Oros. Pagpasok ko ay una kong napansin ang malaking orasan na nakalagay sa dingding. Mayroong isang maliit na mesa at may nakapatong doon na lampara na siyang nagsilbing ilaw sa loob katabi naman niyon ay tatlong libro na magkapatong. Masikip dito sa loob at walang ibang gamit na nakalagay.

Lumapit si Oros mesa at kinuha ang lampara pagkatapos ay pinatay ang ilaw nito. Dumilim ang paligid at ilang sandali lang ay sinindihan muli ni Oros ang lampara. Sa muling pagliwanag ng maliit na kubo ay parang na sa ibang lugar ako. Bumungad sa akin ang mahabang pasilyo na gawa sa kahoy at mayroong malaking dahon sa gilid kung saan sa ilalim nito ay bulaklak na umiilaw.

Tiningnan ko ang dingding at nakitang naroon pa rin ang orasan. Ang mesa kanina ay wala na.

“Nasaan tayo?”

“We are in Dungeon.” Si Oros na nagsimulang maglakad kaya sumunod ako habang si uncle Variosky ay nauna na.

Kung ganoon ay na sa piitan kami, ano kayang gagawin namin rito.

Lumiko kami sa isang pasilyo at bumungad sa amin ang hagdan pababa. Katulad roon sa aming nadaanan ay may ilaw rin dito. Naglakad pa kami ng ilang minuto hanggang sa makarating kami sa isang pinto kung saan ay nababalot ito ng mga sanga na nakadikit. May kinuha si Oros mula sa kaniyang bulsa at idinikit ito sa gitna ng pintuan pagkatapos ay unti-unting gumalaw ang mga sanga paalis sa pinto.

Akala ko ay bubukas na ang pinto ngunit may binigay si uncle Variosky kay Oros at inilagay niya naman ito roon kung kaya sa bumukas na ito.

“Ano ‘to?” Tukoy ko sa lugar dahil wala akong ibang makita kung hindi ay dingding lamang. Ang ilaw ay na sa kisame na.

“Dito ikinukulong ang mga priso.” Sambit ni uncle Variosky.

“Eh nasaan sila?”

Humarap siya sa isang pader at inilabas mula sa bulsa ng kaniyang damit ang isang gintong patpat na kasing laki ata ng daliri ko na sa tuktok nito ay may isang maliit na dahon. Itinutok niya ito sa pader at namahangka ako nang unti-unti ay nagiging malinaw iyon subalit napalitan ang aking pagkamangha sa gulat dahil bumungad sa amin ang isang matandang babae.

Gusot-gusot ang damit nito habang nakatingin sa amin na walang emosyon hanggang sa naging pokus ang titig niya sa akin at unti-unting ngumisi. Akmang magsasalita siya pero biglang bumalik sa dati ang pader, ibinaba na pala ni uncle Variosky ang gintong patpat.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon