17 : Market
May ideya na akong si Deacon ang naglagay ng mga underwear ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang size ng panty at bra ko pero thank you naman at nagkasya.
Nahiga na ako sa kama pagkatapos. Gabi na nang makarating kami rito at tapos na rin akong kumain sa sasakyan. Pinikit ko ang mga mata ko at bago ako tuluyang nilamon ng antok ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.
Dumiretso agad ako sa sala pagkagising. Nadatnan ko roon ang mga bata na may hawak na mga libro.
“Magandang umaga!” Maligayang bati ko sa kanila. Nag-angat ng tingin sa akin si Thyrus at tumango habang ang mga kambal ay tiningnan lang ako at bumalik ulit sa librong hawak.
“Nasaan pala ang inco Deacon niyo?”
“Nasa kaniyang opisina.” Si Asmo ang sumagot sa akin. Napatango naman ako.
…
Nagdesisyon akong puntahan kung saan nagt-training ang mga bampira. Mabuti na lamang at sa paglabas ko ng palasyo ay nakasalubong ko siya. Sakto naman at papunta rin siya doon.
“Ada, nagpaalam ka ba kay haring Deacon?”
Umiling ako sa kaniya. “Babalik din naman ako at isa pa ligtas naman ako dahil nasa loob ako ng Conte Moria hindi ba?”
“Kahit na, sana nagpaalam ka pa rin kay haring Deacon kasi paano kung hanapin ka niya?”
“Huwag kang mag-alala sinabihan ko sina Hana at ang mga bata.”
Hindi naman kalayuan sa palasyo ang mga bampirang nagsasanay. Kailangan mo lang maglakad ng higit sa sampung minuto. Nadamay ko pa tuloy si Harmon sa katagalan ko kasi kung wala ako malamang nandito na siya isang minutong takbo lang ata ‘to niya.
Pagdating namin sa malawak na ground ay napa-woah ako sa nakita. Akala ko kasi mga bampirang may hawak na mga espada ang nagsasanay o combat ba pero hindi. May mga grupo na bumubuo ng isang shield gawa ng lupa, may grupo namang sinusubukang gumawa ng matutulis na pangtira gamit ang mga kahoy. May nakita rin akong grupong naggagamot sa mga sugatan—malamang dahil sa pagsasanay, mayroon ding nagsusubok na gumawa ng tali gamit ang mga vines at may mga gumagawa rin ng vines at dahon. At marami pang iba.
“Lahat ng nandito ang mga kapangyarihan nila ay kung ano ang kapangyarihan ng hari. Ang kapangyarihan ni haring Deacon ay kalikasan. Kaya niyang kontrolin ang kung ano mang may kinalaman sa mga tanim.”
Napatango ako. Kaya pala puro related sa mga kahoy at dahon ‘yong nakikita ko sa paligid niya.
“Ganoon din sa ibang kaharian.” Sabi pa ni Harmon.
“Paano kung ipinanganak ka rito ngunit ang kapangyarihan mo ay apoy o hindi kaugnay sa kapangyarihan ng hari anong mangyayari sayo?”
Nilingon ako ni Harmon.
“Wala namang mangyayari sa iyo. Sa katunayan nga ay mayroong ganoon dito at sa ibang kaharian.” May tinuro si Harmon na malaking kahoy.
“Naroroon ang mga bampirang may naiibang kapangyarihan. Doon sila nagsasanay, may pagkakataon na sa iisang lugar namin sila sinasanay.”
Nilingon ko si Harmon. Hindi ko naman close masyado siya kaya hindi ko alam kung may nagbago ba sa kaniya noong nawala ang kaniyang asawa.
“Harmon, hindi ka ba nagalit kay Deacon noong pinatay niya ang iyong asawa?”
Maliit na ngumiti si Harmon at tiningnan din ako.
“Nais ko mang magalit sa hari ay hindi ko magawa. Tama ang mga sinabi niya, Ada, na maraming sinayang na pagkakataon ang dati kong asawa.”
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...