Chapter 4

91 5 0
                                    

04 : King

Pinalilibutan ako ng mga tikbalang. Sa aking tingin ay nasa pito silang nakapalibot sa akin. Ang lalaki nila at pare-parehong mahahaba ang mga buhok. Pansin ko rin na dalawa lang ang babaeng tikbalang na kasama nila.

“sakto may agahan na tayo.”

Nanindig ang balahibo ko sa sinabi ng isang tikbalang. Nagtawanan naman ang iba at sumang-ayon sa kaniya.

“Ano kaya ang ginagawa ng babaeng ito rito? Pinabayaan ka ba ni Deacon? Nakapagtataka naman.” Sabi ng babaeng tikbalang.

“O kaya ay tumakas siya.”

“Siguro ay wala si Deacon sa Conte Moria.”

Tiningnan ko ang buhok na ngayon ay parang vine na nakapulupot sa kamay ko. Mukhang takot din ata siya.

Ngumisi ang tikbalang na lalaki sa aking harapan at muli pang humakbang. Nakatingala lamang ako sa kanila dahil sa laki at tangkad.

“Kitilin ang buhay ng taong ito.” Sabi niya at itinaas pa ang hawak niyang sanga ng kahoy.

Naghiyawan naman ang kasama niya at biglang lumapit sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, natatakot na ako at naiiyak. Sana pala talaga ay hindi na lamang ako umalis! Nakakapagsisis pero huli na ang lahat. Siguro katapusan ko na ‘to. Siguro hanggang dito lang talaga ang buhay ko. Sayang naman ayoko talagang mamatay ng virgin, hays.

“Sandali lamang,”

Napaangat ako ng tingin nang magsalita ang kararating lang na tikbalang. Huminto sa paglapit ang ibang kasamahan niya sa akin.

“Aking naulinigan na ang babaeng iyan ay nais patayin ng mga bampira. Paano kung ibigay natin siya sa nag-aasam na mawalan siya ng hininga?”

Lumingon naman ang lalaking tikbalang na nasa harapan ko kanina sa tikbalang na kararating lang.

“At bakit naman nila kikitilin ang buhay niya?”

“Dahil nagdadalang-tao siya. Malamang ay may nais na pabagsakin si Deacon.”

Madilim ang mukha na lumingon sa akin ang tikbalang na kaharap ko kanina at ngumisi.

“Kung gayon ay maaari ka pala naming pagkakitaan.” Sabi niya at nilingon ang ibang kasama. “Itali 'yan!” utos niya.

Muli ay lumapit ang mga kasamahan niya at hahawakan na sana ako nang biglang tumilapon ang tikbalang na hahawak sa akin.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ang nakahandusay na tikbalang na ngayon ay namimilipit sa sakit. May isang malaking lobo na skyblue, ang mga mata nito ay kulay abo. Nakatayo ito sa gilid ng tikbalang na may malaking pinsala sa katawan.

“Isang lobo! Patayin siya!”

Sigaw ng isang tikbalang at agad na sumugod ang mga kasamahan nila.

Agad akong kumilos upang tumakbo ngunit nahawakan ang buhok ko.

“At saan ka naman pupunta?” nakangising sabi ng babaeng tikbalang.

“ang pangit mo!” sigaw ko at kinalmot-kalmot ang kamay niya.

Pilit akong kumawala pero mas malakas siya kung kaya ay nahihila niya ako pasunod sa kaniya.

“Bwisit ka! Kung tao ka lang nangudngud ko na mukha mo sa lupa!”

Ang unfair naman ng kalaban ko, tikbalang pa talaga ha? Sa susunod hihingilin kong maging tao siya para makaganti ako.

“Haaaa!” napasigaw ako sa gulat nang biglang tumilapon ang babaeng humihila sa akin at nasama ako sa pagkatumba!

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon