Chapter 36

54 3 0
                                    

36 : Bite


Na sa bayan ako ngayon kasama si Geode. Ang sabi niya ay may pupuntahan daw siya kung kaya ay sumama ako. Alam naman ni Deacon na ako ay umalis, noong una ay ayaw pa niyang pumayag pero nang nakiusap ako at sinabing nais ko rin makapasyal nag-yes na siya. Busy kasi siya masyado kung kaya ay hindi siya nakasama, sinabi pa nga niya na sa susunod nalang daw ako mamasyal kasama siya pero sabi ko sa susunod na ‘yon.

“Ano kaya ang magandang ihandog?” Sabi ni Geode sa aking tabi.

Sa katunayan talaga ay nagpasama si Geode sa akin dahil may nais siyang bigyan ng regalo para sa isang babae. Sila Helanie at Sansha kasi ay na sa Bertram kung kaya ay ako lang ang babaeng pwedeng makatulong sa kaniya.

Tumingin-tingin kami sa mga panindang naroroon. May pulseras, kuwentas, singsing, at kung ano-ano pa.

“Ano ba ang hilig ng babaeng bibigyan mo?”

“Hindi ko rin alam.”

Tinapunan ko siya ng tingin at napailing-iling. Ang lalaking ito, hindi man lang inalam kung ano ang gusto ng babae.

Tiningnan ko ang tindera na mainam na naghihintay. Sa mga nagdaang araw ay wala pa naman akong kakaibang narinig na balita tungkol sa mga magulang ng kambal.

“Kung anong gusto mo nalang kaya na ibigay sa kaniya?”

“Hmm let’s see.”

Tumingin pa kami sa ibang tindahan. Napahinto ako sa mga panindang kasuotan sa paa. Kinuha ko ang isang pares na kulay yellow.

“Ang ganda nito.” Usal ko at pinagmasdan ang disenyo nito na may naka-ukit na maliit na pakpak sa gilid ng bawat pares.

Nilingon ko si Geode at hinarap sa kaniya ang sapatos. Tiningnan niya ang hawak ko, napatagal ang titig niya roon pero walang sabing nag-iwas siya ng tingin at naglakad sa isa pang tindahan. Napasimangot ako at sumunod sa kaniya.

Namangha ako sa mga palamuti sa buhok. Mayroong hairpin, hairband, at kung ano-ano pa na para sa buhok.

“Mayroon din pala sila nito.” Mahinang usal ko at pinulot ang isang headband pagkatapos ay humarap kay Geode.

“Ito kaya? Panigurado magugustuhan niya ito.” Nakangiting usal ko.

Tumango siya at kinuha ang aking hawak.

Pagkatapos mamili ay nagdesisyon kami ni Geode na pumunta roon sa sapa kung saan may magandang tanawin. Marami din raw mga bampirang pumupunta roon.

Namangha ako sa ganda ng lugar pagkarating namin doon. May malaking sapa at sa gilid nito ay nakapaligid ang  mga kahoy na may namumulaklak na kulay blue.  Tunay nga sa sinabi ni Geode parang tourist spot ito.

“It was more than two decades since this tree bloomed but believe me or not, the Tanders have said that it flowered again the moment you step foot on Conte Moria.”

Napanganga ako sa nalaman. Ang mga Tanders na nagsabi niyon ha!

“Pero bakit naman?” Tanong ko.

“They said, the child in your womb is something special.”

“Kung ganoon, isang magandang senyales ba ito dahil namukadkad uli ang mga puno?”

Huminto siya saglit sa paglalakad at napaisip.

“Oo, maaaring ganoon but we must always consider that your child is a ticking bomb.”

Napabuga ako ng hangin sa sinabi ni Geode.  Sana lang talaga walang mangyaring masama. Nagpatuloy muli kami sa paglalakad at pumunta roon sa may bridge kung saan ay nagdudugtong sa kabilang dako ng sapa. Bago palang kami nakatungtong doon ay nagpaalam siyang aalis muna at babalik agad basta huwag lamang akong umalis doon. 

“Sige, balik ka agad ha.”

Tanging tango lang ang tugon niya at agad nawala. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sobrang linaw ng tubig dito, sa ilalim nito ay mga bato na mukhang crystal. Makikita rin ang repleksyon ng mga kahoy sa tubig at sobrang gandang pagmasdan.

Umihip ang preskong hangin at huminto ako upang damhin ito. May iilang dahon at petals ang nadagdag at napunta sa tubig.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Iyong wala kang aalahanin at parang nakakagaling ng sugat na hindi nakikita sa panlabas na anyo. Ang tahimik ng paligid at tanging pag-ihip ng hangin at galaw ng tubig ang aking naririnig sa sobrang sariwa at payapa ng aking pakiramdam ay parang nakikipag-usap ako sa aking kaluluwa.

Nilapad ang suot kong bandana. Hinabol ko ito ng tingin at napunta ito sa dulo ng tulay akala ko mahuhulog ito sa lupa subalit mayroong sumalo nito. Napaangat ako ng tingin sa kung sino man ito at napangiti nang masilayan si Deacon.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa aking pwesto. At sa mga sandaling iyon ay sumayaw ang mga kahoy, tumugtog ang hangin, at kumanta ang tubig. Lagaslas ng dahon ang siyang nagsilbing konfeti sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa habang ang suot niyang mahabang bandana ay hinihipan ng hangin kung kaya ay natatanaw ko ang gwapo niyang mukha.

Natigil sa paglalakad si Deacon at kunot ang noong tumingin sa aking likuran. Lumingon naman ako roon at nagulat sa aking nakita.

“Dyosa Phaedra!” Nagugulat na usal ko.

Tumingin siya sa akin at lumapit pagkatapos ay hinawakan ang aking kamay.

“Ada, sinusundo kita.”

“P-po?”

Sumulyap siya sa aking likuran pagkatapos ay marahas na ipinalibot sa aming dalawa ang suot niyang kapa. Dumilim ang paligid at sa pag-alis niya ng kapa ay lumiwanag ang paligid.

“Nasaan po tayo?” Gulat na aking tanong at nilibot ang paningin. Wala na kami sa sapa imbes ay na sa isang maliit na kubo.

“Kailangan mong manatili muna rito.”

Nilingon ko ang Dyosa at kinunotan siya ng noo.

“Ano ang ibig niyong sabihin? Bakit?”

Umupo ang Dyosa sa silyang na sa harapan ng lamesa at ipinatong ang dalawang kamay roon.

“Ito lamang ang tanging paraan upang ma-protektahan ka at iyong supling.”

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa katabing silya.

“Bakit? Alam niyo na ba kung ano ang mayroon sa aming supling?”

Tiningnan niya ako sa mga mata at hinawakan ang aking mga kamay.

“May dugong Dyos ang iyong dinadala.”

Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang ibinunyag. Umiling-iling ako sa kaniyang sinabi, hindi ito maaari at paano naman ito mangyayari? Alam ko kung sino ang aking mga magulang at paniguradong wala silang lahi ng Diosdamasus.

“Hindi ikaw, Ada. Ang ama ng iyong anak, si Deacon.”

Muli ay nagulat ako sa kaniyang rebelasyon.

“Ang ibig mong sabihin ay isang Dyos si Deacon?”

“Ang kaniyang ama ay isang Dyos habang ang kaniyang ina ay isang bampira.”

“Hindi ko maintindihan, paano?”

Wala ng sinayang na oras si Dyosa Phaedra at ipinaliwanag ang lahat sa akin. Ang ama na kinalakihan ni Deacon na si Procio ay hindi pala ito ang siyang tunay niyang kadugo at alam ito ni Procio at Terreth. Habang ang kaniyang ina naman na si Yerchi na siyang asawa ni Procio ay pinakasalan ng lalaki at inangkin ang kaniyang anak sa ngalan ng pag-ibig. Iniwan ng dalawa si Deacon kay Terreth at simula noon ay wala ng nakaka-alam kung nasaan ang dalawa. 

“Kung ganoon sinong Dyos ang ama ni Deacon?”

“Si Athanasios.”

Nagulat ako sa aking nalaman. Ang Dyos ng poot ang ama ni Deacon?

Ang sabi ng Dyosa sa akin ay sa oras na maisilang ang aking anak ay uulan ng gintong talutot indikasyon na may isang Dyos o Dyosa ang isinilang. Akin ding napag-alaman na ipinagbabawal pala ang magkaroon ng relasyon ang isang Dyos o Dyosa sa hindi nito kalahi. Mahigpit ang kanilang alintuntunin at kung sino man ang lumabag nito ay maaaring itakwil o makitilan ng buhay. Kay Deacon naman ay hindi umulan ng gintong talutot dahil may pagsa-sakripisyong nangyari at ‘yon ang hindi alam ng lahat.

“Si Deacon ang pangalawang anak na isinilang dahil sa pagtataksil.”

Kung ganoon ay may isa pa.

“Anong nangyari doon sa una?”

“Itinakwil sa posisyon ang Dyos, hinanap ang ina ng bata na isang salamangkero at kinitil ang buhay kasama ang kaniyang anak.”

Napasinghap ako sa nalaman at biglang nanindig ang mga balahibo. Nakakatakot, kung ganoon ay maaaring mangyari sa akin ang ganoon.

“Alam ba ito ng mga naging kalaban ni Deacon kung kaya ay nais nila kaming paslangin? At ano naman ang rason?”

Tumango ang Dyosa.

“Batid nila na isang Dyos si Deacon dahil sa isang salamangkero at alam nilang sa oras na malaman ng Dyos ng poot ay maaaring maging isang emperador si Deacon. Iyon lamang ay kung magtagumpay si Deacon sa paglilitis sa Diosdamasus.”

“Pero bakit mo ako tinutulungan? Hindi ba ay isa kang Dyosa at ang iyong ginagawa ay isang kataksilan?”

Ngumiti siya ng malungkot sa akin.

“Pagkatapos ng ginawa nila kay Dyosa Sousanna hindi ko na nais pang maging isang Dyosa.”

Hindi pa roon natapos ang usapan at marami pa akong nalaman. Ang sabi pa niya ay ang kapangyarihan ni Athanasios ay maaaring iyong kaya niyang puksain ang hindi mamatay-matay na nilalang. At dito sa lugar na ito ay walang sino man ang makakatunton sa akin kung kaya ay huwag akong mag-alala. Maaaring sa oras na malaman ni Dyos Athanasios na may apo siya ay baka mas lalo lamang magkagulo ang lahat. Tinanong ko rin siya tungkol sa nangyari kay Dyosa Sousanna subalit hindi na niya ako sinagot pa.

Lumabas ako sa maliit na kubo, pangalawang araw ko na rito. Si Dyosa Phaedra ay umalis ang sabi niya ay kaniyang pupuntahan si Deacon at ipagpapaalam ang kaniyang intensyon.  Nilibot ko ang aking tingin at napahanga sa ganda ng tanawin. May maraming mga tanim ang nakapalibot sa lugar na ito at sa ‘di kalayuan naman ay mga punong kahoy ng iba’t-ibang prutas. Naglakad ako sa upuang gawa sa bato mula rito ay natatanaw ko ang dagat. 

Aking hinawakan ang tiyan kong lumalaki na ang umbok. Sana lamang ay walang dahas na kahaharapin ang aking isisilang at si Deacon, ayokong matulad sila sa nangyari sa naunang isinilang dahil sa kataksilan. At kung susuwertehen man pwede palang maging emperador si Deacon.

“Ada.”

Nilingon ko si Dyosa Phaedra na nakabalik na pala. Tiningnan ko ang kaniyang likuran subalit walang Deacon na nakasunod kung kaya ay tumayo ako.

“Nasaan po si Deacon?”

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Napatingin ako sa prutas na inilagay niya sa aking palad at nagtaka sa gintong prutas na nakalagay.

“Para sa iyo, Ada mula kay Deacon.”

Tumingin ako kay Dyosa Phaedra at napa-isip pero kalaunan ay kumagat din ako roon. Unti-unti kong nginunguya ang prutas hanggang sa aking nilunok. Ilang sandali lamang ay naramdaman kong bumigat ang aking mga talukap at bago pa man tuluyang mahatak ng antok ay narinig ko ang mga huling sinabi ng Dyosa.

“Sa iyong paggising, makakasama mo na si haring Deacon.”

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon