12 : Cleona
“Bakit nandito ang Dyos ng poot hindi ba ay dapat na sa Bertram ito?” Tanong ni Dallas.“Hindi tayo makakaalis dito. Magiging abo rin tayo sa oras na igalaw natin ang ating mga katawan.”
Napasinghap ako sa sinabi ni Deacon.
“Wala na bang ibang paraan?”
“Meron ang hindi gumalaw ng isang araw.”
“Ano?”
Tiningnan ako ni Deacon at hindi ko naman maalis ang tingin sa kaniya. Hindi na mapupula ang kaniyang mga mata. Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa leeg ko at nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya. Ni minsan ay hindi niya pa ako nakakagat upang uminom ng dugo pero ngayon parang nauuhaw siyang nakatingin sa aking leeg.
Nawala ang atensyon ni Deacon roon nang may parang tubig na lumulutang at umiilaw ito na papalapit sa amin. Maliliit na bubbles ito ngunit marami. Huminto ito sa harapan namin at biglang bumagsak sa lupa para lamang makita ang isang Dyosa. Oo Dyosa talaga siya dahil sa gandang taglay niya.
Pero nagtataka ako kung bakit hindi siya nagiging abo eh naglalakad siya palapit sa amin.
“Dyosa Phaedra.” Sabay na sambit ni Deacon at Dallas.
May mahabang buhok ang babae na may dekorasyon sa ulo nito. Ang suot niya ay mahabang dress na pinagsamang puti at asul.
Itinaas ng babae ang kaniyang kamay, may tubig na lumabas dito at naging hugis pinto ang tubig. Itinapat niya ito sa aming harapan sapat na sa aming paghakbang ay makakapasok na kami.
“Pumasok na kayo,” Sabi niya kaya ginawa iyon nina Deacon at Dallas.
Pagpasok namin ay bumungad ang isang ilog. Bumaba ako mula sa mga bisig ni Deacon at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero noong una parang pinigilan pa niya ako. Tumingin ako sa likod at nakita ang maliit na kubo na may bulaklak sa paligid nito. Sa gilid rin ng ilog ay may mga bulaklak.
“Nandito na kayo sa Lambak ng Silang.”
Tiningnan ko si ang Dyosa na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin. Lumuhod si Dallas habang yumuko naman si Deacon at sabay na nagsalita.
“Isang karangalan ang makita ka, Dyosa Phaedra.”
“Nagagalak din ako at nagkaroon ako ng bisita.”
“Iyo bang batid kung bakit naroroon ang Dyos ng poot?” tanong ni Dallas.
“Hindi ko ito batid ngunit aking ipagpaalam sa ibang Dyos at Dyosa. Dapat ay maibalik sa Bertram ang Dyos, mas lalo lamang nagiging mapanganib ang Egon.”
“Paano mo nalamang naroroon kami, Dyosa Phaedra?” tanong ni Deacon.
“Malakas ang presensiya ng iyong anak sa akin, haring Deacon. Aking nadama ang nakaambang panganib kung kaya ay hinanap ko kayo at natunton.”
Lumingon si Dyosa Phaedra sa akin at ngumiti. Napansin iyon ni Deacon kung kaya ay nagsalita siya.
“Dyosa, iyo na bang inaasahan ang aming pagdating?”
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...