39 : Propose
Pinagmasdan ko ang mahimbing na pagtulog ni Deacon. Naka-unan ang kaniyang ulo sa aking hita habang tumatama ang sinag ng araw sa kaniyang mukha. Sinangga ko ang aking palad upang hindi ito matamaan. Namamangha pa rin ako na hindi nasusunog ang mga bampira dito kapag natatamaan ng araw.“Pogi mo talaga.” Bulong ko.
Kumurba ang kaniyang labi at bigla ay minulat ang kaniyang mga mata. Bumangon siya at pinakatitigan ang aking mga mata.
“Ano?”
Naiilang naman ako sa kaniya kung kaya ay nag-iwas ako ng tingin. Hinawakan niya ang aking baba at inilingon sa kaniya pagkatapos ay pinatakan ng halik ang aking labi.
“Mas lalo ka namang gumaganda sa bawat araw na magkasama tayo.”
Napanguso ako sa sinabi niya. Napaka-bolero talaga ng bampirang ito. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at inilahad ang kaniyang palad.
“Nakapunta ka na ba roon?”
Tiningnan ko ang tinuro niya. Doon pala ito kung saan may maraming mga prutas ng kahoy. Umiling ako sa kaniya.
“Kung gayon ay ipapasyal kita roon.”
Nagliwanag naman ang aking mga mata at tinanggap ang kaniyang palad. Magkahawak kamay kaming naglakad papunta roon sa mga kahoy habang dala ko ang isang basket.
“Nakapunta ka na ba rito?” Tanong ko sa kaniya.
“Hindi pero huwag kang mag-alala ang lugar na ito ay ginawa ng ama ni Dyosa Phaedra para sa kaniya dahil nais ng Dyosa na magkaroon ng maraming prutas.”
Napatango-tango naman ako kaya pala. Ang galing naman at nakakagawa sila ng ganito parang minecraft lang eh. Napahinto ako at napatingin sa isang prutas na parang mangga.
“Mangga ba ‘yan?”
Turo ko sa prutas. Napatingin ako sa aking katabi na wala na pala.
“Ada!”
Tumingala ako at nagulat nang makitang naroon si Deacon sa kahoy. Napangiti naman ako at biglang naging excited. Inihagis ko ang lalagyan sa kaniya at walang hirap na sinalo niya naman ito. Pinagmasdan ko siyang manguha ng mga prutas hanggang sa siya’y makababa.
“Ang dami!”
Maligayang sabi ko at nayakap siya.
“Hindi pwedeng yakap lang dapat may halik.”
Napakalas naman ako sa kaniya at pinatakan siya ng halik sa pisngi. Napangiti naman siya kung kaya ay nagpatuloy kaming maglakad. Maraming prutas ang nakatanim rito at iba-iba pa, wala namang pinalagpas si Deacon at kumuha nang kumuha hanggang sa napuno ang aming basket.
Sinimangotan ko siya nang mas lalo siyang umakyat sa pinaka-malayong sanga pero tinawanan lang ako at kumaway pa.
“Baka mahulog ka! Hindi kita masasalo, buntis ako.” Sigaw ko sa kaniya.
Tumawa lang siya pero muli akong napasigaw nang muntik siyang mahulog pero nagbibiro lang pala. Sinimangotan ko siyang muli at inirapan pagkatapos ay naglakad papalayo.
“Sandali!”
Naririnig ko pa rin ang tawag niya habang sumusunod hanggang sa sumulpot siya sa harapan ko. Humalukipkip ako at kinunotan siya ng noo.
“Ano?”
Nakagat niya naman ang kaniyang labi at hindi ko alam kung bakit parang ang cute niya. Kainis! Muli ay inirapan ko siya at maglalakad na sana pero agad niya akong binuhat at tumakbo ng mabilis kung kaya ay nahawakan ko ang aking tiyan.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...