23 : Birthday
Ang magandang babaeng ito ay si Dyosa Cleona? As in ‘yong ex ni Deacon? Woah hindi nga maipagkakaila ang karikitang taglay niya. Kaya hindi rin kataka-taka na mahumaling sa kaniya sina Dallas at Deacon.Tumakbo ang kambal papunta sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit, gumanti naman ang Dyosa. Ang babaeng ito, ang babaeng nasa aming harapan ay ang babaeng dapat na pakakasalan ni Deacon. Malamang alam na niya na magkakaroon na ng anak ang kaniyang ex. Parang na-conscious tuloy ako bigla sa aking sarili nang mas natitigan ko pa siya. Ganito ba talaga ang mga Dyosa? Makinis ang balat at walang bahid na anong kapintasan? Walang kahit na anong peklat sa kaniyang balat na para bang walang lugar ang mga iyon sa kaniyang katawan.
“Ang bilis niyong lumaki! Thyrus halika rito!”
Kahit ang boses niya ay ang sarap pakinggan, ang kaniyang ngiti ay nakakahawa at para siyang isang sining na ang sarap pakatitigan. Napatingin tuloy ako sa kaniyang dibdib—ops eyes off wala ako nun, ay meron naman pero tama lang siya ng laki.
Umupo kami sa mga ulap na sopa habang masayang kinakausap ng Dyosa ang tatlong bata. Ang unicorn naman na regalo nina Oros at Geode ay paulit-ulit na tumitingin sa salamin. Malamang ay tinitingnan niya kaniyang sariling repleksyon doon na para bang nagpapaganda; napag-alam ko rin na babae pala ito.
“Ito ang unang pagkakataon na makakakita ako ng Dyosa.” Manghang sabi ni Helanie.
“Ako rin” segunda naman ni Sansha.
Napapagitnaan ako ng dalawang babae. Habang sa kabilang sopa ay sina Oros at Geode. Si Deacon at Dallas naman nasa iisang sopa rin ngunit may espasyo sa gitna. Ayaw talaga nilang magdikit na para bang may nakakahawang sakit ang sila. Napailing nalang ako, kailan ba sila magbabati? Sa aking naalala si Dyosa Cleona ang dahilan kung bakit nag-away sila malamang ang Dyosa rin ang makakapag-ayos sa kanila.
“Wala ka bang narinig tungkol sa pagpapatuloy ng kanilang kasal ni inco?” tanong ni Sansha.
Umiling si Helanie at nagsalita pero nakatingin pa rin sa Dyosang papatayo na mula sa pagkaka-upo.
“Malamang ay hindi pa muling inalok ni inco si Dyosa Cleona pero may narinig akong naghihintay lang daw ang Dyosa.”
Napatango ako kahit hindi naman ako ang kinakausap ni Helanie. Kung gayon ay may nararamdaman pa ang Dyosa kay Deacon at handa pa rin itong magpakasal sa lalaki. Ang hinihintay lang ay alokin siya ng hari o ‘di kaya ay siya mismo ang mag-alok kay Deacon—kailangan lang may mauna. Wala namang kaso sa akin kung magpapakasal silang dalawa kasi sila naman talaga iyong nagmamahalan at isa pa nandito ako dahil sa anak niya. Pero kung mahal nga ni Deacon ang Dyosa eh ano iyong ginagawa namin? Kailangan na niyang itigil iyon, ay hindi kaming dalawa pala, kailangan na naming pigilan ang aming mga sarili kung may balak siyang balikan ang ex niya. Ayoko maging kabit at ayokong maging cheater siya.
Umupo ang Dyosa sa isang bakanteng sopa. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid, sa mga nakasabit sa kisame, at mga disenyong ginawa kanina.
“Ang ganda ng disenyo.” Sabi niya na nakangiting nakatingin sa kisame.
“Kami ang gumawa niyan!” Masayang sabi ni Sansha.
Napatingin ang Dyosa sa aming tatlo. Hindi ko naman alam kung anong gagawin kaya ngumiti lang ako sa kaniya.
“Sansha, Helanie kumusta na kayo?” Nakangiting tanong niya.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasíaWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...