37 : Him
Isang matamis na ngiti ang iginawad sa akin ng aking anak. Napakagandang bata, kuhang-kuha niya ang hitsura ng kaniyang ama. Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok at ginawaran ng halik ang tuktok ng kaniyang ulo.
Naramdaman kong may humawak sa aking likuran at hinalikan din ang tuktok ng aking ulo.
“Kay ganda niyong pagmasdan.”
Napangiti ako dahil sa tinig ni Deacon.
“Papa!”
Tumakbo sa kaniya ang aming anak na lalaki at siya’y niyakap. Maligayang kinarga ni Deacon ang aming supling at inikot ito. Ang sarap sa pakiramdam na makitang ganito sila kasaya, ang munti kong pamilya
“Ada!” Sigaw ni Deacon.
Napasinghap ako nang may matalim na bagay ang tumusok mula sa aking likuran hanggang sa naramdaman ko ang paghapdi at hindi maipaliwanag na sakit ang lumukob sa aking katawan. Kinakapos ng hininga ay bumagsak ako at ang mga bisig ng aking asawa ang aking naramdaman.
“Ada… Ada! Ada!”
Nahigit ko ang aking hininga at napabangon mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa aking tiyan at nakahinga ng maluwag nang maramdamang hindi naman ako sinaksak. Napatingin ako nang bumukas ang pinto ng aking silid at iniluwa roon ang aking anak.
“Mama!”
Yumakap siya sa akin at ginantihan ko naman ito. Tumayo na ako at hinawakan siya sa kamay at sabay na lumabas ng aking silid. Pumunta kami sa salas at nakitang naghihintay na roon ang kaniyang ama.
“Deacon, bakit hindi mo ako ginising?”
Lumingon sa akin ang aking asawa at bigla ay na sa aking harapan na siya. Hinawakan niya ako sa bewang at mabilis na pinatakan ng halik sa labi.
“Dapat lamang na may tamang pahinga ka, ika’y napagod kagabi hindi ba?”
Nahampas ko naman siya sa kaniyang biro.
“Ew!”
Natawa kami nang tumakbo palabas ang aming anak.
“Habulin ko lang.”
Tumango ako kay Deacon pagkatapos ay bigla siyang nawala. Sumunod naman ako roon sa kanila sa labas at sumandal sa hamba ng pintoan nang makitang nagkukulitan ang dalawa. Ang cute nilang tingnan, katulad na katulad talaga ng aming anak si Deacon kung sa itsura ang pag-uusapan. Tumakbo papunta sa akin ang aming anak kung kaya ay sinalubong ko siya ng yakap at kinarga. Lumingon kami sa kaniyang ama.
“Deacon!”
May nakatusok sa kaniyang tiyan na matalim na bagay na parang katulad sa aking panaginip lang. Tumakbo ako papunta roon, kinakapos siya ng hininga at maraming dugo ang dumanak sa lupa.
“Deacon! Deacon hindi! Huwag mo kaming iwan, Deacon!”
Nalulunod ako at hindi makahinga. Dumidilim ang paligid hanggang sa wala na akong makita. Anong nangyayari? Nasaan ang aking mag-ama, nasaan ako? Napa-ubo ako at parang pinipiga ang aking puso sa sakit na hindi ko maipaliwanag. Hinabol ko ang aking hininga hanggang sa hindi ko na makayanan at ako’y bumagsak sa lupa.
Tulong…
“Ada!”
Napamulat ako at agad na nakahinga. Lumingon-lingon ako sa paligid at nakitang na sa loob ako ng kubo. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang babaeng na sa aking tabi.
Si Dyosa Phaedra…
Magsasalita na sana ako nang may sumipa sa loob ng aking tiyan. Napasinghap ako at napatingin doon. Nanlaki ang aking mga mata at nagulat sa aking nakita. Bakit malaki na ang aking tiyan? Na para bang ano mang oras ay pwede na akong manganak.
“A-anong nangyayari?”
Naramdaman ko ang paghawak ng Dyosa sa aking balikat at hinaplos ang aking likod.
“Ilang buwan kang nakatulog, Ada, at ika’y aking ginising dahil malapit ka ng magsilang.”
“Ano?!”
Hindi ako makapaniwala na ilang buwan akong nakatulog at sa aking paggising ay manganganak na ako? Kumain lang ako ng gintong prutas at biglang naging ganito ang lahat? Hindi naman ako si snow white para makatulog pagkatapos kumagat ng mansanas.
“Hindi totoo iyan!”
Tumayo ako at lumayo sa kaniya. Napayuko naman siya at napailing-iling.
“Ipagpatawad mo, Ada. Kailangan ko iyong gawin upang hindi kayo matunton ni Deacon o ng mga kalaban.”
Nanghina ang aking tuhod at napa-upo sa sahig. Sobra-sobra na talaga ang nangyayari sa akin sa mundong ito, ayoko na, pagod na ako.
“Gusto ko ng umuwi.”
“Ada, hindi pwede, mas lalo kayong magiging delikado sa mundo niyo.”
“At dito hindi?”
“May po-protekta sa inyo rito pero doon? Wala, mas mapapadali ang inyong buhay.”
Kahit anong gawin ko ay wala na akong magagawa dahil mas makapangyarihan siya, sila. Nakakatawa lang dahil literal na may kapangyarihan talaga sila.
Pinagpahinga muna ako ng Dyosa at saka na raw kami mag-uusap kapag nagkaroon na ako ng sapat na pahinga. Lumabas muna ako sa kubo at naglakad-lakad, aking napansin na wala pa ring pagbabago na nangyari sa paligid ganoon pa rin ang mga punong kahoy at bulaklak. Hindi pa rin ako makapaniwala na ilang buwan akong nakatulog parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Akala ko ay sasabihin na sa akin ni Dyosa Phaedra ang mga nangyari pagkatapos subalit hindi siya nagsalita kung kaya ay hinayaan ko na lamang. Dumaan pa ang ilang araw na wala akong narinig mula sa kaniya, ayoko namang mainis subalit nais ko na talagang malaman ang mga kaganapan.
Hindi ko na pinalagpas ang isa pang araw na wala siyang ibubunyag sa akin. Sa loob ng ilang araw na magkasama kami ay madalas mawala ang Dyosa pero bumabalik naman agad nang hindi pa nag-iisang araw. Ngayon na nandito na uli siya ay kakausapin ko na.
“Dyosa,”
Umupo ako sa kaniyang tabi, na sa labas kami ng maliit na kubo kung saan may bangkong nakalagay sa gilid.
“Nasaan po si Deacon?”
Ito agad ang aking naitanong sa kaniya dahil hindi mawari sa aking isipan na hindi ko siya nakita dito. Isang buntong hininga ang pinakawalan ng Dyosa bago nagsalita.
“Sina Amanda at Rou ay tunay ngang nagising at umatake muli sa Conte Moria pero sa pagkakataong iyon ay napaghandaan na nila haring Deacon. Sa huli ay nakitil ang buhay ng mag-asawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ni haring Deacon.”
Napahinga naman ako ng maluwag sa nalaman, kung gayon ay wala ng panganib.
Maayos lang kaya ang mga kambal? Marahil ay masasaktan sila ng labis kapag nalaman nila ang nangyari. Nalulungkot tuloy ako para sa kanila.
“Si haring Deacon naman ay hinahanap ka pa rin hanggang ngayon, Ada.”
Hinarap ko si Dyosa Phaedra at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
“Dyosa, hindi ba maaaring ako’y bisitahin niya?”
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at bumuntong hininga. Muli ay tumingin siya sa aking mga mata at ngumiti. Kaniya ring hinawakan ang aking tiyan at hinaplos iyon.
“Ada, may mga bagay na kailangan mong isakripisyo para sa inyo ng iyong supling. Malalaman at malalaman ni Dyos Athanasios na may apo siya dahil sa oras na ika’y magsilang may mangyayari sa kaniyang katawan o kapangyarihan. Ito ang tinatawag na luksong dugo.”
Kung gayon ay kailangan kong magtiis para sa amin ng aking supling. Hindi ko alam kung makikita ko bang muli si Deacon sa oras na ako’y manganak. Ang tanging sabi lamang ng Dyosa ay walang kasiguraduhan, basta ang tanging nais lamang niya ay kaligtasan naming dalawa ng supling namin ni Deacon. Sa oras na humupa raw ang lahat ay maaaring babalik na ako sa mundo namin kasama ang aking anak. Kung gayon ay posible ngang hindi ko na makita pa si Deacon.
Aking hinaplos ang aking tiyan. Malaki na ito at katulad ng sabi ng Dyosa ay maaaring manganak na ako anumang oras. Aking tiningnan ang repleksyon sa salamin, nakasuot ako ng mahabang asul na damit na hanggang wrist ko ang manggas nito. May bulaklak na nakakabit sa aking damit at talagang nagustuhan ko ito.
Akin ding napansin na wala namang nagbago sa aking hitsura mukhang pumuti lang ako. Kailangan ko palang makatulog ng ilang buwan dahil mas maitatago ako sa lahat ng mga kalaban na hindi ko alam kung sino ba ang mga ito.
Lumabas na ako sa maliit na kubo. Kahapon ang sabi ng Dyosa ay maaari akong magliwaliw rito basta huwag lamang lumayo. Ngayon ay nais kong maligo sa ilog kung saan na sa harapan lang naman ng kubo. Muli ay umalis na naman ang Dyosa, hindi naman niya sinabi kung saan ang kaniyang tungo.
Nabighani ako sa kumikinang na ilog. Berde ang kulay nito dahil sa sobrang linaw at klarong-klaro ang maliliit na bato roon. Nagsimula na akong hubarin ang aking kasuotan hanggang sa puting manipis na damit nalang ang naiwan. Napatingin ako sa aking dibdib at namangha nang mas lumaki iyon, wala akong suot na bra kung kaya ay klarong-klaro ito nang mabasa ng tubig.
Napatili ako nang lumukob sa akin ang malamig na tubig. Naglakad ako sa malalim pang parte, nais ko sanang lumangoy pero buntis pala ako baka mapaano pa. Napasinghap ako nang maramdaman ang pagsipa ng aking anak doon. Medyo masakit ito subalit masarap sa pakiramdam ang kaniyang paggalaw.
Hinawakan ko ang aking tiyan at wala sa sariling napangiti. Hindi ako makapaniwala na malapit ko na siyang makita. Naalala ko tuloy iyong na sa aking panaginip, lalaki ang anak namin ni Deacon roon. Ipiniling ko ang aking ulo nang maalala ang trahedyang nangyari sa aking panaginip.
“Nasasabik na akong makita ka, Amethyst.” Nakangiting usal ko at hinawakan ang aking kwentas.
Kumusta na kaya ang iyong ama, Amethyst? Miss ko na siya, nais ko na siyang makita sana lang ay na sa aking tabi siya sa oras na ikaw ay aking isilang.
Inilubog kong muli ang aking katawan sa tubig. Naglinis na rin ako ng aking katawan at ilang sandali pang nanatili roon. Nang makaramdam ng pagod ay nag-desisyon akong umahon na pero bago pa iyon ay lumubog pang muli ako.
Sa aking pag-ahon ay isang nilalang ang hindi ko inaakalang makita. Isang pares ng mata na palaging nagiging rason kung bakit tumatambol ang aking puso. Nagsimula akong umahon at naglakad sa mas mababang parte ng ilog. Ang tubig ay unti-unting nililisan ang aking katawan at nag-iisang anyo sa ilog.
Sa likod ng palumpong ng mga bulaklak ay nakatayo siya roon at nakatitig lamang sa akin.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasíaWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...