Prologue

295 10 2
                                    

Lumabas ako ng banyo na naka-tuwalya at napakunot ang noo ko nang makita ang bintana na nakabukas, ang kurtina nito ay lumilipad dahil sa hangin. Agad akong naglakad papunta roon upang isara ito, agad nanuot ang lamig sa aking katawan nang matapat na ako sa bintana. Nakikita ko ang mga kahoy na sumasayaw dahil sa lakas ng hangin, ang sabi sa balita may bagyo raw.

Isinara ko ang bintana. Nakasarado ito kanina bago pa ako pumasok sa banyo para maligo. Siguro may sira na ang lock nito kaya chineck ko pero maayos naman, isa pa hindi na nagbubukas. Siguro nakaligtaan ko lang na i-lock. Nagsimula na akong maglakad papunta sa harap ng kama at tiningnan ang pills na nakalatag doon. Naihilamos ko ang dalawang palad sa aking mukha dahil na-mo-mroblema kung ano ba ang dapat kong gawin.

Pumunta ako sa hospital noong isang araw kasi madalas akong nahihilo at nagsusuka at ang mas ikinabahala ko ay hindi ako nireregla ng dalawang buwan. Nang lumabas ang resulta ay ikinagimbal ko ang sinabi ng doctor, buntis daw ako? Una, masaya akong malaman na buntis ako dahil pangarap ko talaga ang magkaroon ng anak pero nang may mapagtanto ay parang gusto ko nalang maglaho sa mundo. Kasi paano ako mabubuntis, kung una sa lahat birhen pa ako?

Kaya nakapag-desisyon ako kahapon na gusto kong ipakuha ang bata. Alam kung kasalanan ito sa Diyos pero natatakot lang ako sa kung ano ang lumabas mula sa aking tiyan. Kasi paano kung anak pala to ng demonyo? O engkanto? Jusko po wag naman. Mabuti na lamang at may kilala iyong friend kong si Lindy na albularyo, expert daw ito pagdating sa pagpapa-abort dahil dati pala daw itong doctor sa america. Pinapili niya ako kung dadaan ba kami sa operasyon para makuha ang bata o hindi na, syempre pinili ko iyong walang bayad, kasi sa unang choice need ng ilang libo.

Kinuha ko ang pills, ito ang ibinigay sa akin ni doctor Cowac. Sabi niya inumin ko lang daw 'to at kailangan ko lang magtiis ng sakit. Sa totoo lang mas risky 'to pwede akong mamatay at Isa pa illegal talaga itong ginagawa ko kasi hindi pa naman legal ang abortion sa Pinas. Napabuntonghininga ako, sorry po, at sa kung ano man ang nasa loob ko hindi talaga ako sigurado sayo kung tao ka ba o ano.

Kinuha ko ang basong nasa lamesa, sa gilid ng kama ko. Unti-unti kong inilapit ang pills sa aking bibig ihuhulog ko na sana sa loob nang biglang mabasag ang basong hawak ko.

"Diosmio marimar!" Tili ko at nabitawan ang hawak kong pills dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Dali-dali naman akong yumuko at kinapa ang ilalim ng kama nang biglang namatay ang ilaw. Muli akong napatili at biglang napatayo upang kapain ang cellphone ko.
Ano bang nangyayari? Lord kung nagagalit ka sorry na po.

Kahit natatakot ay kinapa ko ang kama dahil sa pagkaka-alala ko ay rito ko ito nilagay kanina. Napatigil ako sa pagkapa nang may maramdaman akong dumaan sa aking likod. Napalunok ako at mas lalong binilisan ang pagkapa sa kama.

"Nasaan na ba kasi 'yon!" Bulong ko. Nang may maramdaman ako sa ilalim ng kumot ay nagmamadali kong binaklas ang kumot ngunit bago ko pa man natapos baklasin iyon ay parang bumagal ang lahat

Parang bumagal ang pagkasandal ko sa pader hindi dahil sa kilos ko kung hindi dahil sa anino ng isang tao. Mula sa maliit na ilaw sa labas ay naaninag ko ang anino ng isang tao na ngayon ay nasa gilid ko.

Humigpit ang hawak ko sa tuwalya at nanginginig sa takot akong nilingon ang tagiliran ko kung saan naroroon ang nilalang. Sa tulong ng maliit na ilaw mula sa labas ng bintana aking nakita ang isang bahagi ng kaniyang mukha, ngunit hindi ko pa rin masyadong klaro pero isa lang ang sigurado ako, matangos ang ilong niya. Kahit natatakot ay nagawa ko pa ring magsalita.

"S-sino ka? Paano k-ka nakapasok r-rito?"

Matangkad ang taong ito base sa kaniyang anino, malaki ang katawan na nakasuot ng mahabang damit at mataas din ang buhok. Itinaas ko ang dalawang kamay at inilapat iyon sa katawan ng taong nasa gilid ko upang itulak siya papalayo ngunit hindi siya natinag.

Hindi siya nagsalita ngunit nakita ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi, ang mga mata niya ay hindi ko makita dahil sa natatakpan ito ng kaniyang buhok. Ibinaba niya ang kaniyang mukha at isiniksik ito sa aking leeg na siyang ikinatigas ko. Mas lalo kung pang nilakasan ng pwersa ang aking kamay upang itulak siya papalayo pero katulad ng nangyari kanina, hindi pa rin siya natinag.

"M-maawa ka po, huwag m-mo po akong s-sasaktan. Ano p-po ba kasing k-kailangan mo?" Nanginginig kong tanong at pilit na kumawala pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking balakang. "Tulong!" Kahit natatakot sa maaari niyang gawin sa pagsigaw ko ay ginawa ko pa rin iyon.

"Tulongan niyo po ako!" sigaw ko pa at muli sanang sisigaw nang bigla niyang dilaan ang aking leeg!

"Ano ba!" sigaw ko at tinulak-tulak siya pero hindi talaga siya natitinag sa inis ko ay hinawakan ko ang braso niya at malakas na kinagat pagkatapos ay tinuhod ko siya sa itlog.

"Ah..." Narinig kong ungol niya dahil sa ginawa ko at dahil rin doon ay unti-unting lumuwag ang hawak niya sa akin kaya dali-dali akong tumakbo pero bago ko pa man marating ang pintuan ay muli na akong nahawakan.

"Bitiwan mo ako!" pagpupumiglas ko pa dahilan kung bakit niya ako muling ibinalik sa pader upang hindi na ako makagalaw pa.

Nang maramdaman kong nahuhulog na ang aking tuwalya kakagalaw ay hinawakan kong muli ito.

"Sino ka ba? A-ano ba kasing kailangan mo!"

Katulad kanina ay wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa kaniya. Sa halip ay inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tainga at parang sininghot iyon. Kaniya ring iginalaw ang kaniyang kamay hita kong natatakpan ng tuwalya.

"H-huwag po, please!" nanginginig na Sabi ko dahil ipinasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng aking tuwalya. Nanlaki ang aking mata nang himas-himasin niya ito at kahit gusto ko mang gumalaw ay hindi ko ginawa dahil baka maabot niya ang vagina ko!

Bilang kumidlat at sa loob ng ilang milliseconds na ilaw na iyon nakita ko ang hitsura namin sa salamin kung saan ito nakapuwesto sa aming harap sa gilid ng pinto.

Napalunok ako. Ayokong mamangha sa nakita ngunit parang ganoon ito sa mga binabasa kong manhwa/manga/manhua sa tachiyomi.

Naramdaman ko ang unti-unting pagtaas ng kamay niya at sa hindi malamang dahilan ay napapikit ako natatakot na maabot niya si beshy ko ngunit bigla siyang huminto dahil biglang umilaw ang paligid.

Lumingon siya sa likod kung saan banda ang bintana at nagsalita.

"Nandito na sila." Sabi niya at lumingon muli sa akin.

At para naman akong mamatay sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman ngayon. Dahil maliwanag na ang paligid ay kitang-kita ko na ang itsura niya dahilan kung bakit natuyo ang aking lalamunan.

Katulad ng nakikita ko sa tachiyomi, pula ang kaniyang mata at may pangil siya.

Ibig lamang sabihin niyon ay isa siyang bampira!

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon