07 : Tanders
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay Asmo na ang kulay itim niyang buhok ay naging kulay pilak na nagniningning.
Natural lamang na magulat ako dahil isa akong tao at hindi pa rin nasasanay sa mga kahiwagaan sa mundo nila pero bakit pati si Deacon?“I-inco, a-ang sakit ng u-ulo ko.”
Agad akong dumalo kay Asmo at naramdaman ko naman ang pagsunod ni Deacon. Akin na sanang hahawakan ang bata nang hilahin ako ni Deacon palayo. Nilingon ko siya ngunit ang atensyon niya ay na kay Asmo pa rin na hindi matigil sa pag-iyak.
“huwag mo siyang hahawakan,”
Tiningnan niya ako pagkatapos ay inilagay sa likod niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi at kinikilos niya. Naglakad palapit si Deacon sa bata at hinawakan ito sa magkabilang balikat pagkatapos ay niyakap niya ito.
“Matulog ka muna” bulong niya at kalaunan ay pumikit nga ang mga mata ni Asmo.
“Anong ginawa mo?”
Nag-aalalang tanong ko. Tumayo siya buhat-buhat si Asmo sa kaniyang bisig. Hindi ko alam kung bakit may kung ano sa aking tiyan at namangha nang makita ang postura niya. Para siyang isang ama na karga-karga ang anak sa bisig niya.
Agad kong ipiniling ang aking ulo nang maalalang nababasa niya pala ang isip ko. Mabuti na lamang ay okupado siya kay Asmo malamang ay hindi niya na napansin ang naisip ko kanina.
“Samahan mo muna si Asmo sa kaniyang silid ngunit huwag mo siyang hahawakan.”
Tumango ako sa sinabi niya at sumunod na maglakad papunta sa kwarto ni Asmo. Bakit hindi ko pwedeng hawakan ang bata? Curious man ako but I won’t risk baka kung ano pang mangyari o kaya ay magalit na naman sa akin si Deacon.
Nang makapasok ay inilapag ni Deacon si Asmo sa kama nito.
“maupo ka lang diyan, kapag may nangyari ipaalam mo agad sa akin. Isigaw mo lang ang aking ngalan sa iyong isipan.”
Naks superhero ang datingan? Kumunot ang noo niya marahil nabasa ang iniisip ko kaya ngumiti ako sa kaniya. Hihi.
“Dito ka lamang at babalik ako.”
Tumango ako at tuluyan na siyang lumabas. Tiningnan ko naman si Asmo na natutulog ngayon. Hindi naman kumukunot ang noo niya o pinagpapawisan, malamang ay wala na ang sakit sa ulo niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naghintay nang bumalik na si Deacon at may kasama siyang mga matatanda. Tatlong lalaki at isang babae.
Agad akong tumayo nang pumasok sila. Tinapunan nila ako ng tingin at naiilang ako dahil roon sapagkat matagal silang nakatitig sa akin na sa tingin ko nga ay kung hindi tumikhim si Deacon ay hindi pa nila aalisin ang pagkakatitig.
May problema ba sila sa akin?
Naglakad sila patungo kay Asmo. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa nila, may isang naghihipo ng ulo niya, may isa ring chineck ang pulso, sinabuyan din ng kung ano si Asmo at kung ano-ano pa.
“Sa labas tayo mag-usap,”
Sabi ni Deacon nang may isang matanda na magsasalita na sana. Naglakad naman sila palabas akala ko maiiwan na naman ako sa silid pero tiningnan ako ni Deacon kaya sumunod ako sa kaniya. Pumasok kami sa isa pang kuwarto at naupo sa mga malalambot na sopa. Tiningnan ako ni Deacon nang makitang pumasok din ako sa silid.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...