Chapter 21

67 4 0
                                    

21 : Ink

Pagkagising ko ay agad kong hinanap si Dallas. Noon hindi naman ganito pero ang isiping nandito siya sa palasyo ay nasasabik ako. Naisip ko agad ang malambot niyang balahibo at kung gaano kasarap na yakapin siya. Kaklarohin ko lang gusto ko lang si Dallas dahil sa pinaglilihian ko siya at kaibigan na rin ang naging tingin ko sa kaniya, wala ng iba pa.

Pagkatapos ng nangyari kahapon hindi ko na nakita si Deacon. Nakasalubong ko ang tatlong bata at ang sabi nila ay nasa pang-apat na palapag daw ang lalaki kung saan ang pinakamalaking opisina niya kasama ang mga konsehal ng Conte Moria. Malamang ay nagpaplano sila ng depensa laban sa mga kalaban. Mukhang totoo nga itong nangyayari at may labanan na magaganap, natatakot tuloy ako para sa aming lahat.

“Dallas!” Masayang tawag ko sa kaniya.

Nasa malaking bakuran siya ng palasyo at naka-upo sa isang bangko. Lumingon siya sa akin at kumaway, mukhang may kinakain siya. Maligaya akong nagtungo kung saan naroroon siya.

“Gusto mo?”

Tiningnan ko ang inilahad niya at napatango ng ilang beses. Mansanas! Kinuha ko iyon at umupo sa kaharap na bangko pagkatapos ay kumagat. Ngumiti ako kay Dallas, hindi maitatanggi na may aking ka-gwapohan siya. Ang maikli niyang buhok ay mas lalong umikli at naging butterfly style. Kumikinang din ito kapag natatamaan ng araw at mukhang malambot.

“Kapag nakita ka ni Deacon na nakatitig sa akin ng ganiyan, paniguradong uusok na naman ang ilong niya.”

Natauhan naman ako sa sinabi ni Dallas na ngayon ay tumatawa niya. Ngumiti ako at umiling-iling, bakit naman uusok ang ilong ni Deacon? Kasi kausap ko ang kaaway niya? Hays ano ba yan. Nakagat ko ang aking labi nang maalala kung bakit ko siya hinahanap. Nahihiya akong sabihin iyon sa kaniya baka kasi ayaw niya at maging hindi pa siya komportable sa akin.

Napataas ang kilay niya. “Ada, alam kong may kailangan ka. Tungkol ba ‘yon sa paglilihi mo? Ayos lang naman sa akin kung may nais kang ipagawa basta huwag lang ang ibigin ka.”

Natawa ako sa sinabi at napakamot sa ulo. Palabiro talaga itong lobo na ‘to.

“Ano kasi baka kasi ayaw kaya…” Napanguso ako.

“Sabihin mo na. Hindi maaaring pinipigilan mo ang iyong paglilihi, makakasama iyan sayo.” Seryosong sabi niya.

Napatango ako. Tama nga siya, baka ano pang mangyari sa akin kapag pinigilan ko nga. Hindi kasi maganda ang ganoon, may narinig pa ako noong nasa mundo ako ng mga tao na nakunan daw siya dahil pinigilan niya ang paglilihi.

“Pwede bang maging lobo ka? Gusto ko lang madama ang iyong balahibo at yakapin ito kung okay lang? Ang kapal kasi talaga at ang lambot kaya gustong-gusto ko.” Nakagat ko ang aking labi dahil nahihiya sa aking pakiusap.

Tumango naman siya sa akin at ngumiti.

“Walang problema sa akin pero dito ka lang. Sayang naman ang mga damit na ito kapag napunit.”

Napangiti ako at tumango sa kaniya. Pinagmasdan ko ang paglakad niya papunta sa malaking puno na may makapal na mga vines. Ilang sandali lang ay lumabas na siya mula roon at lumapit sa akin.

Mas lumawak ang ngiti ko at lumukso ang aking puso sa excitement. Hindi ko alam pero para akong naglalaway nang makita ang mga balahibo niya. Feel ko nga kumikislap itong mga mata ko sa sobrang tuwa.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon