Chapter 28

70 5 0
                                    

28 : The War and The Accomplice

Tumambol muli ang puso ko sa kaba. May limang kaharian ang El Giles, si Haring Galen ay nakitilan na ng buhay kung gayon ay may tatlong hari pa. Paano ito matatalo ni Haring Deacon? May iba’t ibang kapangyarihan ang bawat hari, makakaya kaya niya kaya ito?

Dumalo sa akin si Halumi at tinulungan akong makatayo.

“Kailangan nating lisanin ang lugar na ito, Dyosa Cleona.” Dama ko ang takot sa boses ni Halumi.

Napasinghap ako nang bigla na lamang sumulpot si Sansha sa aming harapan kasama ang lalaki niya at ilang sandali lang ay dumating na ang kaniyang mga pinsan, maliban kay Deacon.

Makikita sa mga mukha ng mga bagong dating na may hindi magandang mangyayari ngayong gabi. Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala.

Bigla ay sumulpot si Deacon at katulad ng mga pinsan niya ay habol-habol niya rin ang kaniyang hininga.

“Inco…”

Hindi ko alam ngunit sa paraan ng pagtawag ni Oros kay Deacon ay para bang pilit nitong pinagtitibay ang kaniyang loob. Na narito lang kami at kakayanin natin ito, na kahit anong mangyari hindi ka namin iiwan at kasama mo kami sa laban.

“Oros at Geode inyong panatilihing ligtas ang aking mag-ina, si Dyosa Cleona at Halumi.” Sabi ni Deacon pagkatapos ay binalingan ng tingin sina Sansha at Helanie. “Kayong tatlo, kunin niyo ang mga bata mula kay Dyosa Sousanna.”

“Pero inco---”

“Magtiwala kayo sa akin.”

Hindi ko na napigilan at sumabat na ako.

“Deacon,” Pagtawag ko sa pangalan niya at lumingon naman siya sa akin pagkatapos ay agad na lumapit. “Aalis tayo na magkasama, ikaw lang ang maaaring magprotekta sa amin.” Nakagat ko ang aking ibabang labi sa pagpipigil na maluhang muli.

Sobrang bigat na ng aking nararamdaman at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kapag napano siya.

Umiling sa akin si Deacon pagkatapos ay niyakap ako.

“Sa ngayon, ihahabilin muna kita kina Oros at Geode.”

Agad akong umiling-iling at hindi na napigilang tumulo ang mga luha. Ayoko, masama ang pakiramdam ko kapag iiwan namin siyang mag-isa rito.

“Hindi, ayoko, hindi ka namin iiwan, hindi kita iiwan.”

Hinaplos-haplos niya ang aking ulo at likod.

“Tahan na, Ada. Wala na tayong oras.” Akmang kakalas siya sa pagkakayakap ngunit mas lalo kung hinigpitan ang aking pagkakayakap sa kaniya.

Ngayon ko lamang siya nayakap ng ganito kahigpit at sa mga oras na ito ay ayoko siyang pakawalan. Sa mga bisig niya ay kahit may naka-ambang panganib ay parang ligtas ako sa piling niya. Natatakot tuloy ako na kapag kakawala ako sa kaniyang mga yakap ay baka hindi ko na siya muli pang masilayan at hanggang dito na lamang ang lahat sa kung ano mang meron kami.

Tunay nga sa aking naisip, ang mga sandaling iyon ay kay iksi lamang. Dahil bigla na namang kumulog ng napakalakas at kasunod nito ang pagliwanag ng kalangitan. Sa pagkakataong iyon ay kumalas na si Deacon mula sa aking pagkakayakap na hindi ko na napigilan pa.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon