Chapter 33

65 6 0
                                    

33 : Return


Labis ang aking tuwa nang malamang nakabalik na si Deacon at sina Sansha. Agad akong pumunta sa opisina niya. Nang na sa pinto na ako ay huminga ako ng malalim at inayos muna ang aking buhok bago kumatok.

Nang walang nagsalita ay kumatok ako uli pero wala pa rin. Napakunot ang aking noo at kumatok uli, ang sabi sa akin ni Helanie ay na sa opisina raw ang lalaki. Nagtaka na ako dahil hindi pa rin ako pinagbubuksan.

“Deacon?” Tawag ko pero walang sagot na natanggap.

Baka umalis pa siya. Tumalikod na ako, babalik nalang ako mamaya. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay may humila sa aking bewang at niyakap ako mula sa likuran. Napasinghap ako nang may labing dumampi sa aking leeg at mahinang tumawa.

“Ako ba ang iyong hinahanap?”

Kumalas ako mula sa pagkakahawak niya at tiningnan si Deacon sa mga mata. Napangiti ako ng sobra nang makitang maayos lang naman siya pagkatapos ay niyakap ng mahigpit.

“Mabuti naman at ikaw ay maayos lamang.”

Ilang minuto pa kaming nanatili ng ganoon na hindi namin namalayan.

“Ada, aking hiling na mabigyan mo ako ng pagkakataon na bumawi sa iyo ng ating supling.”

Kumalas ako sa pagkakayakap mula sa kaniya. Maaaring ang ibig niyang sabihin ay iyong tungkol sa huli naming pag-uusap. Umiling ako sa kaniya at ngumiti.

“Naipaliwanag na lahat sa akin ni Dyosa Cleona. Isa pa, napag-isip isip ko rin na kapag nalaman ko iyon ay papayag naman ako dahil alam ko naman na para iyong sa ating anak. Mapanganib man pero para sa amin, ayos lang.”

Seryosong tinitigan niya ako. Hinaplos ng kaniyang hinlalaki ang aking pisngi.

“Hindi na kita ilalagay sa ganoong kalagayan, Ada, kayo ng ating supling.”

Tumango ako sa sinabi niya. Sa mga araw na hindi ko siya nakita ay hindi ko akalaing masasabik ako ng sobra sa kaniya. Bumaba ang aking titig mula sa kaniyang mata papunta sa matangos niyang ilong at huminto sa kaniyang mapupulang labi na akala mo ay isang bow dahil sa kurba nito.

Lumapit ang mukha ni Deacon sa akin hanggang sa dumampi ang kaniyang labi sa aking ilong at dahan-dahang binaba sa aking labi. Paulit-ulit niyang dinampian ang aking labi hanggang sa ako na ang kumagat sa ibabang labi niya at dahil roon ay naramdaman ko siyang ngumisi. Pinasok ko ang aking dila sa loob ng kaniyang bibig ngunit ilang sandali lang ay nakalas ang aming halikan pagkatapos ay nagkatinginan.

Ngumiti siya sa akin at muling siniil ang aking labi sa mas umaalab niyang mga labi. Naramdaman ko ang pinto sa aking likuran hanggang sa mabilis na kumilos siya at sa sang malambot na sopa tumama ang aking likod habang siya ay na sa aking ibabaw.

Hinila niya ang dalawa kong binti at ipinalibot iyon sa kaniyang bewang. Pilyo siyang ngumiti at dahan-dahang ibinaba ang kaniyang katawan sa akin. Hinalikan niya akong muli at hindi ko namalayang na sa ibabaw na ng aking ulo ang dalawang kamay na ngayon ay magkasalikop sa kaniyang palad.

Bumaba ang halik ni Deacon sa aking leeg at mahinang kinagat iyon hanggang sa naramdaman ko ang pagtubo ng kaniyang pangil.

“Ada…”

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon