34 : Amethyst
Dumaan ang ilang araw hanggang sa naging linggo na ito at hindi ko namalayang unti-unti na palang lumalaki ang aking tiyan.
Si Deacon ay naging busy sa pagresolba ng mga issue ng mga mamamayan dito sa Conte Moria. Mayroon ngang isang beses sumama ako sa paglilitis ng isang matandang lalaki na inakusahan ng pagpatay sa isang babae na anak naman ng makapangyarihang pamilya. Napatunayan naman na siya ang pumatay kung kaya ay dinala siya sa Dungeon.
Napag-alaman ko na wala palang death penalty sa kaniyang kaharian. Tinanong ko naman siya at sinabi niyang mapapadali lamang ang buhay ng mga kriminal at hindi mababayaran ang kanilang kasalanan. Which I agreed.
Si Geode ay sa wakas nagising na. Pagka-inom niya ng luha ng sirena ay hindi agad siya nagising, dumaan pa ang isang araw bago siya nagmulat ng mga mata. Ang mga magulang naman nila ay bumalik sa Belmura, napag-alaman ko na nalaman nilang nalalagay sa panganib ang kaharian ay dahil sa isang misteryosong mensahe na hindi nila alam kung saan galing.
Ang magpi-pinsan ay abala sa paghahanap kay Thyrus habang sina auntie at uncle ay ganoon rin, sa ibang paraan nga lang nila ito ginagawa. Sina Helanie at Sansha ang siyang pumupiunta sa Bertram upang hanapin si Terreth, hindi ko alam kung paanong nakakapunta sila roon.
Nakangiti kong pinagmasdan sina Asmo at Morgaria na naglalaro kasama si bowbow rito sa labas ng palasyo. Nagdesisyon kasi kami nina Geode na ilabas ang kambal upang hindi sila masyadong malungkot sa pagkawala ni Thyrus.
“Dallas, akin ‘yan!” Sabi ko nang akmang kukunin niya ang mansanas.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya ginaya ko rin siya hanggang sa natawa kaming dalawa.
“Sabihin mo nga sa akin kung bakit ka nagtatago rito?”
Umiling-iling siya at bigla nalang tumakbo papunta sa mga bata. Ang lokong ‘yon tinakasan ako.
“I still can’t believe it.” Nilingon ko si Geode na nakatanga sa kawalan.
“Ang ano?”
“Oros is getting married. Bruh, that immature one? Unbelievable.”
Natawa naman ako sa tinuran niya. Wala si Oros ngayon dahil naroon siya sa Tartarus. Si Deacon naman ay may inasikaso kasama si Harmon at mga pinagkakatiwalaan niyang mga tao.
Tiningnan ko si Geode na may mukhang hindi pa rin makapaniwala. Naisip ko lang iyong sinabi ni Deacon sa akin kung paano sila nagkaroon ng luha ng sirena. Kusa pala itong ibinigay ng isang sirena, at sa pagkaka-alam ko, Vienna raw ang pangalan ng babae.
Wala pang petsa ng kasal nila Oros pero mangyayari daw iyon sa loob ng ilang buwan.
Tumayo ako at kumaway nang makita si Deacon na paparating. Sumigaw naman ang kambal at tumakbo papunta sa kaniya. Naglakad na buhat-buhat ni Deacon ang kambal sa magkabilang kamay papunta sa aming direksyon. Bago pa man siya makalapit sa akin ay ibinaba na niya sina Asmo at Morga, kinausap pa niya ang mga ito tsaka umupo sa aking likuran.
Ngumiti siya sa akin at hinagkan ang tungki ng aking ilong.
“Nais mo na bang magpahinga?”
Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata dahil sa pilyo niyang ngisi.
“Arrgh”
Natawa ako nang inis na tumayo si Geode at lumayo sa amin. Malamang nac-cringe ‘yon.
Hinila ako ni Deacon palapit sa kaniya at ipinalibot ang kaniyang braso sa aking katawan at hinaplos-haplos ang maliit na umbok ng aking tiyan.
“Ano ba ang magandang pangalan ng ating supling?”
Napaisip naman ako sa kaniyang tanong.
“Ano ba ang iyong nais?”
Nag-isip din siya hanggang sa maramdaman kong gumalaw ang kaniyang mga kamay papunta sa aking likod at huminto sa aking leeg. Naramdaman kong ipinalibot niya ang kaniyang kamay roon hanggang sa may malamig na bagay ang lumapat sa aking leeg.
“Paano kung Amethyst?”
Napasinghap ako nang isang kwentas ang isinuot ni Deacon sa aking leeg. Ang pendant nito ay isang amethyst, kulay violet at rectangular shape kung saan ay may maliliit na ugat ang nakapalibot dito.
“Ang ganda.”
“Marapat lamang para sa aking Ada.”
Nilingon ko siya at niyakap. Sa mga nagdaang araw ay marami na siyang naibigay na mga bagay sa akin, katulad ng mga damit, bulaklak, at bracelet. Tapos ngayon ay itong kwentas naman.
Kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan siya.
“Wala pa akong naibibigay sayo.”
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Hinaplos niya naman ang aking ulo at hinalikan ako sa noo.
“Paulit-ulit ko namang sinasabi sa iyo na hindi na kailangan iyon. Ikaw lang sapat na.”
Napaangat ako ng tingin sa kaniya at tumawa dahil doon ay natawa rin siya. Kapag nagiging ganito ako ay sinasabihan niya ako ng ganoon noong una ay nainis siya dahil bakit ko siya pinagtatawanan. Pero nang sabihin ko sa kaniyang gasgas na ang linyang iyon sa mundo ng tao ay paulit-ulit na niya iyong sinasabi sa akin.
Nagising ako nang maramdaman na may humahalik sa aking leeg. Bumungad sa akin ang mapupungay na mga mata ni Deacon, ngumiti siya at pinatakan ako ng halik sa labi. Gumapang ang kaniyang palad paibaba sa suot kong dress at huminto iyon sa aking tiyan. Hinaplos niya iyon at siniil ako sa labi hanggang sa bumaba muli ang kaniyang kamay at hinila pataas ang aking damit hanggang sa aking pusod.
Dahan-dahan ay ipinasok niya ang kaniyang daliri doon at minasahe ang aking pagka-babae. Bumaba ang halik niya sa aking leeg at ibinaba ang aking suot na dress hanggang sa makita na niya ang aking dibdib at nagsimulang halikan iyon at kagatin ang tuktok.
Nakangiti kami pareho ni Deacon sa hapag habang kumakain. Nandito ang lahat ng kaniyang pinsan dahil nakabalik na sina Helanie at Sansha, ang sabi ay babalik ang dalawa mamaya.
“Ikaw ba ang nagluto nito, Ada?”
“Kaming dalawa ng inco niyo.” Nakangiting sagot ko.
“Ang sarap nito!”
“Salamat, Sansha.”
Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Malakas na bumuntong hininga si Oros kaya napalingon kami sa kaniya.
“How I wish she cooked like this.” Wala sa sariling sabi niya.
“Bakit? Mukha ka bang nilalason sa mga luto niya?” Si Sansha.
“It’s worse.”
Natawa naman si Geode at tinapik ang pinsan niya. Napatingin ako sa nagsandok pa ng kanin at inilagay sa aking pinggan. Nakangiti si Deacon nang lingonin ko siya at nginuso ang aking pinggan pagkatapos ay nag-aktong kumakain.
Napasimangot naman ako sa kaniya pero hinaplos niya lang ang ulo ko at matamis na ngumiti.
Inirapan ko lang siya at kumain para itago ang kilig na nadarama.
Nandito ako ngayon sa balkonahe at nagbabasa ng libro. Ito ‘yong binigay sa akin ni Helanie na hindi ko pa nasasabi kay Deacon.
Palubog na ang araw at tanging lampara lang ang aking ilaw rito.
Natigil ako sa pagbabasa nang napansin kong may anino sa aking gilid. Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa akin si Dallas. Umupo siya sa kaharap na silya at nilapag sa mesa ang isang pulseras na gawa sa balahibo niya.
“Para sa iyo, Ada.” Nakangiting sabi niya.
“Hala para saan, Dallas?”
“Para ‘yan sa pagka-kaibigan natin.”
Napakunot naman ang aking noo sa kaniyang tinuran.
“Aalis ka ba?”
“Kailangan eh.”
Tumayo na siya at naglakad palayo. Agad kong kinuha ang pulseras at sinundan siya upang pigilan.
“Saan ka pupunta? Uuwi ka na sa inyo?”
Tipid na tumango siya.
“Bibisita ka naman diba?”
“Oo naman, nais kong masilayan ang inyong anak.”
Tunay nga sa sinabi ni Dallas, wala na siya sa palasyo kinaumagahan. Hindi man sabihin sa akin ni Deacon ay batid kong nalulungkot siya. Minsan ay nahuli ko pa siyang nakatingin sa isang pulseras na katulad sa akin.
Patungo ako ngayon sa opisina ni Deacon upang dalhan siya ng snacks na naisipan kong gawin. Napahinto ako sa isang pasilyo nang may narinig akong nag-uusap.
“That’s what Nerio explained after he have seen the figure of the butterflies' wings.” Boses ni Oros.
“The child in her womb is what?!” Mukhang si Geode ‘yon ah.
“Tone down your voice! Someone might hear us.”
“Fine, fine, but what is it again? Ada and Inco’s child is what?”
Wala na akong narinig na sagot kung hindi ay mga yabag na papalayo.
Napasandal ako sa pader. Naisip ko na naman tuloy ‘yong nangyari noong pinasuri ako nina uncle Variosky at Oros kay Nerio. Walang sinabi ang may edad na lalaki sa akin, imbes ay pumasok silang tatlo roon sa tela at pinaghintay ako sa labas.
Tinanong ko ang mag-ama ang sabi lang nila ay maselan daw ang aking pagbubuntis. Duda ako roon sa sinabi nila pero hindi na ako nangulit pa.
Sa katunayan ay kinakabahan ako kapag mas lalong lumaki ang aking tiyan dahil malalaman na ni Dyosa Phaedra kung ano ba talaga ang meron sa aking anak. At mas lalong kinakabahan ako kapag nagsilang na dahil sa mga pagbabagong sinasambit nila.
Kumatok ako sa pinto ng opisina ni Deacon at agad iyong bumukas. Pumasok ako sa loob at nilapag ang snacks kahit na nahihiya ako sa mga titig niya.
“Kumain ka muna.” Sabi ko.
Tumango siya at inilapag ang hawak na papel sa mesa. Akala ko kakain na siya ngunit ibinuka niya ang kaniyang mga braso na para bang sinasabing lumapit ako roon. Umiling naman ako dahil nahihiya.
“Nais ko lang namang magpahinga.”
Tumawa lang ako at naglakad palayo sa kaniya. Tumayo siya at may pilyong ngiti sa labi.
“Kung ganoon, ang nais mo ay habulan.”
Natawa ako at agad na tumakbo sa kabilang sulok ng kaniyang opisina pero naharangan niya ako. Kahit walang pag-asa ay sinusubukan ko pa ring tumakbo palayo sa kaniya ngunit palagi nalang siyang sumusulpot sa aking harapan. Hanggang sa binuhat na niya ako at bumalik sa silya upang ikandong ako.
Nginuso niya ang snacks pagkatapos ay ibinuka ang kaniyang bibig na para bang nais niyang iparating na subuan ko siya.
Nakagat ko ang loob ng aking pisngi upang pigilan ang pag-ngiti.
Bakit ang cute ng lalaking ‘to?
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...