Chapter 31

64 6 0
                                    

31 : IMMORTAL

Akmang aalis na ako nang pigilan ako ni auntie Kiola.

“Hija, hindi ka maaaring sumama sa kaniya napakadelikado ng kaniyang gagawin.”

Umiling ako.

“Paano po kapag may mangyaring masama sa kaniya?”

“Maniwala tayo sa kaniya, hindi siya mabibihag ng sirena.”

Nanghihinang napa-upo ako sa silya. Hindi ko man lang nasabi ang tunay kong nararamdaman sa kaniya bago siya umalis. Nahilamos ko ang aking palad sa aking mukha.

“Ada, huwag kang masyadong mag-alala, babalik din si Haring Deacon sa loob ng isang linggo sapagkat hindi maaaring matagalan ang paglunas kay Geode.”

Naramdaman kong may humaplos sa akin at iyon pala ay si auntie Sarina. Ngumiti siya sa akin at inayos ang aking buhok.

“Habang wala si Haring Deacon mangyaring magpalakas ka para sa inyong supling.”

Sumulyap siya sa aking tiyan kaya napahawak ako roon.

“Geoven, ano ang hinuha ni Killion at bakit nais nilang paslangin ang mag-ina ni Haring Deacon?” Tanong niya sa asawa.

Tumingin sa akin si uncle Geoven ng seryoso saka nagsalita.

“Sa ngayon ay sigurado siyang may iba pang dahilan maliban sa nais nilang pabagsakin ang Conte Moria.”

Bumuga ng hangin ang babaeng aking katabi.

“Isa pa, may sinabi siyang may magbabago sa oras na magsilang si Ada.”

Nakagat ko ang aking ibabang labi at pinaglaruan ang aking mga daliri. Ano ba kasi talagang meron at sobrang nalilito na ako at kinakabahan.

“Huwag kang mag-alala, Ada. Paniguradong para sa kabutihan ang pagbabagong iyon.”

Ngumiti ako sa tinuran ni auntie Sarina.

Umupo ako sa kulay berdeng damo habang nakatanaw sa burol. Isang araw na ang nakakaraan simula nang umalis si Deacon upang kumuha ng luha ng sirena. Napag-alaman ko rin na kasama si Sansha na siguro ay kasama rin ang lalaki niya. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Haring Galen kay Geode at naging ganoon ang lalaki.

“Salamat.” Usal ko nang abutan ako ni Dallas ng mansanas.

Umupo siya sa aking tabi at ibinalot sa akin ang dala niyang kumot.

“Bakit pala hindi ka sumama sa Cratis? Ay mabuti nalang hindi ka sumama baka napaano ka pa.”

Tumawa siya sa sinabi ko at ginulo ang aking buhok pagkatapos ay seryosong nagsalita.

“Iyon nga ang aking pinagsisihan dahil kapag naroon ako paniguradong hindi ka mapapahamak at baka hindi naging ganoon si Geode.”

Umiling ako.

“Malamang ay maliligaw ka rin katulad ni Deacon.”

Bumuga siya ng hangin at binangga ako sa balikat kaya natatawang nilingon ko siya.

“Huwag kang mag-alala simula ngayon hindi na kita pababayaan.”

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon