Chapter 9

80 3 0
                                    

09 : Egon


Bago pa man niya tuluyang maipasok ang kaniyang kamay sa loob ay tumigil siya.

Doon rin ay parang natauhan ako sa nangyari. Nagmamadaling umalis ako sa pagkakandong mula sa kaniya at hindi niya naman ako pinigilan, umupo ako sa kabilang upuan na nakatalikod sa kaniya. Kahit nahihirapan ay sinubukan ko pa ring ayusin ang pagkakatali sa likod. Muntik na akong mapatalon nang maramdaman ko ang kamay niyang tumutulong sa pagtali.

Napalunok ako at hinayaan na lamang siya. Pareho kaming tahimik pagkatapos ng nangyari kasi ano namang sasabihin namin? Hindi ko na rin siya muling tiningnan pa ngunit batid kong may tinitingnan na siyang mga papeles ngayon.

Parang wala lang sa kaniya ‘yong nangyari sa amin. Parang hindi pa nga siya naiilang eh ako? Halos mamatay na ako sa hiya. Bakit kaya siya tumigil? Hindi naman sa nabitin ako ah ano lang curious lang kung bakit, okay?! Umiling-iling ako dapat pigilan ko ang sarili ko na mag-isip ng kung ano-ano kasi baka mabasa na niya naman, letse talaga.

Bakit kasi hindi nalang niya basahin? Hindi ba niya alam ang word na privacy? Nakakatangina eh parang gago lang hayop talaga walang hiya hay nako.

“Simula ngayon, hindi ko na babasahin ang isip mo.”

Napalingon naman ako sa kaniya nang magsalita siya. Ito ‘yong unang beses na nagsalita siya pagkatapos ng nangyari. Nakakunot lang ang noo niyang nakatingin sa papel na hawak at kita ko pa ang pagkalukot niyon. Hays galit na naman ba siya? Pero ano kayang nakapagpabago ng isip niya na bibigyan na niya nga ako ng privacy?

Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa ni Deacon. Kinukumusta niya pa rin ang pakiramdam ko pero dalawang beses na nalang niya iyon ginagawa. Doon na rin ako natulog at kumain pero hindi ko siya nakitang kumain, ang tanging hawak niya lang ay bote na sa tingin ko ay dugo.

Huminto ang sasakyan namin at bumukas ang pinto. Unang bumaba si Deacon at pagkatapos ay inalalayan niya akon bumaba. Ngayon ay bumaba na talaga sa lupa at hindi na kami tumalon.

Napatingin ako sa paligid at agad na napayakap sa sarili nang maramdaman ang ginaw. Hindi naman nagye-yelo ang paligid pero ang lamig ay parang ganoon. Naramdaman kong may pumatong na mainit na bagay sa aking likod.

“Hayaan mo hindi na ganito ang temperatura pagkalisan natin sa Tartarus,”

Tumango ako sa sinabi ni Deacon. Mahabang coat ang pinatong sa aking likod. Ibig sabihin ay nasa monarkiya pala kami ng Tartarus. Ang lugar na ito ay wala masyadong puno at halaman parang opposite talaga ito ng Conte Moria.

Hinawakan ako ni Deacon sa likod at iginiya na sa paglalakad. Napansin kong nakapalibot sa amin ang mga kasamang bampira ni Deacon habang naglalakad kami. Sa unahan namin ay dalawang bampira, sa magkabilang gilid ay tigda-dalawa rin at sa likod ay apat.

Nangalay na ang paa ko kakalakad at wala pa rin kaming nakakasalubong na mga bampira. Makulimlim din ang lugar na ito at alam mo ‘yong vibes na dark? Ganoon sa lugar na kinaroroonan namin.

Napahinto ako sa paglalakad dahilan kung bakit huminto rin si Deacon at ang mga kasama namin.

“Maglalakad lang ba tayo? Kung gayon pwede bang magpahinga muna? Ang sakit na ng paa ko.”

Napakamot ako sa ulo at napanguso.

“Paumanhin, Ada, ngunit hindi ako maaaring gumamit ng kapangyarihan dito maliban nalang kung nais kong magsimula ng kaguluhan at hidwaan sa pagitan namin ni Haring Galen.”

Kung gayon ay kailangan pa ng permiso?

“Wala bang masasakyan?”

“Hindi katulad sa Conte Moria, ang Tartarus ay walang ano mang sasakyan para sa mamamayan o bisita.”

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon