Chapter 3

113 4 0
                                    

03 : The Attempt

Isang may mahabang buhok na babae ang nakatayo ngayon sa aking harapan. Ang suot niya ay isang damit na sumasayad lupa. May mga maliliit paru-paru na palibot na nakadapo sa gilid ng kaniyang ulo.

“Sino ka?” tanong ko.

Humakbang siya palapit sa akin. Hindi mo makikitaan ng ngiti o saya ang kaniyang mukha. Para bang may malaki siyang problema at ang problemang iyon ay nasa kaniyang harapan.

Huminto siya nang nasa harapan ko na at akmang hahawakan ang aking tiyan ay agad akong umatras. Dapat ay hindi ako magtiwala sa kaniya, hindi ba ay may gustong pumatay sa amin? Kung kaya ay dapat lang na umalis na ako rito dahil baka isa pa——

“huwag kang mag-alala hindi kita sasaktan.” Sabi niya at humakbang paatras na para bang nababasa niya ang aking iniisip.

“kung gayon ay sino ka at bakit ka naririto?” tanong ko.

Tumingin siya sa kalangitan pagkatapos ay sa mga kahoy na nakapalibot sa amin. Ang mga bulaklak ay hindi na matanaw dahil nasa parte na ako ng hardin kung saan maraming kahoy.

Itinaas niya ang kaniyang kamay at dumapo naman doon ang isang kulay asul na paru-paru tulad ng kaniyang damit. Tumingin siya sa akin at nagsalita.

“Marahil ay naipaliwanag na ni Deacon kung paano ka nabuntis. Ngunit hindi ba niya sinabi na maaari kang mamatay sa pagsilang ng kaniyang supling?”

Kumunot ang noo ko at hindi nagsalita.

“Ada, ang iyong pagdadalang-tao sa anak ni Deacon ay maaaring magdala ng katiwasayan sa Orcolio Ze Acantha pero maaari ding magdala ng malaking sakuna. Ang ibig kong sabihin ay may magbabago sa oras na magsilang ka ng sanggol.”

Tulala pa rin ako kahit wala na iyong babaeng nandito kanina sa aking harapan. Bakit parang ako pa ‘yong magiging dahilan ng mga mangyayari sa hinaharap ng and raw ocolyo apanta? Ay Ewan! Nalimutan ko na. Bakit kasi ako pa ‘yong nakainom ng letseng sperm ng Deacon na ‘yon!


Napahawak ako sa aking tiyan. Sige, aaminin ko na nang malaman ko kung sino ang ama ng nasa sinapupunan ko ay nawala na sa isip ko ang ipalaglag siya. Hindi dahil natatakot ako na baka patayin ako ni Deacon kung hindi dahil ay panatag ang loob ko na alam ko na kung sino ang ama niya.


Natauhan lamang ako sa pag-iisip nang may magsalita mula sa aking likod.


“Bakit ka naririto, Ada?” Sabi ni Asmo na ngayon ay may hawak-hawak na bulaklak sa kaniyang kamay.


“ah pumasyal lang, ikaw ba?”


“Pumasyal o nais mong tumakas?”


“paano naman ako makakaalis dito eh bantay sarado ito diba?”


Napaisip si Asmo saka lumingon-lingon sa paligid.

“Pero kung nais mong tumakas maaari kitang matulungan.”


Tumaas ang kilay ko.


“Magagawa mo ba iyon?”


Tumango siya at lumapit sa akin. Ibinigay niya sa akin ang bulaklak na hawak pagkatapos ay hinawakan ang kaniyang buhok at binunot ang isang strand ng hair niya. Nagulat ako nang biglang lumiwanag ang buhok na binunot niya at nagkulay pilak.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon