30 : Cure
Natameme ako sa sinabi ni Deacon. Pero teka lang.“Talaga? Sa aking pagkaka-alala ay hinalikan mo si Dyosa Cleona.”
Napakunot ang noo niya pagkatapos ay ipiniling sa kanang direksyon ang kaniyang ulo.
“Malamang ay hindi mo naaalala dahil ilang beses na kayong naghalikan.”
“Wala iyang katotohanan, simula nang dumating ka sa mundo namin ay wala pa akong ibang nahahalikan ikaw lamang.”
Nakagat ko ang loob ng aking pisngi sa pagpipigil ng ngiti. Imbes ay itinaas ko ang aking kilay.
“Totoo ba iyan?”
Tumango naman siya na parang masunuring bata.
“Eh ano ‘yong sa Cratis, iyong naka-upo kayo sa silya habang nanonood sa mga nagp-perform?”
Napaisip naman siya.
“Iyong nagkatinginan kayo at yumuko ka!”
Tumingin siya sa akin at ngayon ay itinaas ang kaniyang kilay at may mapang-asar na ngiti.
“Iyo pala akong binabantayan.”
“Ah totoo ngang nag-kiss kayo?” inis na usal ko.
Umiling siya at mahinang tumawa.
“Hindi, yumuko lang ako noon kasi nahulog ang aking pulseras. Isa pa ay kaibigan na lamang ang aking tingin kay Dyosa Cleona at hanggang doon na lamang iyon habang buhay.”
Napanguso ako at tumingin-tingin sa sulok ng aking silid. Naramdaman kong umusog siya palapit.
“Teka lang.” Pigil ko sa kaniya nang akmang lalapit pa siya.
Naghintay naman siya sa aking sasabihin.
“Anong ibig sabihin ni Dyosa Cleona na planado ang lahat at kakampi pala si Haring Ovudi?”
Umayos siya ng upo at hinawakan ang aking mga kamay.
“Amin ng napagplanohan na gawin kang pain upang mahuli si Haring Galen. Alam kung mali ang aking ginawa at inilagay kayo ng aking supling sa kapahamakan. Hindi namin inakala na kasamahan niya sina Haring Prat Con at Haring Gardevon at isa pa ay hindi namin batid na may salamangkero silang kakampi. Ilang beses akong naligaw sa kagubatan kung saan kayo naroroon kung hindi lamang sa kalapating nahulog mula sa kalangitan ay maaaring mas natagalan ako.”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ni Deacon. Pinili niyang ipain kami ng kaniyang anak? Nalungkot ako sa isiping iyon at hindi alam kung ano bang dapat kung maramdaman. Paano nga kung natagalan siya?
“Gusto ko munang mapag-isa.”
Nakitaan ko ng kalungkutan ang mga mata niya at mayroon sakit na dumaan roon ngunit hindi ko ito pinansin.
Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nais kong isipin na ayos lang ito pero iba talaga ang pintig ng puso ko na para bang tutol ito. Matagal bago ko naramdaman ang pag-alis niya sa kama mula sa pagkaka-upo hanggang sa bumukas ang pinto at sumara.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...