Chapter 29

67 5 0
                                    

29 : Confession

“Ang mga sugo ni Dyosa Faresa, bakit nandito sila?” usal ni Dyosa Cleona

Ang ibig sabihin ba nito ay kakampi namin ang mga nilalang na bumababa mula sa bahaghari?

Nilingon kong muli ang mga magulang nila Geode at napalingon  sa direksyon namin ang isang babae at bigla ay nabalot ng ulap ang mga ugat na nakapalibot sa amin.

“Magiging maayos lang ba sila?”

Wala akong natanggap na sagot mula sa dalawang babae. Ilang sandali lang ay mas lalo lamang lumalakas ang dagundong ng kalangitan at aking nadarama na kahit umuulan ay mainit ang kapaligiran. Napakapit ako sa ugat nang bigla ay lumindol at may nakita akong kaunting biyak ng lupa, bigla ring may malakas na pagsabog ng kung ano sa hindi kalayuan dahilan upang naging sobrang puti ang ulap na nakapalibot sa amin.

“Anong nangyayari?”

“Hindi ko rin alam.” Sagot ni Halumi.

Dumaan ang ilang minuto at biglang tumahimik ang kapaligiran hanggang sa gumalaw ang mga ugat pabalik sa lupa habang ang mga ulap ay unti-unting nawawala.

Isang mahigpit na yakap ang bumalot sa aking katawan.

“Deacon?”

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Deacon at sinuri ang aking katawan. Napatingin ako sa paligid at nakitang wala ni isang bangkay ang naroroon ngunit ang mga kalapating nahulog kanina ay naroroon pa rin.

“Maayos lamang ba ang iyong pakiramdam?”

Sinuri ko ang mukha ng lalaking kaharap at nakitang may bahid ng dugo ang gilid ng kaniyang ulo kung kaya ay pinahiran ko iyon. Hinawakan niya naman ang aking kamay at dinala sa kaniyang labi.

“Ada, ako’y sagutin mo.”

Tumago ako sa kaniya at maliit na ngumiti.

“Tapos na ba?” Mahinang tanong ko.

Halata pa rin sa kaniyang mga mata na hindi siya kampante at nag-aalala pa rin ngunit tumango lamang siya at niyakap akong muli. Nahuli ng aking mga mata si Dyosa Cleona na nag-iwas ng tingin.

Kumalas ako sa pagkakayakap mula kay Deacon ngunit hindi niya ako pinakawalan.

“Manatili muna tayong ganito kahit ilang segundo lamang.”

Akala ko tapos na ang lahat ngunit may masamang balita pa pala. Ang sabi ni Deacon ay aalis na kami kapag dumating na ang mga karwahe kung kaya ay umupo raw muna ako huwag lumayo kay Halumi upang mabantayan ang kalagayan namin ng aking supling.

Pumunta ako pwesto ni Geode kunge saan ay nakahiga pa rin siya at walang malay. Ang dalawang may edad na mga babae ay naluluhang nakatingin sa kaniya.  Tumayo ako sa tabi ni Halumi na ngayon ay nakamasid kay Dyosa Cleona na ginagamot si Geode.

“inco!”

Tumatakbo sa direksyon namin ang tatlong bata at sa likod nila ay dalawang guwardiya. Napahinga naman ako ng maluwag na masilayang maayos ang kalagayan nila.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon