13 : Stomachache
Pagkatapos ng pag-uusap ay nagdesisyon na kaming umalis. Si Deacon na ang nagsabi na lilisan na kami. Mabuti na lamang at may kapangyarihan ang Dyosa na makabalik kami agad sa Conte Moria sa pamamagitan ng pintoang tubig.
Pagkatapos ng pag-uusap ay tahimik lamang si Deacon at Dallas. Ibig sabihin totoo nga na naging sila ni Cleona at nangakong magpapakasal pero bakit hindi ito nangyari? Hindi naman siguro ako ang dahilan diba? Hindi na ako nakapagtanong kasi agad na akong hinila ni Deacon at parang doon lang natauhan ang Dyosa sa kadaldalan niya.
Nababagabag pa rin ako nang malaman na may dapat palang pakasalan si Deacon pero hindi nangyari. Isa pa, nasaan na kaya si Cleona? Babalik pa kaya siya? O kung babalik man magiging sila kaya ulit ni Deacon? Wala namang kaso kung maging sila ulit kasi wala namang kami hindi ba? Isa pa, anak lang naman talaga ang meron kaming dalawa.
“Marami pong salamat sa iyong tulong, Dyosa Phaedra.” Sabi ko sa Dyosa at kumaway bago pumasok sa pintuang tubig. Sumunod na rin sa akin si Deacon habang si Dallas ay naiwan kasama ang Dyosa. Hindi naman na ako nagtanong pa at malamang walang pakealam si Deacon.
Bumungad sa amin ang hardin pagkapasok. Ang mga guwardiya ni Deacon ay nakabalik na rito sa pamamagitan ng kaibigan ni Dyosa Phaedra na hindi niya sinabi kung ano o sino. Sinabi niya lang kanina nang paalis na kami.
“Haring Deacon,”
Bumungad sa amin ang nababahalang mukha ni Ino. Ang alam ko si Harmon ay binigyan ng oras ni Deacon na magpahinga dahil sa nangyari sa asawa nito. Lumuhod si Ino bago nagsalita, ganoon din ang ginawa ng iba pang guwardiya na sumalubong sa amin sa hagdan ng mansyon.
“Ang depensa po natin ay inatake. Nawasak po ang unang linya ng mga bakod na kahoy, mukhang hindi lang iisang nilalang ang nasa likod nito.”
Dumilim ang mukha ni Deacon at gumalaw ang kaniyang panga. Kumuyom rin ang kaniyang kamao at namula ang mga mata.
“Kung gayon ay nagbibigay sila ng babala.” Sabi ni Deacon.
“Ano ang ibig mong sabihin, haring Deacon?”
“Nais nilang iparating na kung hindi ako ang tatapos kay Ada sila ang wawasak sa Conte Moria.”
Kinabahan naman ako roon sa sinabi ni Deacon lalo na nang lumingon siya sa akin.
“Iponin ang lahat ng guwardiya at mga bampirang mamamayan. Ihanda ang lahat ng sandata at sanayin ang mga bampira. Batid nilang hindi ko ito magagawa kung kaya ay asahan na ang kanilang pag-atake.”
“Haring Deacon, iyo bang batid kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito?”
“Nakita ko na ito sa puno ng trota.”
Tumayo si Ino at mga guwardiyang kasama pagkatapos ay yumuko bilang pamamaalam. Hinarap ko naman si Deacon.
“Sino ang nais pumatay sa akin?”
Tiningnan niya ako ngayon ay hindi na mapupula ang mga mata.
“Si Galen, ang hari ng Tartarus.”
“Ang monarkiya na ating nadaanan noon?
Tumango siya.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...