35 : Retrieval Of Magic
Paggising ko sa umaga ay wala na si Deacon sa aking tabi marahil ay kasama niya ang mga konsehal dahil sa isang paglilitis na magaganap sa bayan.
Inilagay ko sa kama ang aking tinahe na roba para kay Deacon. Nag-request ako kay Helanie ng makina panahi at mga gamit para sa pagtatahi. Mabuti nalang at pinagbigyan niya ako pero ang kondisyon niya naman ay huwag akong magtanong kung saan ito galing o paano niya nakuha. Sa katunayan ay itinatago ko ang pagtatahi kay Deacon upang hindi niya malaman na may gift ako para sa kaniya.
Lumabas ako ng kuwarto dala ang dalawang scarf na aking ibibigay para kina Asmo, Morga at sa alaga nilang si bowbow dahil malapit na rin kasi ang tag-lamig. Akalain mo ‘yon may winter season sa mundo nila.
Kumatok ako sa pinto nila ngunit walang nagbukas, inilang ulit ko pa iyon pero wala talaga kung kaya ay bumalik nalang ako. Nakasalubong ko si Hana na galing sa labas ng palasyo, siya ay isang taga-pagsilbi rito.
“Hana, nakita mo ba ang kambal?”
“Opo, Ada. Na sa bakuran po ang kambal kasama si bowbow at naglalaro.”
Tumango ako sa kaniya at nagtungo roon. Ang balak ko ay iiwan ko lang ang tatlong scarf sa kahoy na naroroon at sila na ang kumuha upang maka-sigurado na hindi ko mahahawakan ang parte ng kanilang katawan.
Natanaw ko ang dalawang kambal na nakaharap sa malaking puno. May hawak na stick si Asmo at hinahampas ang katawan nito habang si Morgaria ay sumisigaw naman dito na iba ang lenggwahe. Lumapit ako sa kanilang dalawa at huminto ilang metro ang layo.
“Asmo, Morgaria, anong ginagawa niyo?”
Parang nagulat naman ang dalawa at humarap sa akin. Nanlaki naman ang aking mga mata nang nakitang umiiyak pala sila.
Itinuro ni Asmo ang kaniyang hawak na stick sa malaking puno.
“Si Bowbow kinuha ng punong iyan!” Iyak ni Asmo.
Napatingin naman ako sa puno, ang punong iyan ay kinuha si Bowbow kung ganoon ay dapat lamang lumayo ang kambal mula roon. Nalipat ang tingin ko sa dalawa.
“Asmo Morga lumayo kayo riyan, hali kayo rito! Ipagpapaalam natin ito sa inyong inco.”
“Mababalik ba si Bowbow?”
Nagpunas ng luha si Morga.
“Oo, hindi kayo bibiguin ng inco niyo. Hali na kayo rito.”
Nagsimulang maglakad si Morgaria habang si Asmodel naman ay nilingon pa ang puno.
“Asmo…” Tawag ko.
Lumingon siya sa akin at malungkot na sumunod sa kaniyang kambal. Tiningnan ko muli ang puno, wala namang kakaiba roon parang katulad lang ito ng ibang puno sa lugar nila. Ilang hakbang pa ng mga kambal ay mararating na nila ang aking pwesto kung kaya tumabi ako.
Nag-angat ng tingin ang kambal sa itaas kung kaya ay tumingin din ako roon. Nanlaki ang aking mga mata nang ang mga sanga ng malaking kahoy ay gumalaw.
“Tumakbo kayo!” Sigaw ko.
Mabilis na tumakbo ang dalawa subalit hindi pa man sila nakakalayo ay isang ugat ng kahoy sa lupa ang pumalibot sa katawan ng dalawang bata.
“Asmo! Morga!” Sigaw ko at mabilis na tumakbo sa direksyon nila.
Hinahatak sila ng ugat papunta sa katawan ng puno na ngayon ay nakabuka na pala na para bang kakainin nito ang dalawa.
“aaaaah!”
“Ada!”
Sigaw ng dalawa at umiiyak na. Wala na akong sinayang na oras at hinawakan ko ang kamay ng dalawang bata at hinihila sila papunta sa aking direksyon. Ikinapit ng kambal ang kanilang mga kamay ng mahigpit sa akin habang hinahatak ko sila.
“Save us po! Save us!” Hiyaw ni Asmo.
“Bowbow!” Iyak ni Morga.
Pinilit kong i-break ang aking paa sa lupa ngunit nadadala pa rin ako sa hatak. Mas nilakasan ko ang paghatak sa kambal pero ang nangyayari lang ay natagalan lamang ang ugat sa paghila at hindi ito nakakalas. Mas lalo akong kinakabahan dahil papalapit na kami nang papalapit sa bukana ng punong kahoy.
Mas lalong lumakas ang hiyaw ng mga bata nang mas lalo kaming lumalapit. Nawalan na ako ng pag-asa na makawala silang dalawa kung kaya ay niyakap ko na lamang ang sila.
Hindi ko kayo pababayaan, kung mapupunta kayo sa loob hindi ko hahayaang mag-isa lamang kayo.
Ipinikit ko ang aking mata nang makitang palapit na kami nang palapit subalit isang mainit na katawan ang pumalibot sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay siya namang pagbagsak ko sa matigas na katawan habang yakap ang kambal.
Naramdaman kong may dumamping halik sa aking ulo. Tumayo sina Asmo at Morga na ngayon ay naiiyak pa rin. Tumayo rin ako at akmang yayakapin silang muli nang may pumigil sa aking mga kamay.
“Deacon!” Sambit ko at siya ang aking nayakap. Siya pala ang nagligtas sa amin. Hinaplos niya ang aking likod.
Kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan ang kambal na magkayakap na ngayon at hinahaplos ang likod ng isa’t isa.
“Si Bowbow ay kinuha ng punong iyan.” Sabi ko sa kaniya at itinuro ang kahoy na bumalik sa dati.
Nilingon niya ang kahoy ngunit ibinalik sa akin ang kaniyang tingin pagkatapos ay inilipat sa dalawang bata at pumunta sa kanila upang yakapin ang mga ito.
“Huwag kayong mag-alala, babalik si Bowbow.”
Inalalayan ni Deacon tumayo ang dalawa pero nang pagkatayo nila ay nagulat kami nang ang buhok ni Asmo ay unti-unting nagiging kulay pilak.
“Hindi…” Mahinang usal ni Deacon.
“Morga!” Sigaw ko nang bigla ay bumagsak siya sa lupa at napahiyaw sa sakit. Ang aking kaba na naramdaman ay mas lalong nadagdagan nang sumunod si Asmo na napaluhod sa damo habang hawak ang kaniyang ulo at humihiyaw rin sa sakit.
Nang may napagtanto ako ay unti-unting umatras ang aking mga paa. Sandali, kaya ba sila nagkakaganito ay dahil nahawakan ko sila?
Kumabog ang aking puso sa kaba. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi ko namalayang naka-dalawang balik na si Deacon rito habang ipinapasok sa loob ang kambal. Sa pangatlong balik niya ay binuhat na niya ako.
Inilapag niya ako sa aming kama sa silid. Nakatulala pa rin ako at pino-proseso ang mga nangyari, naramdaman ko nalang ang mainit na palad ni Deacon sa aking pisngi.
“Wala kang kasalanan, Ada. Huwag kang mag-alala magiging maayos din ang kambal.”
“Pero paano kung magising ang mga magulang nila? Ano ng mangyayari?”
“Ipaubaya mo sa akin ang mga ganitong bagay. Ang masyadong pag-aalala ay hindi makakabuti sa inyo ng ating anak.”
“Pero kasi---”
“Ada, iniligtas mo lamang ang kambal, kung hindi dahil sa iyo malamang ay nalamon na sila ng kahoy.”
Sinamahan muna ako ni Deacon roon at siniguradong hindi ko sisihin ang aking sarili. Bago matapos ang araw na iyon ay kinuha ni Geode si Bowbow sa loob ng kahoy. Kaya raw naging ganoon ang kahoy ay dahil sa ginawa ni Sansha roon, hindi namalayan ng babae na nagising niya pala ang kahoy.
Kinabukasan ay dumating ang mga Tanders. Pumasok sila sa isang silid pero bago iyon ay dinalaw muna nila ang kambal sa kanilang kuwarto. Wala nang iniindang sakit ang dalawa subalit ang kanilang kapangyarihan ay bumalik, ayon kay Helanie.
Na sa balkonahe lamang ako habang hinihintay na lumabas sina Deacon. Higit isang oras na silang na sa loob ng silid at kinakabahan na ako kung ano ba ang mangyayari. Sa aking pagkaka-alala ay labis ang kasamaan ng mga magulang ng kambal kung kaya ay pinatulog ito gamit ang kanilang kapangyarihan. Ngayon na bumalik na ang kapangyarihan nila ay malamang magigising na ito base sa sinabi ng mga Tanders noon.
May narinig na akong mga yabag kung kaya ay agad akong pumunta roon sa silid. Naabutan ko silang lahat na palabas na at naglalakad paalis. Huminto ako nang makasalubong ang mga Tanders at yumuko sa kanila bilang paggalang. Wala akong narinig na salita mula sa kanila imbes ay iling at tingin lamang.
Naramdaman kong may humawak sa akin kung kaya ay nag-angat ako ng tingin. Si Deacon pala at sa likod niya ay sina Helanie, Sansha, at Geode.
“Kanina ka pa ba rito?” Tanong niya.
Umiling ako sa kaniya.
“Ano na ang mangyayari?”
Ngumiti siya sa akin at hinila ako palapit para sa isang yakap.
“Mayroon na kaming solusyon na naisip kung kaya ay huwag ka ng mag-alala at kami na ang bahala roon.”
Hindi pa rin ako napakali kahit sinabi na iyon ni Deacon sa akin. Dumaan ang ilang araw at mas lalong naging busy sila pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako nalilimutan ni Deacon.
Bumukas ang pintoan ng aking silid at bumungad si Deacon roon na suot ang aking gawang roba. Napangiti naman ako dahil sobrang bagay sa kaniya ito. Humiga na siya sa aking tabi at niyakap ako.
Sa mga araw na iyon ay walang sinabi sa akin si Deacon sa kanilang plano at hindi naman ako nagpumilit na alamin. Ang sabi rin niya ay maaari ko ng hawakan ang kambal.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasíaWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...