06 : Silver-haired
Bumungad sa akin ang mukha ng tatlong bata pagbuka ko ng aking mga mata. Pagkatapos dumating ng mga bampira kahapon sa silid ko ay dinaluhan nila si Deacon at dinala palabas ng silid at hindi ko na alam kung anong nangyari sa kaniya. Inilipat din ako ng silid dahil nasira na ni Deacon iyon, ngayon ang dingding ko na ay malaking dahon pero matibay ang mga ito. Proven and tested dahil nang sinuntok ko ay nagkapasa lang ang kamao ko.Bumangon ako at umupo.
“Asmo mabuti naman at nandito ka na,”
Akmang yayakapin ko siya pero lumayo siya sa akin pagkatapos ay bumaba sa kama at nakatayong humalukipkip. Sumunod naman ang dalawang bata at ginaya rin si Asmo. Kumunot ang noo ko hindi alam kung bakit nagsusungit sila sa akin.
Umirap sa akin si Morgaria bago magsalita.
“Sinaktan mo ang inco namin!”
Tumango-tango naman ang dalawang batang lalaki. Bumuga ako ng hangin kahit magpaliwanag ako ay maaaring hindi nila ako maintindihan.
“Tama na ‘yan,” Sabi ni Thyrus at sinamaan ako ng tingin. “Kakain na raw.”
Napanguso ako at tiningnan silang tatlo na naglakad palabas ng pintuan na ngayon ay sliding door na yari sa kahoy.
Malabo atang makasundo ko ang mga masusungit na batang iyon.
Nang nasa hapag na ay hindi ko tinapunan ng tingin si Deacon. Kahit nang pagpasok palang namin dito sa dining room ay hindi ko talaga siya tinapunan ng tingin. Umupo ako malayo sa tabi niya, siya kasi ‘yong naka-upo sa kabilang dulo ng lamesa kaya umupo ako sa gilid ng kabilang dulo ng mesa kung saan wala siya.
Mahaba ang lamesa na parang kasya ata ang sampung taong kakain dito. Wala akong kaharap at katabi kasi ang tatlong bata ay nasa banda ni Deacon.
Narinig kong tumikhim si Deacon pero hindi ko siya tinapunan ng tingin at kumuha na lamang ng kanin at ulam na nasa hapag. Parang may fiesta kung magpahanda sila pero sa katunayan ay hindi naman sila kumakain ng kinakain ko mga prutas lang at umiinom sila ng kung ano sa kopita, malamang dugo ‘yon.
“Hana,”
Tawag ni Deacon na tagapag-silbi sa mansyong ito.
Sumubo ako ng hotdog at kanin.
“Tawagin mo si Harmon at sabihing ipapaputol ko ang kalahati ng mesa, ngayon din.”
Natigil ako sa pagsubo muli ng hotdog at nilingon si Deacon na seryosong nakatingin sa akin. Tumaaas ang kilay niya pero inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Gusto niyang putulin ang mesa, para ano? Para hindi ako makasalo sa pagkain! Malamang ay grabe ang inis niya sa akin dahil sa ginawa ko kagabi.
“Mahal na hari, totoo ba ang aking narinig? Nais mong ipaputol ang tradisyonal na lamesa?”
Maririnig ang gulat sa tinig ni Harmon, ang lalaking naiiba kahapon sa mga kasamahan niya.
“Oo, maliban na lamang kung lilipat ang isa diyan.”
Ah kuha ko na kung ano ang nais niya. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ko rito kaya ganoon. Eh bakit may patawag-tawag pa siya na kakain na raw?
Naramdaman kong lumapit sa akin si Harmon.
“Ah... maaari po bang lumipat na kayo ng upuan, Ada?”
Napairap ako at padabog na tumayo. Sinamaan ko ng tingin si Deacon na ngayon ay may nakapaskil na ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasiWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...