Chapter 16

74 4 0
                                    

16 : Cleona

Pagkatapos magsalita nina Ulie at Fels ay nagsimula na silang kumain. Tumingin si Deacon sa akin pagkatapos ay may kinuha sa bulsa niya. Napa-wow ako nang makitang may tatlo siyang mansanas na nakalahad.

“Akin na ‘yan?”

Tumango siya kaya kinuha ko ang mga mansanas. Hindi ko na mabilang kung ilang mansanas ang kinain ko pero hindi pa rin ako nabubusog. Nagsimula na ring kumain si Deacon ngunit pansin kong kaonti lang ang ginagawa niyang pagsubo.

“Aking narinig na kayo ay tinambangan sa Egon?” Sabi ni King gray, kasi kulay ng damit niya ‘yon. Nakatingin siya kay Deacon.

“Oo, mabuti na lamang at nagawa naming labanan ang mga nilalang na iyon, haring Galen.”

Muntik na akong mabilaukan nang marinig ang pangalan ng haring kaharap. Siya pala iyong nais magpapatay sa amin? Kaya pala kinakabahan ako sa kaniya kasi siya pala ‘yon!

“Ang Egon talaga, hindi na naging mabuti sa mga hari.” Sabi ni orange king.

“Hindi naman palagi, aking batid na mabait sila sa haring nag-utos na tambangan kami, haring Prat Con.”

Oh so Prat Con pala name ni orange king.

“Mukhang minaliit nila ang iyong abilidad, haring Deacon.”

“Marahil ay iyon ang tinuran sa nag-utos sa kanila na mahina ang hari ng Conte Moria, haring Ovudi.” Tukoy niya sa naka-asul damit.

“At wala ba itong katotohanan, haring Deacon?”

“Ano sa iyong tingin, haring Gardevon?”

“Aking tingin ay wala ka pa namang napapatunayan, haring Deacon.”

Napatingin ako kay Galen. Nakangisi siyang nakatingin kay Deacon ngayon, halatang nang-iinis.

“Sabi ng haring hindi mabigyan ng sariling transportasyon ang kaniyang monarkiya?”

Ay ayan nareal-talk ka tuloy ni Deacon. Napahalakhak naman ang hari.

“Tama na iyan. Bakit kaya hindi natin pag-usapan si Cleona?” Sabi ng reyna ni Gardevon.

“Dyosa Cleona, reyna Wela” pagtatama naman ng reyna ni Galen.

Napatawa naman si Wela.

“Ay oo nga pala! Hindi ko inaakalang sa pagbabalik ng babae mo haring Deacon ay isa na pala siyang Dyosa.” Sabi pa niya.

“Aking naulinigan na inaalagaan ka raw ni Dyosa Cleona, haring Deacon?”

“Tama ka riyan, reyna Gyla, ito ay sinabi rin sa akin ng asawa kong si haring Galen.”

Tumikhim si Deacon. Ang ibang hari naman ay nakikinig lang sa pag-uusap.

“Misyon iyon ng baguhang Dyosa, reyna Brizel.” Nilingon ko ang katabing babae ni haring Ovudi.

Ngumisi naman si haring Galen at tumingin sa akin pagkatapos ay ngumisi.

“Bantayan mo ang ama ng iyong supling, Ada.”

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Ano bang problema niya? Nilingon ko si Deacon na ngayon ay kitang-kita ang panga malamang ay nagtatagis ang kaniyang mga ngipin.

Malamang iniisip ni Galen na bantayan ko si Deacon kasi baka maagaw ni Cleona? Haha funny niya naman hindi naman maagaw sa akin si Deacon kasi in the first place hindi siya akin. Ay bakit parang may dating ‘yong hindi siya akin? Ipiniling ko nalang ang ulo ko.

“Humayo na muna tayo roon.” Sabi ni haring Ovudi at nauna ng tumayo.

Lumingon sa akin si Deacon.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon