Chapter 22

72 5 0
                                    

22 : Gift


Nakatanga lang ako sa kama na nakahiga. Pagkatapos ng nangyari ay agad akong umalis doon na nanginginig ang mga paa. Hindi ko na nagawa pang magsalita kung hindi ang umalis nalang agad.

Nakakahiya! Nakita kami ni Morgaria na ganoon, ang malala pa bata pa ang nakakita. Jusko naman! Nakakainis ka na, Ada, hindi mo talaga kayang kontrolin iyang sarili mo. Paano na ‘to? Nahihiya na akong harapin si Deacon at lalong kinakabahan ako na lumabas ng silid.

Sana lang talaga tumahimik si Morgaria. Narinig kong may kumatok sa labas ng pinto.

“Ada, oras na po ng hapunan.” Narinig ko si Tran sa labas, ang isa pa sa mga tagapag-silbi.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo. Sumunod ako sa kaniya sa hapag at nakitang naroon na ang lahat, pati si Deacon. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kaniya at naglakad sa bakanteng upuan sa tabi ni Dallas. Actually mayroon naman sa tabi ni Deacon pero nahihiya talaga ako sa kaniya.

Bago pa man ako makarating sa tabi ni Dallas ay tumikhim na si Deacon tinapik ang mesa. Huminto ako at nakitang naghihintay silang lahat sa akin. Tiningnan ko si Morgaria na nginunguso ang upuan sa tabi ni Deacon.

Nakagat ko ang aking labi at umupo nalang sa tabi ng kanilang inco. Pagka-upo ko ay pinagsandok agad ako ni Deacon ng pagkain. Narinig kong parang kinikiliti si Morgaria at nakitang bumulong siya sa kaniyang kambal. Bumulong din si Asmo kay Thyrus at nakita ko ang paglaki ng mga mata niya at pagpula ng pisngi. Tumingin siya sa amin na nakanganga.

Jusko anong sinabi ni Morga?

“Ako na.” Sabi ko kay Deacon at akmang aagawin ang pangsandok ngunit inilayo niya ito na nakakunot ang noo at umiling.

Napakamot ako sa aking ulo at napatingin sa mga kasama namin. Lahat sila ay nakangiting nakatingin na may pang-aasar na nakapinta sa kanilang mukha. Hinintay ko nalang na matapos si Deacon sa pagkukuha sa akin ng pagkain. Nilingon ko muli si Morgaria na ngayon ay humahagikhik na. Napasulyap din si Deacon sa bata at sinamaan ito ng tingin kaya pigil ang ngiting tumango ang batang babae.

“I guess, the reason why King Galen is not yet attacking Conte Moria is because of the fact that your cousins came home plus a goddess is guarding you.” Sabi ni Oros.

“Noon palang talaga malaki na galit niya sa atin dahil mga Mongarde tayo.” Sabi ni Sansha.

Bumuga ng hangin si Deacon.

“Oh I heard something inco. Totoo bang naging abo si Poly?” Tanong naman ni Geode.

Ang Poly na tinutukoy niya ay iyong nakalaban namin sa Egon. Tumango si Deacon.

“Pero paano diba katulad lang siya nila ni…” Napatingin si Helanie sa kambal at humina ang kaniyang boses.

“Ibig bang sabihin nito ay napukaw mo na ang kapangyarihan ng iyong ina, inco?” Tanong ni Sansha.

“Napag-usapan na namin ito ng mga Tanders ang sabi nila ay bumuka na nga bulaklak,” Sabi niya at tumingin sa akin. “dahil daw ito sa aking supling.”

Napatingin naman ang lahat sa akin. Ang ibig niyang sabihin kaya naging abo iyong hindi mamatay-matay na si Poly ay dahil napukaw na niya ang kapangyarihan ng kaniyang ina? So, bago pala mamatay ang ina niya ay ibinigay pala ito sa kaniya at malamang ganoon din sa kaniyang ama.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon