02 : Butterflies
Naramdaman kong may sumundot sa aking mukha kaya iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang tatlong pares ng mga mata na nakatingin sa akin.
“Gising na siya,” Sabi ng batang babae.
“Tawagin mo na si inco, Asmo.”
Agad tumakbo ang isang bata palabas ng pinto.
“Sino kayo?” Tanong ko at bumangon.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nakahiga pala ako sa isang malambot na kama pero malaking dahon ang sapin? Ang kwartong kinaroroonan ko ay katawan ng pinag-ekis-ekis na mga kahoy ang nagsilbing dingding. Habang ang kisame ay ang mga sanga at dahon ng mga kahoy na siyang naging dingding, ang mga ito ay nakapulupot na parang naging isang tornado.
“Hindi ba ay isa siyang tao?” narinig kong bulong ng babae sa lalaking nasa kaniyang tabi.
Pareho silang naka-upo sa kama kung saan ako naroroon. Parehong mahaba ang kanilang buhok, ang pinagkaiba lang ay sa batang babae nakatirintas ito habang ang sa batang lalaki ay nakalugay lang. Ang kasuotan nila ay katulad ng mayabang na bampira.
“Oo, malamang ay dinala siya rito ni inco upang maging taga-aliw niya.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng batang lalaki.“ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko at umalis sa kama.
Bumaba rin ang dalawang bata habang nakatingin pa rin sa akin.
“Kaka——” Natigil ang batang lalaki sa pagsasalita.
Napalingon kami nang marinig na bumukas ang pinto at nakita ang lalaking nakasuot ng kulay itim na robang satin. Wala itong suot na pang-itaas habang ang pang-ibaba niya ay kulay itim naa pajamas na satin din.
“Inco siya ba ang hapunan natin?”
Namimilog na tiningnan ko ang batang lalaki.
“Hindi, Thyrus. At hindi ba ay sinabi kong hindi tayo kakain ng tao?” sagot ng mayabang na bampira at saka siya lumapit upang hagkan ang noo nito. Ginawa niya rin ito sa dalawa pang bata.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Mukhang dapat ay hindi ako lumalapit sa Thyrus na iyan, halatang gustong kumain ng tao.
“Magsibalik na kayo sa inyong silid,” Sabi pa niya na sinunod naman ng mga bata.
Nang makalabas ito ay sumara ang pinto ng kusa na para bang may sariling isip. Grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Paanong ang mga nakikita ko lang sa palabas at nababasa sa internet ay totoo pala?
Nilingon ko ang mayabang na lalaking ngayon ay nakaupo sa silya.
“Sino ka ba talaga? At bakit ako naririto? Isa pa bakit mo ako kilala?!” sunod-sunod kong tanong.
Tinaas niya ang kaniyang kilay pagkatapos ay pinagsilkop ang mga kamay at ipinatong ang isang binti sa isa pa.
“Dapat ay parusahan ka sa iyong ginawa.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Bakit naman ako parurusahan? Isa pa, sino ka ba?”
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...