Chapter 1

215 6 0
                                    

01 : Orcolio Ze Acantha

Isang lalaking bampira ang taong nasa harap ko! Ay hindi, hindi siya tao! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa sobrang kaba at takot na aking nararamdaman. Hindi ako makapaniwala na may bampira sa aking harapan. Nalilito ako kung matatakot ba ako o mapo-pogian—scratch that! Dapat lamang na manginig ako sa takot dahil nangangain sila ng tao.


“B-bampira ka? P-paanong totoo k-kayo?” Tanong ko sa lalaking nasa aking harapan ngunit hind niya ako pinansin at pinasadahan lamang ng tingin ang aking kabuuan na siyang aking ikina-ilang.


Humigpit ang hawak ko sa tuwalyang nakabalot sa aking katawan nang hawakan niya ito. Umiling-iling ako sa kaniya at bago pa man ako makapagsalita ay malakas niyang hinaklit ito na siyang aking ikinasigaw at napatakip sa aking katawan.


Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayang nababalot na pala ako ng kaniyang katawan at parang nahihilo ako sa bilis ng paggalaw ng paligid.

Tumatakbo kami!


Ang mga kahoy na aming nadadaanan ay sumasayaw sa bilis ng kaniyang takbo, aking pangang napansin ang pagkabali ng isang kahoy. Napatingin ako sa aking sarili na nababalot na pala ng puting roba na hindi ko alam kung saan galing. Ang aking mga binti ay nakapulupot sa kaniyang bewang habang ang mga kamay ay nasa likod ng kaniyang leeg.


Nang matauhan sa nangyayari ay bumitaw ako mula sa pagkapulupot sa kaniya kahit alam kong delikado at malaki ang posibilidad na mabalian ako ay ginawa ko pa rin. Hinding-hindi ako sasama sa isang tulad niya!


Akin ng inaasahan ang pagkahulog ngunit hindi nangyari iyon dahil pala sa kaniyang mga braso na nakayakap sa aking likod. Bigla kaming huminto sa madilim na Lugar at isinandal niya ako sa kahoy. Mula sa maliwanag na buwan ay nakikita ko ang galit sa kaniyang mga mata na nakatingin sa akin


“Humawak kang mabuti kung ayaw mong makitilan ng buhay.”


Para naman akong kinausap ng kamatayan dahil sa sinabi niya at ng kaniyang boses. Malakas ko siyang tinulak ngunit katulad pa rin ng dati, ang tigas niya pa rin.


“Bakit? Kapag ba nadala mo na ako sa kung saan mo gusto ay bubuhayin mo ako? Hindi pa ay iyo rin naman akong papatayin?” Malakas ang loob na tanong ko sa kaniya.


Muli niya akong sinamaan ng tingin at nilingon ang paligid pagkatapos ay mahigpit na hinawakan ang aking bewang na siyang aking hinampas. Lumingon siya sa akin at biglang bumaba ang labi sa aking tainga pagkatapos ay bumulong.


“Makinig ka, aking ipapaliwanag ang mga nangyayari mamaya ngunit ngayon kailangan mong sumunod sa akin. Kung iyong iniisip ay papatayin kita hindi iyon mangyayari dahil nasa iyong buhay ang pinakamahalaga sa akin.” Sabi niya pagkatapos ay tumingin sa madilim na parte ng gubat na ngayon ay mga nilalang na naglalabasan na mapupula ang mga mata at nakalabas ang pangil.


“Pero sila, papatayin ka nila.” Bulong niya pa at tumingin sa akin. “Huwag kang gagalaw at hintayin mo lamang ako rito.” Sabi niya at lumayo sa akin.


Namilog ang aking mga mata nang bigla ay may mga ugat na mula sa ilalim ng lupa ang unti-unting naglalabasan at nag-ekis-ekis ang mga ito palibot sa akin. Parang hawal ito na hugis bilog ito at ang mga ugat na nasa labas ay biglang tinubuan ng mahabang tinik na kahit kaonting balat mo ang madampi ay talagang masusugatan ka.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon