Chapter 8

87 4 0
                                    

08 : Ride


Nagising ako dahil sa nararamdamang kirot sa aking tiyan. Pinagpapawisan na pala ako at nanginginig ang kamay nang mamulat ko ang aking mga mata. Napa-ungol ako nang mas kumirot pa ang aking tiyan. Nahihirapan na akong makahinga ng maayos dahil sa sakit.

“Deacon.” Nasambit ko ang pangalan niya sa sobrang sakit at pangangailangan nang tulong.

Biglang bumukas ang pinto.

“Anong nangyayari?”

Bigla ay dumalo siya sa akin na may pag-aalalang mga titig.

“M-masakit ang t-tiyan ko.”

Naiiyak na ako sa sobrang sakit at kitang-kita ang pag-aalala sa mukha niya. Pinagmasdan niya rin ang itsura ko pagkatapos ay bigla akong binuhat at namalayan ko nalang na nasa isang silid pa kami.

“Harmon!”

Parang kulog ang boses ni Deacon nang tawagin niya ang tauhan. Hindi pa lumilipas ang isang minuto ay nagpakita na ang lalaki.

“Anong nangyayari mahal na hari?”

“Iyong dalhin si Halumi.”

Sa sobrang sakit ay hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang presensiya ni Deacon sa aking tabi at hindi rin niya binibitawan ang aking kamay. Kaniya ring hinaplos-haplos ang aking ulo at hinahalik-halikan ang aking noo. Kaniya ring pinapahid ang mga luhang lumalabas sa aking mga mata. Sa mga sandaling iyon ay ramdam kong hindi ako nag-iisa at may karamay ako sa sakit na aking nadarama.

Dumating ang Halumi na pinatawag ni Deacon. Luluhod pa sana ito upang magbigay galang ngunit agad na siyang pinigilan at pinalapit sa akin.

“Unahin mo si Ada!”

Dali-dali namang lumapit sa akin si Halumi. Hinipo niya ang aking tiyan pagkatapos ay may kung anong pinahid roon.

“Mahal na hari ang iyong anak ay nangangailangan ng dugo kung kaya ay kailangan kong kumuha ng dugo.”

Tumayo si Deacon mula sa pagkaka-upo sa aking tabi at hinubad ang roba niyang itim dahilan upang masilayan ko ang kaniyang hubad na katawan. Napaiwas naman ng tingin si Halumi at mas lalong napayuko.

“Kuhanan mo na ako ng dugo.”

Nagulat ako nang mapaluhod si Halumi at umiling-iling na nagsalita na para bang may malaki siyang kasalanan.

“Mahal na hari, isa pong malaking kasalanan ang pagsugat sa iyong katawan. Hindi ko po ito magagawa maaari naman pong sa iyong tauhan na la——”

“Ano?!”

Malakas na sabi ni Deacon at nakita ko pang gumalaw ang ugat sa dingding na ito marahil ay dahil sa kaniyang galit. Hindi ko batid kung ano ba ang dahilan kung bakit siya nagagalit.

“Mahal na hari paumanhin subalit sagrado po ang——”

“Iyo ng itikom ang iyong bibig at kuhanan ako ng dugo o ikaw ay aking kikitilan ng buhay?”

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon