Agata
"Pwede ba na lumabas ka nga doon Alex!!! Hanggang dito ba naman sa room ko ay su sundan mo pa rin ako!!!? Aba mahiya ka naman. Alam mo naman siguro ang salitang privacy ano!!?" Galit nga tungayaw ko dito.
Nakakainis na kasi talaga eh. Parang gusto ko na tuloy umalis sa condo ko na ito at lumipat na lang sa iba o di naman kaya ay bibili na lang ako ng bahay para naman makalayo na ako sa batang ito.
"Nag aalala lang naman kasi ako dahil sumisigaw ka kanina eh. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo." Naka yuko naman na sagot nito sa akin.
Kita ko pa na parang maluha luha na ito ngayon. Napahiya siguro sa sinabi ko.
Medyo nahabag naman ako sa kanyang itsura na para bang kawawang sisiw na naka yuko na lang.
Pero bahala siya dyan. Kasalanan din naman niya kung bakit nakapag salita ako ng ganun sa kanya eh.
Sa lagay na yan ay magugustuhan ko ba naman siya. Paano niya ako ma e pag ta tanggol kung halimbawa man ay mag gumawa ng hindi maganda sa akin? Baka ako pa ang mag tanggol sa kanya pag ganun.
Sa nipis ng katawan niya na yan. Baka isang solid na suntok ko lang dito ay baka mahimatay na ito. Kaya malayong malayo talaga na magustuhan ko siya.
Isa pa ay babae ito. My god hindi naman sa homophobic ako or against sa mga LGBT pero naman kasi hindi talaga ako member ng samahan na yun eh.
Straight ako. Straight na straight na parang bagong rebond kaya walang dahilan talaga na ma attract or magustuhan ko talaga siya kahit katiting man lang
Puro inis nga lang ang naramdaman ko sa kanya eh. Sana naman ay tigilan na ako nito bago pa tuluyan na maubos ang pasensya ko sa kanya at makapag salita pa ako dito ng mas lalo lang makakasakit dito.
Maya lang ay sinagot ko naman ito. "Sa tingin mo naman ay may makakagawa ng masama sa akin ng hindi ako lumalaban at sa tingin mo rin ba ay makakatulong ka nga kung sakali man na may nangyari na masama sa akin? Tignan mo nga yang sarili mo kumpara sa akin. Kaya pwede ba umalis kana sa room ko habang kaya ko pang mag timpi!!?" Galit na utos ko dito.
At yun nga tuluyan na itong napa luha dahil sa sinabi ko sa kanya. Napaka mahinang nilalang talaga nito kainis. Para yun lang iiyakan na kaagad ako. Hayst mas nakakainis siya tignan sa itsura niyang iyan. Parang tanga talaga
"Pasensya na. Baka lang kako may maitulong ako. Sige po aalis na ako para hindi kana mainis at magalit pa sa akin. Kumain kana nga pala at huwag kang mag palipas ng gutom. May dinala akong pag kain dyan. Nakita ko kasi na wala ka ng stock eh. Sige po aalis na ako at sorry po ulit." Tuloy tuloy na sabi nito sa akin at tuluyan na nga itong umalis.
Ramdam ko naman na masama ang loob nito sa akin at para bang nag ta tampo pa ito. Pero wala naman akong paki doon.
Bahala siya dyan . Pero wala akong plano na suyuin siya. Maganda nga yan at ng tuluyan na itong mag tampo sa akin upang hindi na ako niya guluhin kahit kailan.
Maya lang ay nag reply na ako kay Jack. Hindi pa nga pala ako naka pag reply dito dahil nga sa biglang pag pasok nitong si Alex sa room ko.
"Sige Jack next time na lang. Tsaka need mo rin kayang magpa hinga at may mga pasa ka din na natamo sa laban mo." Pa bebe na reply ko naman dito.
Medyo nabawasan na ang kilig ko dahil nga sa inis ko dito kay Alex. Panira talaga yun ng moment eh. Kainis.
"Sige sige asahan ko yan ha. And don't forget to take your medicine ha. Sige at baka nakaka isturbo na ako sayo." Reply naman nito sa akin
Pinusuan ko na lang naman angkanyang reply at nangingiti na binaba ko na ng tuluyan ang aking phone at nag imagine na naman ng about sa aming dalawa.
Huwag na kayong kumuntra na parang teenager lang ang peg ko. Bakit ba eh kayo na kaya ang lumagay sa katayuan ko baka hindi lang ganito ang gawin nyo. Duh.
Kung saan saan na napunta ang pag da day dream ko pero lagi na lang sumisingit bigla bigla sa isip ko ang mukha ni Alex lalo na pag mag ki kiss na kami ni Jack. Kaya naman naiinis na tumayo na lang ako.
Mag sa shower na lang ako para naman gumaan ang aking pakiramdam. Medyo kaiba na kasi eh. Kung saan saan na lang napunta ang takbo ng utak kp atkaming dalawa na ni Alex ang may ginagawang milagro kaya stop na talaga.
Baka kung ano pa ang maisip ko na naman ay masuka lang ako. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang yun sumisingit eh. Pinakulam pa yata ako ng bruhang yun.
Tumayo na ako at dumiritso na sa closet ko upang e ready ko na ang aking mga su suutin. Gusto ko nga lang sana na mag bra at panty lang ako dito sa condo ko dahil mas comfy ako na ganun lang ang suot ko.
Pero hindi kasi pwede dahil may manyakis na bata na bigla bigla na lang pumapasok dito sa condo ko at baka bigla na lang may gawin na masama yun sa akin pag hindi siya nakapag pigil sa kamanyakan niya.
Alam nyo naman na takbo ng utak ng mga kabataan ngayon. Napaka pangahas na nila at walang ka takot takot na gumawa ng mga ganyang bagay.
Nang ma e ready ko na ang mga isusuot ko ay nag lock na ako ng pinto ng room ko. May nilagay kasi ako na lock sa loob kaya kahit na ma open niya ang lock sa labas ay hindi pa rin niya kayang buksan kasi meron dito mismo na lock sa loob.
Inilagay ko naman yun sa ibabaw ng kama ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng shower room.
Mabilis na naligo naman na ako at doon pa lang ako naka ramdam ng kaginhawaan.
Halos kalahating oras din na nag ba bad ako sa shower at ng medyo nilamig na ako ay saka pa lang ko tinigil ang paliligo ko.
Nag tuyo na muna ako ng katawan ko at hubot hubad na akong lumabas sa shower room
Syempre malakas ang loob ko na lumabas ng naked no. Saka ako dumiritso na nag bihis.
Nag pajama ako at oversized t shirt. Nang sa gayon ay walang pag ma manyakan sa akin si Alex.
Nang maayos na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko. Medyo gutom na rin kasi ako eh. At isa pa kailangan na kumain ako at iinom pa kasi ako ng gamot ko eh.
Dumiritso na ako sa kitchen at nakita ko nga doon ang natakpan na dalang pagkain ni Alex. Tsaka may bagong luto na rin na kanin sa rice cooker kaya naman nag simula na akong kumain.
Kung may buti na na e du dulot sa akin itong si Alex ay yun ang hindi niya ako hinahayaan na magutom ako. Tsaka halos ayaw din ako pakainin nun ng mga binili lang sa labas na pagkain.
Katwiran nito ay hindi raw ako sure kung malinis ang kinakain ko na yun dahil hindi naman daw niya nakita ang pag luluto nito.
At least kung yung luto niya ay sure sya na malinis at masarap pa na Hindi ko naman tinutulan pa dahil may point naman ito talaga.
Mabilis ko lang naubos ang pagkain ko. Naka dalawang sandok pa nga ako ng kanin eh. Masarap naman kasi talaga ito mag luto at hindi ko yin e ta tanggi pa.
Tsaka isa pa ay gutom na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...