Prologue

6.2K 139 3
                                    

Alex

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon habang pinapanood ang pinaka mamahal ko na babae na nakikipag palitan ng mainit na halik sa isang lalaki.

Halos madurog ang puso ko sa nasasaksihan ko ngayon. Hindi ko na rin napigilan pa ang aking sarili ng kusa na lang lumabas ang mga likido sa aking mata habang nakatingin pa rin sa mga ito.

Maya lang ay nag hiwalay na rin ang mga ito sa kanilang mainit na halikan at nag ka ngitian pa silang dalawa.

Hindi sinasadya na biglang napalingon sa akin si Agatha at nanlaki bigla ang mga mata nito ng mag tama ang aming mga mata.

Mapait na nginitian ko naman ito. Sabay talikod na sa kanila at tuluyan ng lumayo na lugar na yun. Dala ang pangako sa sarili na hinding hindi na mag papakatanga pa dito at kusa ng lalayo.

Sana lang ay maging masaya ka sa pinili mo. Huwag kang mag alala hinding hindi na ako mag hahabol pa sa iyo. Nasabi ko na lang sa aking isipan. At tuluyan ng sumakay sa kotse ko paalis sa lugar na yun.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon