Chapter 30

2K 69 2
                                    

Alex

Napapikit na lang ako dahil sa nararamdaman ko ngayon sa aking sarili. Alam mo yung temp na temp ka ng halikan ito kasi nga ay ang lapit lapit niya pero pinipigilan ko lang ang aking sarili na gawin ang bagay na yun.

Baka kasi bigwasan na lang ako nito ng wala sa oras e. Gusto ko pa naman mabuhay ng matagal no.

Napipilitan na lumayo na lang ako sa kanya at huminga muna ng malalim para naman mag luwag ang pag hinga ko. Feeling ko kasi ay kinapos ako ng hangin kanina nung sobrang lapit niya sa akin e.

"Teka nga po muna Ate Agata, nag se selos kaba?" Hindi na naka tiis na tanong ko sa kanya. Ang labo kasi nito e. Hindi ko talaga siya ma gets kung bakit ganito ang ikinikilos niya sa akin ngayon.

Ewan ko ba sa matandang ito. Para na naman kasi siyang hindi naka inom ng gamot kung mag salita at magalit dyan e. Oo na kahit ang hot pa niya kapag ganyan siya ay nakakainis pa rin lalo na at ikaw ang binubungangaan.

Patahimikin ko kaya ang bibig nito gamit nmang aking bibig ng malaman niya na hindi sa lahat ng oras ay pwede niya akong sigaw sigawan na lang dyan ng walang malinaw na dahilan.

Ang sakit kaya sa tenga ang sigaw nito. Mabuti sana kung ungol yun baka maging musika pa sa aking pandinig.

Hayst bakit ba nagiging manyak na naman yata ako. Putek na yan. Mas maganda yata na pumasok na ako sa unit ko habang wala pa akong kababalaghan na ginagawa dito.

Agad na natigilan ito sa kanyang pag bu bunganga sa akin dahil sa tinanong ko sa kanya na yun. Parang na pipi na yata ito kasi bigla na lang itong hindi nag salita.

Pero maya lang ay naka bawi na siya at bigla na lang akong sinamaan ng tingin. Yung ang sama na ng tingin niyang yun sa akin kanina ay may e sa sama pa pala. Kaya bigla na lang akong napalunok ng wala sa oras.

"At bakit naman ako mag se selos aber ha? Sino kaba para mag selos ako? Kapal ng mukha mo ha ako lang itong concern sa iyo tapos ganyan na pala ang iniisip mo." Galit na sagot naman nito sa akin.

Bigla naman akong namula dahil sa pagka pahiya ko sa kanya. Concerned lang naman pala e. Tapos ang kapal pa ng mukha ko na mag isip ng ganun. Ngayon pahiya ako sa kanya ng malala.

Isa kang malaking assuming Alex. Shit nakakahiya lang talaga.

"Sorry kung napag alala pa kita. Pero hindi mo naman na kailangan pa na mag alala sa akin kasi alam ko naman ang ginagawa ko. Ang please lang huwag mo na akong lapitan pa. Nag a assume pa tuloy ako ng hindi maganda dahil dyan sa concerned mo na yan." Sabi ko naman sa kanya at ngayon nga ay halos ayaw ko na itong tignan pa.

Medyo masakit din na mag hinala ka na nag se selos ito na hindi naman pala. Tanga lang kasi Alex? Alammong may mahal yan na iba tapos mag isip kapa talaga ng ganun. Yan tuloy pahiya ka.

Nag paalam na rin ako dito na papasok na ako ng unit ko kasi kanina pa kami nandito sa labas at baka mamaya ay may makakita pa sa amin na nag aaway kami nito. Ayaw ko naman na ma chismis pa ako.

"Pasensya na Ate Agata ha. Sige po papasuk na ako sa unit ko. Huwag ka ng mag alala pa kasi malaki naman na ako at kayang kaya ko na ang sarili ko.Sige po" paalam ko dito at tuluyan ng binuksan ang pinto at hindi ko na rin ito tinapunan pa ng tingin. bakit pa e napahiya na ako.

Ang lakas pa ng loob ko na tanungin ito kung nag se selos ba siya. Hahaha pahiya malala ang putek.

Mabuti na nga lang at hindi na ako nito pinigilan pa. Napahinga naman ako ng malalim ng makapasok na ako.

Hayst napahiya talaga ako doon. Daoat talaga hindi na ako nag a assume pa sa mga ginagawa nito sa akin. Para Hindi na ako mapahiya pa.

Bakit ba nakalimutan ko kasi na may boyfriend na nga pala ito at mahal na mahal niya iyon.

Napaupo na lang ako sa couch ko at pumunta sa fridge upang lumuha ng beer. Gusto ko na uminom ngayon. Total naman ay wala akong gagawin bukas e.

Kinabukasan

Mas pinili ko na lang na tumambay ngayon dito sa isang coffee shop ko. Total naman ay wala akong gagawin sa condo at baka kung ano na naman ang maisipan ko na gawin.

At gaya ng dati nandito ako sa counter at tumutulong na mag take ng mga order at e serve na rin tuloy.

Maayos na nag ta trabaho ako ng bigla na lang akong mapa lingon sa may pinto may pumasok kasi doon. At sana hindi na lang sa branch na ito ako pumunta kasi naman ang iniiwasan ko na tao ay ito ngayon at todo kapit pa sa braso ng jowa niya.

Hayst nag stay na lang pala sana ako sa unit ko kung ganito din lang naman ang makikita ko. Gusto ko sana na tawagin ang ibang crew na nandito pero ng tignan ko ang mga ito ay busy sa kanilang mga ginagawa kaya wala ng nagawa kung hindi ang asikasuhin ko na lang sila.

Agad naman akong napansin nito at bigla na naman nangunot ang noo niya sa akin.

Maya lang ay nandito na sila ng jowa nya sa counter "Ano ang ginagawa mo dito? Bakit nag ta trabaho ka dyan?" Sunod sunod na tanong nito sa akin.

Nakita ko naman na tumango sa akin yung jowa niya. Mukhang nakilala din lang ako nito. Kaya kahit wala akong balak na batiin ito ay napa bati ako sa kanya ng wala sa oras.

"Ano po ang order nila Ma'am?" Tanong ko naman dito kay Agata. Hindi na rin ako nag aksaya pa ng oras na sagutin ito. Hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa rin ako sa kanya.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon