Agata
Kanina pa mainit ang ulo ko. Mula pa nung sa coffee shop hanggang sa dito nga sa office ay bad trip pa rin ako.
Sino ba naman kasi ang hindi ma bad trip nyan kung yung taong gusto mo ay parang wala ng gusto ngayon at ito pa ha. Kapal ng mukha niya na sabihin sa akin kanina harap harapan pa talaga na ang dami daw magagandang babae doon sa shop kaya nag ta trabaho sya doon
Fuck!! Ang kapal talaga na sabihin nito sa harapan ko ang bagay na yun. Tangina lang Niya akala ba niya ay papayag pa ako na manatili pa siya doon kahit na isang Segundo?
Nah Hindi ko papayagan na mangyari yun. Kaya nga ginawa ko ang alam kong dapat na gawin yun ay ang ipag resigned ito ura mismo sa coffee shop na yun.
Who knows baka kapag nag tagal pa ito doon ay baka mamaya ay hindi lang ang bwisit na Kourtney na yun ang maging sakit ng ulo ko. Baka Madagdagan pa.
Knowing Alex na mukhang wala pa naman pinipili ang isang ito. Hayst pero di ko alam kung kailan ako nagka gusto sa kanya. Basta nagising na lang ako na sobrang miss na miss ko na siya.
Mag mula ng itinigil na nito ang pang liligaw sa akin. Dahil nga daw sa may jowa na ako. Hanggang sa makita ko nga ito sa party na may kalandian na iba at doon mas lalo ko lang na sure sa aking sarili na gusto ko na ito at ayaw ko na may ibang pwede pang lumapit dito dahil para sa akin ay pag aari ko na siya sa akin lamang siya. .
Oo na alam ko wala pa akong karapatan duh. Pero papunta na rin kami doon. Kaya nga kasama ko kanina si Jake sa coffee shop na yun upang makipag break na sana dito.
Pero pusang gala naman kasi eh. Bakit kailangan pa na nandoon itong si Alex at mag salita siya na tambak ang chix na pumupunta doon.
Hayst basta akin lang siya period. At kung may pasali sali pa sa aming love story ni Alex ay bahala na sila sa kamao at mga muscles ko. Baka gusto nila na ma ospital pag nilandi pa rin nila ang taong pag aari ko na.
Pero syempre habang hindi pa kami nito at ginagawan ko pa lang ng paraan ang sa amin ni Jake ay kailangan na bantay sarado na ako dito.
My god this is not so me pero para kay Alex ay nakakagawa ako ng bagay na hindi ko alam ay kaya ko pa lang gawin. Lalo na ang takutin ito.
Todo talaga ang kaba ko kanina nung nahimatay siya. Balak ko na nga sana siyang dalhin sa ospital kanina e. Mabuti na nga lang at nagising na ito dahil kung hindi ay malamang na nadala ko na ito doon.
Kaya ngayon alam ko na na matatakutin ito kaya madali na lang sa akin ang mapa sunod ko siya sa gusto ko. Lalo na kapag ang mga babae na naman niya ang involved. Nakakapanginig ng laman sa totoo lang.
Actually hindi naman ako yung klase talaga ng tao na mabilis magalit sadyang sa kanya lang ang iksi ng pasensya ko. Ewan ko ba kung bakit.
Pero dapat sa lalong madaling panahon ay maka usap ko na itong si Jake ng matapos na ang anuman ugnayan na meron sa amin.
Hindi ko na rin kasi kaya pa na patagalin na hindi ko tuluyan na masabing akin si Alex. Natatakot din kasi ako na baka mamaya ay may makalusot lalo na ang Kourtney na yun na halatang halata naman ang malaking pagka gusto dito kay Alex.
Kaya dapat talaga ay gawan ko na ng paraan na maging single na akong muli.
Maya lang ay bumalik na ako sa office ko matapos kong kausapin itong secretary ko.
Napasukan ko naman ito na busy sa kanyang phone. Bigla na lang nangunot na naman ang noo ko baka kasi babae na naman niya at kalandian ang pinag kakabusyhan niya e.
Kaya mabilis na akong lumapit dito upang kunin sana ang kanyang phone ng makita ko na nag lalaro lang naman pala ito ng ML.
Naka hinga naman ako ng maluwag dahil doon. Kaya naman pala ang tahimik nito at naka concentrate lang siya doon. Okay hahayaan ko na lang siyang mag laro dyan. Basta yun lang gagawin nito ha. .
Busy na ako sa pag rebisa ng mga papeles na kailangan na ng signed ko ay natigil ako kasi sa biglang sinabi ni Alex.
"Kourtney bakit ba panay ang patong mo sa akin." Dinig ko na sabi nito.
Huwag niyang sabihin sa akin na kalaro niya itong si Kourtney sa ML na yan? Tangina naman oh.
Mabilis na tumayo ako mula sa kinauupuan ko at walang sabi sabi na kinuha ko ang phone nito at mabilis na ibinalibag yun. Dahil sa inis ko sa kanya. ..
Hanggang sa pag la laro pa ng ganyan ay sila pa rin na dalawa??? Tangina lang talaga.
Nakita ko naman ang mabilis na pag taas ng tingin nito sa akin.
Napaka cold nito na para bang ngayon ko lang Nakita ang side niya na ganyan.
"Ano bang problema mo ha!!!??? Kanina kapa e!!! Sabihin mo hindi yung para akong tanga na nang huhula dito at magugulat na lang ako sa mga ikinikilos mo!!!" Sigaw na nito sa akin.
Makikita mo sa itsura nito na galit na galit na nga siya. Kung kanina ay ako itong galit na galit sa kanya pero parang nabaligtad na yata ngayon. Dahil ito na ang mukhang mag bubuga ng apoy sa akin ngayon. .
Pero hindi ako mag papatalo sa kanya no. Hindi niya ako kayang takutin sa mga pasigaw niyang ganyan. Ako yata si Agata baka nakakalimutan niya.
Ang babaeng mahal na mahal niya ay si sigawan niya ngayon. Baka gusto nito na ma meet niya kaagad si kamatayan sa ginagawa niyang yan ngayon.
"Wala kang pakialam kung ano man ang gusto kong gawin Alex. Wala kang pa-" hindi ko na natapos pa ang aking sa sabihin ng basta na lang akong hinila nito sa kanya at mabilis na sinakop na Lang nito basta ang aking labi at hinalikan ako ng mariin na para bang doon na nito dinaan ang lahat ng inis nito sa akin.
*Itaas mo ang bandera ng mga top Alex. Huwag kang mag papaka understanding masyado.*
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romansasi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...