Alex
"Halika na sa loob Kourtney at maupo ka muna saglit at patapos pa lang kasi yung niluluto ko e. " pag aaya ko dito at hinila na ito papasok sa loob.
Kailangan ko ng e distract ang mga ito at baka dito pa sila sa unit ko magka subukan.
Kawawa naman ni Kourtney pag pinatulan siya nitong si Agata. Baka isang sapak lang sa kanya nito ay bukas na siya magising. Ayaw ko din naman na mag away pa silang dalawa.
Kung bakit ba naman kasi at ang init ng dugo nila sa isat isa e.
Mabuti na lang at hindi na nag reklamo pa si Kourtney at ikinawit pa talaga sa aking braso ang kanyang kamay. Hindi naman na ako umimik pa dahil doon.
Pinaupo ko na lang muna ito sa may couch at ng tignan ko naman si Agata na kanina pa nag ma maldita ay yun parang sinapian na naman ng kapwa niya demonyo. Ang sama na naman nito maka tingin. Parang naka batak lang ang putek.
Nag kibit balikat na lang ako. Bahala ka dyan. Hindi naman kita bisita e. Kaya make yourself comfortable nalang.
Iniwan ko na muna ang mga ito sa may sala at pumunta na ako ng kitchen. Ako ang mas na e stress nito sa kanilang mga pinag gagawa na yan e.
Hinayaan ko na lang silang dalawa sa sala. Bahala sila kung mag away doon. Ang ta tanda na nila para mag pa saway pa sa akin na bata pa at nag aaral pa nga lang ako e.
Nang matapos na akong makapag luto at ma e handa ko na rin ang table ay lumabas na ako at gaya ng dati hindi man lang nag uusap ang mga ito at mukhang nag tataasan pa ng ihi ang dalawa.
Hayst ka stress lamang tignan. Maya lang ay inaya ko na ang dalawa na kakain na kako.
"Naka luto na ako. Tara kain na tayo." Pag aaya ko sa mga ito.
Mabilis naman na tumayo na si Kourtney at kumapit na kaagad sa braso ko. Mag lalakad na sana kami ng bigla ay kumapit din sa kabilang braso ko si Agata. Kaya naman napapagitnaan na ako ng dalawang ito.
Nagulat naman ako sa ginawang yun ni Agata. Himala at kumikilos ito ngayon ng ganyan na never naman na ginawa nito sa akin. Ano kayang nakain nito at ganyan siya kumilos ngayon.
Yung coffee pa lang naman at tubig ang ininum nito e. Alangan naman dala ng hangover yun? E ako nga ang mas lasing sa amin na dalawa.
Hindi ko na lang pinansin pa yun at nag lakad na kami pa punta sa nay table.
Ipinag hila ko naman ng upuan si Kourtney at naka ngiti nito na umupo naman at nag thank you pa sa akin sabay kiss sa pisngi ko.
Hayst ang lambing naman talaga nito e. Kaya tuloy hindi ko naiwasan na ngitian ito ng matamis dahil doon.
Pero muntik na akong mapa sigaw sa sakit dahil sa pag kurot sa tagiliran ko ng sadista na si Agata. Na ngayon ay ang sama sama ng tingin nito.
Putek na yan. Napaka ano talaga nito. Sarap ihagis palabas ng pinto. Ang sakit kaya nun akala ba niya. Mukhang nabalatan pa yata.
Mangiyak ngiyak na ipinag hila ko din ito ng upuan niya. Kahit masama ang loob ko na gawin ang bagay na yun. Ang sama kasi ng ugali nito kainis.
Naupo naman ito pero bago yun ay bumulong pa ito na dinig na dinig ko naman. " napaka landi talaga!!!" May gigil na bulong nito.
Bumulong pa e dinig naman. Hindi na lang nito sabihin ng diritso kung sino ang sinasabihan nito ng malandi.
Naupo na lang ako at kumuha na ng pagkain. Ipinag lagay ko na ng kanin nito si Kourtney. Tsaka inilapit na sa kanya yung mangkok na nilagyan ko ng ulam.
Naka ngiti na naman na nag thank you ito sa akin. Saka ako nag lagay na rin sa plato ko at kakain na sana ako ng maramdaman ko na naman ang sakit sa aking tagiliran.
Inis na binalingan ko na ng tingin si Agata na mas mukhang galit pa sa akin ngayon. "Bakit na naman?" Inis na tanong ko na dito.
Ang sakit sakit na kasi ng tagiliran ko sa panay ang kurot nito sa akin na ang sakit naman. Akala ba niya ikaw kaya ang mabalatan hindi ka kaya mainis nyan.
"Ipag lagay mo din ako ng pagkain ko!!!" Galit na sagot naman nito sa akin.
Pero mahihimigan mo doon na kahit galit ang pagka sabi nito ay parang nag ta tampo din siya. Hayst para mag lagay lang ng pagkain sa Plato niya di pa niya magawa. Nasa harapan na nga nito ang kanin at ulam e. Pa important pa naman ang putek.
Mabuti sana kung bisita ko siya or gaya pa din ng dati na nililigawan ko pa siya. Pero iba na nga ngayon e. Ayaw ko ng mag effort pa na magpaka gentlewoman dito at baka ma mis interpret pa nito na nanliligaw na naman ako sa kanya.
Nag mo move on na kaya ako. Hayst pero sige na nga. Total siya naman ang nag request nito e. Di gawin ko na lang at baka tuluyan na akong mabalatan ng wala sa oras.
Tahimik na kaming kumakain ngayon. Ang awkward lang kasi dahil hindi na rin naman nag sa salita pa si Kourtney kaya nahiya naman na mag open pa ako ng topic.
Mabuti nga sana kung kaming dalawa lang ngayon na nandito. Di bali bawi na lang ako maya kapag umalis na si Agata. Sure naman na aalis na siguro yan after namin na kumain e.
Matapos ang nakaka binging pananghalian ay pina punta ko na muna sa may sala ang mga ito at mag li ligpit pa kako ako ng mga ginamit namin.
Akala ko naman ay okay na sa mga ito pero biglang nag volunteer si Kourtney na tutulong na lang daw siya sa akin. Maya lang ay nag sabi din si Agata na tutulong din daw ito. Putek na yan. Kayang kaya ko na itong mag isa. Baka imbis na kunti lang ang plato at baso na hinuhagasan namin ay bigla na lang dumami ito.
"Ako na lang kayang kaya ko na ito. Doon na lang kayo sa may sala at mabilis lang naman ito." Pag tataboy ko sa mga ito.
Mabuti naman at sumunod ang mga ito sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...