Chapter 62

1.7K 59 0
                                    

Alex


Matapos ko mag paalam saglit kay Agata na saglit lang muna ako sa aking unit upang tignan baka sakali na nandoon pa si Mom ay wala akong naabutan sa unit ko. Umalis na nga ito.

Agad naman na check ko ang aking phone na naiwan dito sa may kitchen ko. Naka ayos na rin yung mga pinag kainan namin ni Mom. Siguro ay inayos na niya muna ito bago siya umalis.

Nakita ko kaagad ang chat ni Mom sa akin.

"Alex anak, pumunta ka muna dito sa bahay at may pag uusapan tayo." Basa ko na chat nito sa akin.

Naku patay mukhang mahaba habang paliwanagan ang kailangan kong gawin nito kay Mom ah. Pero hindi muna ako makaka punta sa bahay para kausapin siya kasi kailangan ko muna na asikasuhin ang mahal ko. Alangan naman na iwan ko na lang basta basta ito e inubos ko ang kanyang lakas. Hehehe

Pero syempre ako pa rin naman ang masusunod sa gusto kong babaeng makasama habang buhay at sure na akong si Agata yun at wala ng iba. Kung hindi man sila maging okay ni Mom. Pasasaan ba at mag kakaayos din yung dalawa sa tamang panahon. Pero sana lang talaga ay hindi ito totally na magustuhan para sa akin si Agata. Sana lang talaga.

Nag chat na lang ako kay Mom na bukas ay doon ako mqg di dinner sa bahay. At syempre isasama ko si Agata no. Ipapakilala ko na siya bilang girlfriend ko. Para naman malaman ko kaagad kong ano ang magiging reaction nila. Kay Dad alam ko naman na walang problema sa kanya e.

Naligo na muna ako pero mabilisan lang kasi kailangan na balikan ko na kaagad sa kanyang unit ito at alam ko na gutom na ito.

Pero bago yun ay nag pa deliver na muna ako ng flowers sa isang flower shop. Gusto ko kasi na bigyan ito ng bulaklak maging si Mom ay pina diliveran ko na rin. Para naman kahit paano ay mag ease ang mood nito.

After ko maligo ay mabilis na akong nag bihis at dumiritso na kaagad sa kabilang unit. Diri diritso lang akong pumasok sa loob nito. Alam ko naman ang passcode niya e.

Pero nagulat ako kasi pag dating ko sa may sala ay may medyo katandaan na lalaki akong naabutan na kausap ni Agata. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi pangunutan ito ng noo.

"Baby mabuti at nandito kana. May pa pa permahan sana ako sayo yung marriage contract natin para naman maayos na kaagad ni attorney bago siya umalis dito sa condo ko." Parang wala lang na sabi sa akin ni Agata.

Nanlaki naman ang mata ko at hindi makapaniwala na napatingin ako dito ng wala sa oras.

Anong marriage contract na kailangan na permahan ko na daw? Parang nag papa perma lang ito ng kung ano sa akin ah. Pero hindi naman sa ayaw ko na maging asawa ito. In fact ay gustong gusto ko nga pero Hindi naman sa ganitong paraan no. Ang gusto ko ay bongga ang kasal namin. Nandoon lahat ng mga close friends namin pati na rin ang mga kamag anak at mga mahal namin sa buhay. Gusto ko ma saksihan nila kung gaano ako kasaya na sa wakas ay mapapangasawa ko na at magiging akin na ang pinaka mamahal ko. Hindi sa ganito.

Bigla naman nangunot ang noo nito ng makita niya na parang nag dadalawang isip ako na permahan yung folder na inaabot nito sa akin.

"Bakit wala ka bang balak na pakasalan ako ha Alex?" Galit na tanong na kaagad nito sa akin ar napaka sama na kaagad ng tingin nito na para bang gusto na akong tirisin nito.

"Baby hindi naman sa ganun. Pero as in ganito lang ang kasal natin? Walang maayos na seremonyas? Wala ang mga mahal natin sa buhay. Minsan lang na maikasal tayo kaya ang gusto ko sana ay yung maibibigay ko sayo ang kasal na gusto mo Hindi yung sa ganito." Paliwanag ko naman kaagad dito.

Mabilis ko din na nilapitan ito upang pakalmahin siya. Paano naman kasi ay kitang kita ko na na galit na galit na naman siya.

"Hindi mo naman kasi ako naiinitindihan Alex e. Sino ba naman ang ayaw sa ganun? Pero kasi diba ang sitwasyon natin. Mabuti sana kung okay ako sa parents mo lalo na sa Mom mo. Alam mo naman ang nangyari diba at walang may gusto nun nadala lang ako ng damdamin ko.  At gusto ko lang masiguro na akin kana na asawa na kita bago kita payagan na maka uwe sa inyo dahil hindi ko alam kung ano ang sa sabihin nila sayo baka ilayo kapa nila sa akin at hinding hindi ko na mapapayagan pa na mangyari ang bagay na yun. Kaya please lang Alex permahan mo na yan and promise ko sayo after ng lahat ng problema na ito ay mag papakasal ulit tayo at yun ay sa paraan na gusto natin." Paliwanag nito sa akin.

Ngayon ay na gets ko na kung bakit nag mamadali na itong ma e tali na ako sa kanya. Pero hindi ko maiwasan na kiligin dahil doon.

Hindi naman halata na mahal na mahal ako nito at kaya siya gumagawa na ng ganitong paraan upang wala na akong kawala sa kanya.

Kaya naman mabilis na inabot ko sa kanya ang folder pati na rin yung pen at wala ng pag dadalawang isip pa na mabilis na penermahan ko na yun.

After kong ma signed na lahat ay naka ngiti na inabot ko na yun sa kanya na ngayon ay naka ngiti na rin ito sa akin.

"Basta after na matapos ang lahat ng ito ay mag papakasal na ulit tayo Alex. Pangako ko yan sayo." Sabi pa nito sa akin bago hinarap na nito si attorney na ngayon nga ay naka ngiti na rin sa aming dalawa.

"Ako na ang bahala dito iha. Congratulations nga pala sa inyong dalawa. Ninong ako sa kasal nyo ha." Naka ngiti na sabi pa sa amin ni Attorney bago ito tuluyan ng nag paalam na sa amin.

Nang maka alis na si attorney ay hinila ko naman na kaagad ito sa may kusina. Ipag luluto ko pa kasi siya e. Pero gusto ko na nandoon din siya habang nag luluto ako.

"Baby mamaya nga pala ay may guesting kami ni Jake sa isang tv station."sabi nito sa akin na agad ko naman na ikinalingon sa kanya.

"Huwag kang magalit kasi gusto ko ng linawin ang lahat doon. Kaya please payagan mo ako ngayon at pangako na itatama ko ang lahat doon." Dagdag pa niya ng makita niya na naka kunot ang noo ko dito.

Bakit kailangan pa niya na pumunta doon? Hayst baka kasi kung ano na naman ang mangyari gaya noon e. Kinakabahan talaga ako.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon