Alex
Dumiritso na kami kaagad ni tanda sa bilihan ng phone at kahit anong pilit ang sabi ko dito na ako na ang mag babayad ay hindi talaga ito pumayag kaya naman hinayaan ko na lang siya sa kanyang gusto. Baka kasi pag awayan pa namin itong dalawa e.
Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay ang magagalit ito sa akin. Kaya nga sunod na lang ako dito para wala ng maraming usap pa. Kasi naman hindi din lang ako mananalo dito.
After namin bumili ng phone ko ay ito na rin ang nag lagay kaagad ng kanyang number sa phone book ko. "Agata my loves" pa ang nilagay nyang name doon.
Hinayaan ko na rin lang naman. Dahil totoo din naman kasi yun na siya ang my loves ko. Hehehe
"Manood muna tayo ng sine Alex. Mukhang maganda ngayon ang showing." Pag aaya nito sa akin.
Gusto ko sana sabihin sa kanya na napanood ko na ang mga now showing ngayon kasama si Kourtney pero huwag na pala. Baka mag init bigla ang ulo nito at mag wala pa ito dito. Kaya pumayag na rin ako.
Kung di ko pa alam ay gusto lang naman nito na maka date ako dito sa mall. Ang dami pa niyang mga dahilan na kisyo bibili kami ng phone ko tapos maganda ang showing ngayon. Hahaha mga pa diskarte mo tanda hindi masyado na halata ha. Sobrang halata lang.Agad naman na akong hinila nito sa 4th floor kung nasaan nandoon ang mga cinema.
Sunod sunuran lang naman ako sa kanya pero naka alalay pa rin naman ako dito. Syempre gentlewoman rayo na may pagka manyak lang ng kunti.
Maya lang ay nasa 4th floor na kami at agad na itong pumila sa bilihan ng ticket. Hindi naman halatang excited ang gaga.
Iniwan muna ako nito sa may gilid at bibili lang daw siya ng ticket. Tumango lang ako dito at nang naka pila na siya ay bumili na muna ako ng pagkain namin. Sobrang nakakahiya naman na dito kung siya na lang ang lahat ng ga gastos. Kahit ba siya ang nag aya e.
Kayang kaya ko naman na gumastos para dito e. Hindi niya kailangan na gastusan ako kasi mas mayaman naman ako sa kanya kung tutuusin. Pwera yabang yun ha.
Nakabili na ako ng foods namin ng matapos na rin itong bumili ng ticket.
"Bakit bumili kana ng pagkain natin? Magkano ang nagastos mo at babayaran ko na lang sayo yan? Tanong naman nito kaagad sa akin.
Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito sa akin. Anong tingin niya sa akin na wala akong kakayahan na gastusan siya?
"Hindi na. Nakakahiya naman na sa iyo na ikaw na ang bumili ng ticket tapos wala man lang akong binili para sa atin kaya yan bumili na lang ako. Halika na sa loob at mukhang mag sisimula na yata." Pag aaya ko na lang dito. Pinauna ko naman na siya sa pila habang naka sunod lang ako dito.
Sa may bandang balcony ang pinili namin na pag pwestuhan nito. Hindi masyadong malapit sa may screen. Nakakduling kasi kapag sobrang lapit mo doon e. Tsaka mas maganda kapag nandito ka banda sa taas may makikita ka na kakaibang ginagawa ng mga manonood. Hehehe
Busy na ako sa panonood na ganyan ng bigla na lang sumandal sa akon si Agata. Kaya naman nabaling ang tingin ko dito.
Pero nanonood naman ito kaya ang ginawa ko na lang ay itinaas ko ang aking braso upang akbayan ito at mas lalo lang siyang hapitin sa akin.
Malamig kasi dito sa sinehan at hindi pa naman niya nadala ang kanyang blazer kaya parang naka crop top lang sya ngayon.
Wala pa naman akong dalang jacket kasi naiwan ko sa kotse ko na naiwan ko naman sa coffee shop kasi nga ay hinila na lang naman ako ni tanda upang dalhin sa kanyang opisina.
Mas lalo naman na nag sumiksik ito sa akin. Legit nga nilalamig si tanda. Hayst iba na talaga kapag matamda na. Lamigin ni. Mamaya nga tatanungin ko ito kung may dala dala na rin ba siya palaging vicks o di naman kaya ay efficacent oil?
"Nilalamig ka pa rin ba?" Malambing na tanong ko dito.
"Medyo hindi na. Yakap mo na ako e." Naka ngiti na sagot naman nito sa akin.
Hindi naman na ako nag salita pa at nanood na lang akong muli. Di ko naman kasi alam kung ano pa ang pag uusapan namin nito e. Tsaka baka ma isturbo ko lang siya kasi sa panonood niya. Mukhang engrossed na engrossed pa naman ito sa kanyang panonood.
Makalipas lang ang ilang sandali ay kumuha na lang ako ng chips at kumain na lang. Medyo nabo bored na kasi ako at napanood ko na kasi ito e.
Naisip ko na subuan na rin lang siya ng chips. Upang Hindi na ito maabala pa.
Kinain naman nito ang sinubo ko sa kanya kaya sinubuan ko na lang ito.
Ganun lang ang ginagawa ko hanggang sa matapos na ang palabas. Kaya naman hinayaan na muna namin na makalabas na ang karamihan bago ko inaya na rin na lumabas na itong si Agata.
Medyo gutom na rin kasi ako. Puro meryenda lang kasi ang aming ginawa kaya naman like kong mag rice na ngayon. Syempre iba pa rin kasi pag rice ang kinain.
Mag 2 na pala ng hapon kaya naman pala gutom na ako.
"Kain na muna tayo bago umuwe." Baling na sabi ko dito.
Tumingin naman ito sa akin bago tumango.
"Dito na rin lang tayo kumain banda. Try kaya natin sa food court mukhang madami pwede pag pilian doon e. Kung okay lang naman sayo." Pag aaya ko dito.
Di ko pa kasi na try kumain doon. Nakita ko lang na ang dami ng kumakain doon kasi halos punuan ang mga table kapag napapadaan ako doon banda e. Naisip ko lang na baka masasarap ang mga binta doon.
Ang dami kasi ng tao e. Malamang na masarap nga siguro.
"Siksikan kaya doon Alex. Dyan na lang tayo sa may grill banda. Gusto ko ng mga inihaw ngayon e. Saka na lang tayo mag food court. Okay lang ba?" Sagot naman niya sa akin.
Tumango na lang ako dito l. Dibali si Kourtney na lang ang aayain ko sa susunod. At least yun always game sa mga gusto namin na gawin. Tama si Kourtney na lang pala.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...