Chapter 64

1.8K 72 4
                                    

Agata


Nandito ako ngayon sa company na pagmamay ari ng mga magulang ni Alex. Gusto ko kasi na personal ko na maka usap ang mga inlaws ko. Ayaw ko na may hindi kami pag kakaintindihan ng mga ito lalong lalo na si Tita.

Kahit kinakabahan ay hindi ko na lang pinansin pa ang bagay na yun dahil walang mangyayari kung mag papadala ako sa takot at kaba ko. Ako din naman kasi ang may dahilan nito kung bakit di maayos ang unang naging pag haharap namin ni Tita.

Hindi nga din pala alam ito ni Alex. Ayaw ko na kasing ipaalam pa sa kanya at baka samahan pa ako nito at hindi na pumasok pa sa school yun.

Sa condo ko na nga din pala siya natulog kagabi pero walang nangyaring kababalaghan sa amin dalawa ha. Medyo hindi pa kasi kaya at masakit pa tinitiis ko lang. Mabuti na nga alng at nakuntento na lang sa yakap at halik si Alex.

Hindi ko nga namalayan ang oras at medyo na late na ako ng gising kasi naman katabi mo ba naman sa pag tulog ang mahal mo e di wala ka ng iisipin pa na iba.

Maaga naman siyang nagising at nakapag luto na nga ito kaagad ng breakfast namin e. Kung Hindi pa siguro niya ako ginising kanina ay baka tulog pa rin ako.

Paano papasok na ito sa school at naka bihis na nga. Kakain na nga lang ang ginawa ko kanina e. Parang nakikita ko na ang magiging set up namin na dalawa kapag tumira na kami sa iisang bubong.

At balak ko na rin na lumipat na kami sa bahay ko. Oo sa bahay namin ni Alex. Total naman ay kasal na kami nito alangan na mag kahiwalay pa kami nito diba?

Paano ko ma ba bantayan ito sa mga babaeng lumalandi sa kanya kung hindi pa rin kami magkasama nito. May tiwala naman ako sa kanya kaya lang doon sa mga babaeng humaharot dito ay wala.

Lalong lalo na ang Kourtney na yun na ang kapal ng mukha na landiin si Alex. Pasalamat na nga lang ako at mas mabilis ako kaysa sa kanya at syempre ako ang mahal nito kaya walang talab ang mga pag la landi niya dito.

Kausap ko na ngayon ang receptionist dito sa baba at kanina pa ako nakikiusap na sabihin na gusto kong makausap ang boss nila. Pero kanina pa din ito sa pag tanggi lalo pa nga at wala naman daw ako appointment sa mga ito.

Bumalik na lang daw ako sa ibang araw. Naiinis na ako sa totoo lang. Alam ko naman na hindi ko sila basta basta makakausap pero kasi kailangan ko na ngayon kasi nga mamayang gabi ay isasama na ako ni Alex sa bahay nila at mag di dinner kami doon at syempre gusto na rin niya akong ipakilala sa mga ito as her wife.

Pero bago yun ay gusto ko na magka ayos na kami kaagad ng mga ito. Kung ano man ang kalabasan ng pag uusap ay naka depende na yun mamayang gabi.

Mag sa salita pa sana ako upang pilitin ito na sabihin na gusto ko silang makausap ng may bigla na lang nag salita sa aking likuran.

"Anong kaguluhan ito?" Tanong ng kilalang kilala ko na boses sa aking likuran kahit na minsan pa lang kami nag kita nito.

Pag lingon ko ay tama nga ang aking hinala na si Tita ang nag salita na ito.

Bigla na naman akong kinabahan at medyo pinag papawisan na ng malamig. Lalo pa nga at matalim na itong naka tingin sa akin ngayon.

"Eh Ma'am Andrea, kanina pa po kasi namimilit si Ms. Agata na makausap daw po kayo. E paulit ulit ko na ngang sinabi sa kanya na bumalik na lang siya at humingi muna ng appointment sa secretary nyo." Paliwanag kaagad ng receptionist dito.

Agad naman na tumaas ang kilay nito sa akin dahil doon. "So dito ka naman mang gugulo ngayon. Dati sa condo ni Alex ngayon ay sinundan mo pa talaga ako dito. Ano naman ang ibibintang mo sa akin this time ha Ms. Agata?" Seryoso na may pagka masungit na tanong saakin ni Tita.

Agad naman na namula ang aking mukha dahil sa pagka pahiya sa mga nagawa ko sa kanya at nasabi. Pasalamat na nga lang ako noon at na control ko pa ang aking sarili at hindi ko siya napag buhatan ng kamay dahil kung nangyari siguro yun ay hindi ko na alam kung may mukha pa akong ihaharap dito.

"Pasensya na po kayo sa nangyari Tita nadala lang po ako ng araw na yun " yuko ang ulo at hiyang hiya dito na hingi ko ng paumanhin.

Nakatitig lang naman ito ngayon sa akin na para bang isa akong gamit na gusto nitong bilhin.

Maya lang bumuntong hininga na ito. Mukhang naawa na yata sa akin.

"Sumunod ka sa office ko." Utos nito sa akin kaya naman medyo nabuhayan ako ng loob dahil doon.

Akala ko kasi ay ipapahiya na niyako dito sa harapan ng kanyang mga empleyado na kanina pa naka tingin sa amin at panay pa ang bulungan.

Diba siya yung kagabi na malakas ang loob na e broadcast na kasal na siya sa babae. Hindi kaya si Ms. Alex na anak nila Ma'am ang tinutukoy niya na pinakasalan niya kaya hindi na matutuloy ang kasal nila ni Jake?" Bulong bulungan ng mga marites dito na nadaanan namin.

Nag bulungan pa ang mga ito dinig na dinig din lang naman. Pasalamat ang mga ito at medyo nag papakabait ako ngayon kasi nga ay kasama ko ang Mother inlaw ko. Kasi kung ako lang ay baka naka tikim na sa akin ang mga ito ng mga salitang di kayang kainin ng aso.

Hanggang sa sumakay na kami ng elevator ni Tita ay wala pa rin kaming imikan nito. Ako na pinag papawisan ng malamig habang malakas ang kaba sa dibdib na naka tingin lang sa likod ni Tita.

Parang isang maamo ako ngayon na tupa sa harapan nito. Eh mabait naman talaga ako ah. Depende sa kausap at kasama ko. Alangan na mag maldita ako dito kay Tita. Di mas lalo lang akong na bad shot dito.

Hanggang sa maka punta na kami nito sa kanyang office at nag bilin pa ito sa kanyang secretary na kunan kami ng meryenda nito at e cancel ang lahat ng kanyang appointment sa araw na ito at pumasok na nga kami sa office niya.

Ito na ang aking final destination sana lang ay maging maayos ang pag uusap namin ni Tita. Sana lang talaga.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon