Chapter 34

1.9K 88 6
                                    

Alex

Pagka labas ko ng office ay agad na naman akong hinawakan sa braso ni Agata at hinila na ako pa punta sa table ng mga ito na mukhang kanina pa naiinip itong si Jake na jowa ni
niya.

Paano na Hindi maiinip yan dito e iniwan ba naman niya na lang dyan basta basta ng wala ni ha ni ho na sinabi itong si Agata sa kanya.

Mabuti nga at hindi ito umalis at matiyaga pa rin talaga na nag hintay ito e. Nakakabilib din.

Nang makalapit na kami sa table nila ay nag tatanong na mata ng jowa nito ang naka tingin sa aming dalawa ni Agata.

Aba wag ka sa akin timingin ng ganyan dahil kahit ako ay nag tataka din dyan sa jowa mo at kung bakit daig pa nito ang nanay ko kung maka concerned sa akin.
.

"Mauuna na kami na aalis Jake, may kailangan pa pala qkong gawin important sa office ko. Tawag na lang ako sa iyo mamaya." Sabi nito sa jowa niya at hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang kapit sa aking braso na akala mo pag pinakawalan niya ako ay tatakas ako.

True naman na pag inapis nya talaga ang pag kakahawak niya na yan ay aalis naman ako kaagad e. Duh ayaw ko na sumama pa dito kung saan man niya ako balak dalhin no. Mahirap na at baka ilibing na pala ako nito ng buhay dahil sa inis nito sa akin.

Hindi pa nakakapag salita yung jowa niya ay mabilis na ako nitong hinila palabas sa shop at pabalibag na binuksan nito ang pinto ng kotse sa harap.

"Pasok!!!" Galit na sigaw nito sa akin.
.

Hayst bakit ba kasi nagaglit siya sa akin. Wala naman akong ginagawa na Hindi maganda sa kanya e.

Pero dahil nagugulat ako at medyo may kasama din na takot ay sumunod na lang ako sa gusto nito. Mahirap ng ma bigwasan ng isang Agata.

Naka ilang lunok na rin ang ginawa ko dahil sa takot ko dito. Salubong na salubong naman kasi ang kilay nito at ang dilim ng kanyang awra.

Ano ba kasi ang ikinagagalit nito? Kahit naman kasi anong gawin kong pag iisip sa mga ginawa ko at nasabi sa kanya kanina ay wala talaga ako matandaan na pwede mag triggered diot para mag act siya ng ganito sa akin ngayon

Gusto ko pa nga sana na itanong sa kanya kung saan kami pu punta nito kaya lang baka mas lalo lang itong ma bad trip sa akin kapag nag salita pa ako at kuntrahin ko ang gusto nito. Kaya magiging isang masunurin na lang na nilalang ako sa kanya.

Mabilis naman na umikot ito sa kanyang driver seat at nag maneho na ito kaagad. Bigla tuloy ay ikinabit ko kaagad ang seatbelt ko dahil sa bilis ng patakbo nito.

Mukhang byaheng langit yata kami nito ah. Pero Hindi sa ganitong paraan ko siya gusto na idala sa langit. Tangina naman kasi e.

Hindi na ako naka tiis pa at nag salita na ako. "Ate Agata pwede paki bagalan naman po ang pagpapatakbo mo ng kotse. Gusto ko pang mabuhay ng matagal at hindi pa ako nakakapag palahi e. Wala pa akong mga anak. Balak ko pa lang po. Kaya please paki bagalan naman oh." Kinakabahan na pakiusap ko sa kanya.

Sana naman po ay makinig naman siya sa akin. Dahil kung hindi pa talaga siya nag ayos dyan ay hinding hindi na ako sa sakay pa sa kotse niya kahit kailan. Kahit na magalit pa ito sa akin ay wala akong pakialam.

Agad naman akong binalingan nito ng tingin pero hindi pa rin niya binabago ang pag papatakbo ng mabilis. Muntik mintikan pa na may mabangga ito dahil sa walang ingat na pag mamaneho niya.

"So kanino mo naman balak na magpalahi?" Seryoso na nitong tanong sa akin.

Medyo bumagal naman kahit paano ang takbo na ng kotse. Kaya naka hinga na rin ako kahit paano.

Napangiti naman ako dahil sa tanong niya. "Kay Kourtney po sana Ate Agata. Ang ganda niya kasi sa tingin ko ay maganda ang magiging lahi namin pag pinag sama kaming dalawa." Naka ngiti na sagot ko dito.

At dahil sa kanya ako naka tingin ay kitang kita ko na naman ang bigla na naman na pag babago ng expression nito pati na rin ang pag dilim muli ng kanyang awra. Maya lang ay napansin ko ang pag bilis muli ng pag papatakbo nito.

Hanggang sa halos mahagingan na nito yung mga nilampasan nitong kotse. Doon na nag iba ang kulay ng mukha ko at bigla na lang ako namutla at parang hindi na ako makahinga dahil sa takot ko.

Hanggang sa makaramdam na ako ng hilo at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari pa dahil nawalan na ako ng malay.

Nagising na lang ako na nandito pa rin sa may kotse pero naka alis na ang seatbelt ko at isang nag aalala na mukha ni Agata ang aking namulatan.

May ipinapaamoy din ito sa akin na hindi kagandahan ang amoy. Kaya mabilis na inilayo ko yun sa akin. Akala ko pa naman ay yung panty na niya ang kanyang ipinapaamoy at aamuyin ko talaga yun at itatabi ko pa sa aking pag tulog. Pampatulog pa.

Tangina talaga Alex sa ganitong setwasyon mo ay ang kamanyakan mo pa rin ang pinapairal mo pero takot ka naman pala yan nga at nahimatay kapa dahil sa takot.

Wala sobrang weak mo naman palang nilalang. Paano ka magugustuhan niyang si Agata kung ganyan lang ay nahimatay kana. Hayst weak na nga manyakis pa.

"Ayos ka lang ba Alex?" Nag aalala na tanong sa akin ni Agata. Halos naka dukwangna ito ngayon sa akin at kulang na nga langay kumandong na siya.

Kaya naman ito na ma manyak na naman ako dahil na rin sa kagagawan niya. Oo siya ang may gawa. Makalapit ba naman ng ganyan. Sa tingin niya di ako naaakit sa ginagawa niya?

"Lumayo ka Ate Agata, medyo hindi ako makahinga ng g maayos e." Sagot ko naman  dito.

Mabilis naman na lumayo na ito sa akin. Pero mababakas mo pa rin sa kanyang mukha ang pag aalala nito.
.

Sige ma konsensya ka sa ginawa mo sa akin. Kasalanan mo ito kung bakit ako nahimatay e. Sa loob loob ko.

*Dahil likas na masipag ako kahit sobrang busy ng person ay nag update ako. Hopefully na makapag daily update na ako. Basta kaya at hindi ako abutin ng katamaran. Tsaka nanalo kc ang Lakers kaya nakapag update kahit pagud.*

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon