Alex
.Nakailang shot na ako ng alak ng biglang tumunog na lang ang phone ko. Tinignan ko naman yun kaagad at baka si Kourtney na ito at nandito na siya sa bar di pa lang niya ako nakikita.
Halos madurog ko naman ang phone ko ng makita ko na si Agata ang tumatawag. Ano na naman ang kailangan sa akin ng manluluko na ito?
Akala siguro niya ay magagago pa rin niya ako ngayon. Ang tanga ko na lang kung maniniwala pa ako sa lahat ng sa sabihin nito sa akin.
Mabilis na pinatay ko na ang tawag. Tangina lang kasi e. Bakit ba hindi pa niya ako tigilan? Ano pa ba ang kailangan niya sa akin? Hindi pa ba siya na kuntinto sa mga pananakit na ginagawa niya sa akin?
Ano pa ang gusto niyang mangyari? Ang mamatay na ako? Hindi pa ba sapat ang sakit na ibinigay niya sa akin at gusto pa niyang dagdagan ito? Lintik lang talaga.
Block ko na lang ang number nito. Hindi ko naman mapatay na lang basta ang phone at baka tumawag si Kourtney tapos di niya ako ma contact nakakahiya naman doon sa tao. Kahit na di ko sure kung pupunta ba siya dito.
Nang ma block ko na ito ay nag patuloy na lang ako sa pag inum ng alak. Ang sakit lang sa dibdib na matapos mong paasahin ng wagas ay ay wala din lang pala.
Gaguhan lang pala ang lahat. Kahit naman anong gawin kong isip ay wala akong maalala na ginawa kong hindi maganda dito.
Kung nakukulitan man siya sa akin siguro ay yung dahil sa mga pag hahabol ko sa kanya noon.
Pero diba nga at tumigil na ako. Hindi na nga ako nag paramdam pa sa kanya noon. As in iniiwasan ko na siya at ito ang panay lang ang lapit sa akin at yun na nga na nag tapat pa siya na mahal na mahal niya ako.
Kaya nga diba kinuha pa niya akong assistant nito sa company niya para daw hindi na ako makapam babae pa. Tapos ngayon ay ganyan. Lukuhan lang pala ang lahat.
Naiiling na ipinag patuloy ko na lang ang pag inum ko. Maya maya pa ay padami na ng padami ng mga tao dito sa bar.
Panay din ang lapit sa akin ng staff ko at tinatanong ako kung may kailangan pa ako. Sinabihan ko na lang tuloy ito na tatawagin ko na lang kung may kailangan pa ako.
Halos ayaw pa kasing umalis e. Ang dami na rin na costumer na nandito hindi na lang yung mga yun ang asikasuhin nila.
Maya lang ay tumunog muli ang phone ko at nakita ko na si Kourtney na yung tumatawag sa akin. Kaya naman mabilis na sinagot ko na ito.
Halos hindi pa kami magka rinigan na dalawa kaya naman tumayo na muna ako upang sunduin na lang ito sa labas. Nasa may parking na raw siya ng club e.
Pag labas ko ay nakita ko naman ito kaagad kaya nilapitan ko na siya. Baka kasi mainip pa ang isang ito at umuwe na lang.
Maganda na nga yung kahit paano ay may nakakausap ako e. Para naman ma divert sa iba ang isip ko at kahit pansamantala ay makalimutan ko si Agata. Lalo na ang pang gagago niya sa akin.
"Kanina kapa?" Tanong ko kaagad dito ng makalapit ako sa kanya.
Nagulat naman ito sa bigla kong pag salita dito. Kaya naman mabilis itong lumingon sa akin. Habang naka simangot at naka kunot pa ang noo.
"Pinatayan mo ako ng tawag kanina. Kainis ka Alex." Naka nguso na sabi nito.
Natawa naman ako dahil doon. Ang cute lang kasi tignan parang pwet lang ng pato ang nguso nito.
"Eh para sumunod kana kaagad dito. Tsaka ayaw ko na marami ka pang tanong sa akin kaya pinatay ko na lang kaagad ang call." Paliwanag ko naman sa kanya.
"Hayst kung Hindi ka lang malakas sa akin. Nunka na sundan kita dito. Pasalamat ka talaga Alex." Maldita na sagot naman niya.
Natawa na lang ako dahil doon. Tsaka hinila na ito papasok sa loob ng bar. Para makarami na kami ng inum nito.
Nang makarating na kami sa may table ay ipinag hila ko na siya kaagad ng upuan at saka ako naupo na rin .
Kunot noo naman na tinignan na naman niya ako. Nag tataka siguro ito at halos mapa ngalahati ko na yung alak na nasa table ngayon.
Ang tagal kasi niya dumating e. Alangan naman na titigan ko lang yung alak diba.
"As in ikaw lang mag isa ang uminom nyan??" Halos di makapaniwala na tanong nito sa akin.
Napapakamot na lang ako sa ulo na sumagot sa kanya. "Oo e. Alangan naman kasi na titigan ko lang yang alak. Syempre ininum ko. Bakit may nakita ka na na kasama ko dito maliban sa iyo?" Pabalang na sagot ko naman dito.
Mabilis naman na nasapak ako nito dahil sa pabalang na sagot ko sa kanya. Hayst bakit ba nakalimutan ko din na ang bilis din nga pala ng kamay nito na manakit.
"Ang ibig kong sabihin e bakit ang bilis mong uminom ng alak? Bakit may problema ka ba ha?" Tanong na nito sa akin. Sabay tingin ng may pag hihinala.
"Nag away ba kayo ng sugar mommy mo?" Tanong pa nito sa akin.
Oo nga pala nasabi ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Agata. Kaya naman alam na alam nito na pinapaiwasan siya sa akin ni Agata. Alam na alam din nito na malaki ang pagka selos dito ni Agata kaya naman kahit ayaw ko noon na iwasan ito ay ginawa ko na lang.
Mabuti na nga lang at kahit paano ay hindi nag tampo or nagalit sa akin itong si Kourtney. Nag uusap lang kami nito kaoag about sa negosyo. Diba nga ay magka sosyo kami nito sa negosyo.
Sila naman ang nag papatakbo nun e. Ako ay may shares lang sa kanila. Kaya di naman kailangan na always kami na mag usap nito.
Pero kasi friends ko na siya kaya naman todo ang explain ko sa kanya para lang di siya magalit sa akin
Nasabihan pa nga niya ako ng tanga at bobo. Kasi nga daw ay bakit susundin ko ang utos sa akin ni Agata e wala pa naman daw kami at isa pa ay may jowa daw ito kaya bakit kailangan na sundin ko ang utos nito.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romansasi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...