Alex
Nag usap naman na kami ni Kourtney about sa balak kong pag venture sa business na yun at di rin nag laon ay nag kasundo na kami nito.
Sya na rin lang daw ang mag dadala ng kontrata sa condo ko dahil alam naman daw nito na busy akong tao kaya siya na daw ang mag a adjust para sa akin.
Hindi ko naman maiwasan na mahiya dahil doon. Pero natuwa naman ako. Mas maganda na nga rin yun para naman matuloy yung bonding namin na kami lang dalawa nito at hindi pasali sali si Agata sa amin.
Sana nga lang ay di na ito mang gulo pa pag nasa condo ko na si Kourtney. Hindi naman nag tagal ay natapos na rin kami na kumain nito.
Maya lang ay humingi sa akin ng selfie itong si Kourtney at e post nga daw nito sa kanyang social media para naman daw makita ng Tito nito na talagang pumunta siya at naka usap niya ako.
Wala naman na pag dadalawang isip na pina unlakan ko ito at ako na rin naman ang kumuha ng picture namin na dalawa.
Maya lang ay di pa ito na kuntinto at lumapit pa talaga siya sa akin bago nag pa picture ulit at dahil masaya ako kasi nakapag close na naman ako ng deal na walang ka hirap hirap at isa pa ay si Kourtney naman ito ay pinag bigyan ko pa siya.
Total naman ay wala naman problema doon e. Sa part ko alam ko na walang magagalit sa akin. Ewan ko lang din dito kay Kourtney. Pero sabi naman niya ay single siya kaya walang problema naman diba.
Matapos ang selfie namin nito ay humiling ako na e tag din niya ako. Para naman masaya diba. Syempre masaya ako. Ang ganda kaya yung kasama ko sa picture.
Maya lang ay tumayo na kami nito. napag pasyahan na lang namin na mag mall na lang at manood na lang ng sine. Total naman ay pareho naman na kaming wala ng gagawin pa.
Inalalayan ko naman na itong tumayo at nag lakad na kami palabas ng restaurant na iyon. Nag convoy na lang kami nito at pareho naman kasi na dala namin ang aming mga kotse.
Nang makarating na kami sa Mall ay agad na nag park na ako ng aking kotse kasunod ko naman si Kourtney na tumabi sa may banda ko.
Mabilis na bumaba na ako ng kotse ko upang lapitan na ito at ipag bukas na siya ng kanyang pinto. Sabi ko nga ay isa akong taong napaka gentlewoman kaya ang mga ganitong bagay ay madalas na ginagawa ko lalo na sa babae.
Nag thank you naman siya pag baba pa lang niya ng kotse niya. Mabilis din na kumapit ito kaagad sa braso ko at okay lang naman yun sa akin.
Nang makapasok na kami sa loob ng mall ay agad na tumuloy sa may sinehan. Pina tayo ko naman na muna siya sa may gilid upang bumili na rin ng ticket at saka ng pagkain at maiinom na rin namin na dalawa.
Matapos kong makabili na ng ticket at pagkain ay nilapitan ko naman na ito kaagad."Tara na sa pila " pag aaya ko dito.
Agad naman na lumapit na siya sa akin at iniabot ko naman na kaagad sa kanya ang ticket upang siya na ang mag bigay doon sa guard.
Nasa loob na kami ng sinihan ng maramdaman ko na panay ang tunog ng phone ko.
Hindi ko na muna tinignan yun at nag hahanap pa lang naman kami ng maupuan ni Kourtney.
Nakakita naman kami sa may bandang taas kaya naman naupo na kami banda doon. Inilapag ko naman sa may banda niya yung drinks at ipina gitna ko yung popcorn na binili.
Alam ko naman busog pa kami at kagagaling lang namin nito kumain ng dinner pero kasi iba pa rin yungmay nginunguya ka habang nanonood.
Mabuti sana kung pwede kong e mukbang itong si Kourtney. hahaha
Natawa na lang ako sa naisip ko na yun."Panay ang tunog ng phone mo Alex. Tignan mo na kaya baka importante yan" sita sa akin ni Kourtney.
Doon pa lang ay naisip ko na uli na sagutin na nga kung sino man ang tumatawag na yun. Medyo nakakahiya na rin kasi at pinag titinginan na ako dito e. Hindi pa naman nag e start ang palabas kaya medyo maliwanag pa.
Nangunot naman ang noo ko ng makita ko kung sino ang tumatawag sa akin. Para pang nag da dalawang isip ako kung sa sagutin ko ba ang call ni Agata o Hindi na lang at patayin na lang yun.
Para pag nag ask sa akin kung bakit di ko sinasagot ang tawag niya ay pwede ko sabihin na na lobat kasi ako. Wala naman kasi akong maisip na dahilan pa kung bakit ito tumatawag e.
At dahil ayaw ko muna na ma stress ngayon ay pinatay ko na nga ito ng tuluyan. Para wala na rin tuloy isturbo sa amin ni Kourtney.
Nakakahiya na rin kasi dito na palagi na lang Hindi natutuloy angmga gusto namin gawin ng dahil sa akin. Kaya ayaw ko muna ngayon ng distraction.
Dapat mag chill lang muna ako at saka ko na haharapin itong si Agata kung ano ba talaga ang problema nito sa akin at bakit parang nagiging kontra bida na ito ngayon sa buhay ko.
Paano ako makakapag move on sa kanya ng ganyan kung sa lahat na lang ng gagawin ko ay gusto niya na alam niya at gusto niya na nandoon siya. Hayst bahala kana nga sa buhay mo. Isa ka malaking sakit ng ulo pati na rin ng puso.
"Sino yun?" Tanong kaagad sa akin ni Kourtney ng balingan ko ito ng tingin.
"Ah si Ate Agata, pinatay ko na lang at baka kung ano lang naman ang sa sabihin nito sa akin" baliwala na sagot ko naman dito.
Nakita ko naman na napangiti ito at itinuon na ang kanyang attention sa malaking screen at nag simula na nga ang palabas kaya naman nanood na rin lang ako at tuluyan na rin nawala sa isip ko ang tungkol kay Agata.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...