Alex
Parang gusto ko himatayin sa kilig dahil sa pang aangkin nito sa akin. Kaya naman napa kagat labi na lang ako upang supilin ang kilig na nararamdaman ko.
Bwisit bakit ba kasi ganito maka angkin itong si Agata? Shit lang kasi e. Feeling ko tuloy ay parang ito ang top sa aming dalawa. Pero hindi. Ako pa rin talaga ang top at bot lang siya.
Ngayon gusto ko na maramdaman din ang habulin ng isang Agata na maldita. Kailangan na mag pakipot din ako no. Gusto ko din maranasan yung pakiramdam na ipinag da damot nito.
"Basta hindi mo ako pwede angkinin habang hindi pa tayo. Kaya nasa iyo yan kung gaano mo katagal na e keep sayo yang jowa mo. Hanggang hindi ka single ay walang tayo at hindi mo din ako pwede na sabihan ng mga ganyang bagay." Sabi ko naman dito.
Napapangiti na lang ako ng lihim dahil sa pag babago ng expression ng mukha nito. Yung lalo lang itong nagagalit kapag ganyan na hindi niya makuha ang gusto niya.
Duh hindi ako basta basta no. Dapat pag hirapan din niya ako. Para naman alam nito ang kanyang pinag gagawa sa akin noon. Pero di ko naman siya papahirapan pa no. Kailangan lang na maging single siya para pumayag na ako na maging kami nito.
Gusto ko ang lahat ay nasa ayos at ayaw ko na matatawag ako na kabit. Para lang yun sa mga taong hindi kayang ma kuntinto sa isa at sa taong mahal walang pag papahalaga sa damdamin ng iba kaya nagagawa na kumabit.
"Ahhhh mahal mo naman ako ah. Bakit kailangan na hindi kita pwede pakialaman kung alam ko na baka makuha ka sa akin ng iba. Basta din pag sinabi ko na hindi pwede hindi at pag sinabi ko na akin ka. Akin kana talaga. Subukan mo lang mag landi at sinasabi ko sayo na kahit mahal kita masasapak talaga kita." Sagot naman nito sa akin.
Mahahalata mo din sa kanya ang sobrang inis sa akin kaya lang wala siyang magawa kung Hindi ang mapa sabunot na lang sa kanyang buhok.
Natatawa naman ako sa reaction nito ang cute lang tignan. Mukha na kasi itong bruha sa paningin ko. Hahaha syempre joke yun. Kahit anong itsura yata nito ay magiging maganda pa rin siya para sa akin. Oo na alam nyo naman kung gaano ko kamahal ang bruha na yan e.
"Aalis na ako at uuwe na lang sa condo ko. Baka kung ano pa ang mangyari sa atin dito." Nasabi ko na lang sa kanya.
Gusto ko na muna umuwe at sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga pinag gagawa nito sa akin. At balak ko na matulog na lang maghapon pero bibili na muna ako ng phone ko. Kasi naman wasak na wasak talaga yung phone ko na binalibag nito kanina.
"Dito ka lang sa office ko at hindi ka pwede umalis. Kilala kita Alex, alam ko na makikipag kita ka lang sa mga babae mo. Kaya hindi pwede, dito ka lang. Sabay na tayong umuwe may tatapusin lang ako. Umupo ka na lang dyan o kung di man ay tulungan mo na lang ako sa ginagawa ko." Utos naman nito sa akin.
Makapag sabi naman siya na mga babae ko e para naman isa akong babaera e. Ni wala nga akong ibang nilandi sa tanang buhay ko kung hindi siya lamang. Tapos wagas makapag bintang ang matandang ito.
Ano naman ang gagawin ko dito sa kanyang office? Mag titigan kami maghapon? Panoorin siya sa kanyang ginawa at mag imagine ng kung ano ano habang naka titig dito. Baka kung ano pa ang magawa ko dito kapag nag tagal pa ako dito sa office niya na kaming dalawa lang.
Baka ang pangarap ko na saka ito kunin kapag kasal na kami ay hindi ko na matupad pa at dito mismo baka sa table niyang yan ay isigaw nito ang pangalan ko ng walang tigil. Hayst ito na naman ako sa tinatakbo ng utak ko.
Kaya ayaw ko na nandito lang ito at nakikita ko siya kasi kung ano anong kahalayan ang aking naiisip sa kanya. Hayst mabuti sana kung kami na nito at kahit paano ay may license na ako na gawin sa kanya ang ganoong bagay.
Ang gusto ko lang naman ay nasa tama ang lahat at hindi yung ako ang nag mu mukhang may tama.
"Eh kailangan ko talagang umalis kasi dadaanan na rin tuloy ako sa mall at bibili ng phone. Tapos uuwe na ako. Wala na akong ibang dadaanan pa." Sagot ko naman dito.
"Mamaya na lang. Mag hintay ka dyan at tatapusin ko na muna itong ginagawa ko tsaka tayo pu punta sa mall upang bumili ng phone mo. Huwag ka ng makipag talo pa at hindi ako papayag na umalis ka dito sa office ko ng hindi ako kasama." Sabi nito sa seryoso na mukha.
Wala naman na akong nagawa pa kung hindi ang bumalik na lang sa couch at naupo na doon.
Ano pa nga ba ang magagawa ko kung ganito na ang kanyang sinabi. Mukhang wala na talaga akong kawala sa kanya ngayon. Hayst balak ko pa naman na ayain itong si Kourtney na samahan ako na bumili ng phone sa mall. Hayst kainis naman kasi si tanda e. Dinadaan na naman ako sa mga pananakot niyang hindi naman nakakatakot.
Hindi naman naka lusot sa mapanuri kong mata ang pag ngiti nito. Hahaha ngiting tagumpay na naman si tanda. Paano nakuha na naman nito ang kanyang gusto.
Bumalik na rin ito sa kanyang table at maya lang ay busy na ito sa kanyang ginagawa. Maya lang ay may kumatok at pumasok ang kanyang secretary na may dalang pizza at soft drinks.
Inilagay naman nito iyon sa may glass table sa harapan ko at ngumiti sa akin. At dahil mabait naman ako at hindi snob na tao ay nginitian ko din siya pabalik.
Alangan naman kasi an simangutan ko ito diba. Nakakahiya naman sa kanya.
Maya lang ay biglang may bagay na mukhang sinadya na ibinagsak at pag lingon ko ay isang nag babaga na naman na tingin ni tanda ang aking nalingunan na para bang galit na galit na naman siya.
"Lumabas kana doon Madonna at wala ka naman ng gagawin pa dito." Galit na utos nito sa secretary niya.
Nag mamadali naman na umalis na si Ate girl at mukhang natakot pa yata ni tanda.
*Sobrang busy na tlg ng ferson. #stressmuch*
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...