Alex
Baka ilang ring lang ay may sumagot na kaagad. "Hello Alex napatawag ka." Sagot ni Kourtney sa kabilang linya.
"Busy ka ngayon? Yayain sana kita na mag clubbing tayo. Paalis na ako dito sa bahay. Kita na lang tayo sa may Alexandria's ha." Sabi ko dito.
"Bakit anong nangyari sa iyo at bigla bigla na nag aaya ka ngayon na mag bar tayo? May problema ka ba?" Sunod sunod na tanong nito sa akin.
"Niyaya ka lang na mag bar tayo ang dami mo ng tanong. Bakit pag may problema lang ba saka ka mag ba bar? Hindi ba pwede na gusto ko lang na mag paka saya ngayon?" Sagot ko naman dito.
Hindi ko na hinintay pa na sumagot ito at pinatay ko na ang tawag. Bahala siya kung sumunod siya sa akin doon o hindi. Sa may bar ko na lang ako mag iinum. At least kapag doon ako mag papaka lasing ay alam ko na safe ako.
Tsaka di naman ako takot sa kung ano ang mangyayari sa akin ngayon. Mag iinum lang naman ako e. Bahala na kung ano mangyari mamaya. Basta mag papaka lasing ako. Gusto ko na pansamantala ay mawala muna kahit paano sa isip ko ang ginawang ito sa akin ni Agata. Lintik lang talaga. Pinag mukha akong tanga.
Kung alam ko lang na mangyari ang bagay na ito ay hinding hindi ako mag papa dala sa mga pinag gagawa niya sa akin nun.
Kaya sa bar ko na lang ako iinum. Kahit paano ay alam ko na hindi ako matatakot na malasing ng todo.
Alangan na basta na lang ako pabayaan ng mga staff ko doon. Kaya tama na doon na lang ako mag iinum.
Hindi ko iiyakan ang isang katulad ni Agata. Oo mag papaka lasing ako ngayon. Pero hanggang ngayon lang. Dahil hindi ang katulad nito ang dapat na ipag luksa. Wala siyang kwentang tao.
Sinayang lang nito ang pag ibig na handa kong ibigay sa kanya. Ang tunay na nararamdaman ko para dito. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi naman kami magka pareho ng tibok ng puso nito. Wala naman akong magagawa kong di niya talaga ako kayang mahalin.
Pero sana hindi na lang niya pinag laruan ang puso ko. Kung sana ay hinayaan na lang niya ako na makapag move on na lang sa kanya. .
Hindi yung ganito ang kanyang ginawa sa akin. Alam ko na wala naman akong ginawa na hindi maganda dito para ganituhin niya ako ang feelings ko sa kanya.
Pinag laruan lang niya ang pag mamahal ko na inaalay ko sa kanya. Sa lahat ng ginawa nito na pananakit sa akin ay ito ang masasabi ko na hindi ko na kaya pa.
Hindi ko na kaya pa na mag paka tanga pa sa kanya at mas ilubog lalo ang aking sarili dito. Tama na ang pag papaka tanga ko sa kanya. Dahil ang lahat ay may katapusan. Ang lahat ay may hangganan.
Kahit gaano mo pala kamahal ang isang tao kapag umabot na sa sukdulan ang sakit na nararamdaman mo ay namamanhid na lang ang puso mo at wala ka ng mararamdaman pa.
Kailangan lang pala na masaktan ng sobra ang tao para magising ito sa katutuhanan na wala talaga. Na hindi pwede talaga ipilit ang isang bagay na hindi para sa iyo.
Hindi na ako ngayon maniniwala sa mga kasabihan na yan na kung may tyaga ay may mapapala. Oo nga naman may napala ako dito. Ito ang napala ko ang gaguhin ng nito. Ang gaguhin ng isang katulad nito.
Sa ngayon ay napaka liit na lang ang tingin ko sa kanya. Parang isang walang kwentang tao na lang ang tingin ko dito. Wala na akong pakialam kung sakali na mag kita kami nito ay hindi ko na lang siguro ito pa pansinin.
Mas maganda na hindi ko ito iwasan upang makita nito na kahit ganito ang ginawa niya sa akin ay parang wala lang sa akin ang lahat. Na para bang wala lang siya sa akin.
Makita kung sino ang mas affected sa amin na dalawa. Sure naman ako na maiinis ito sa akin kapag nakita niya na parang wala lang ang nangyari.
Siguro ay tuwang tuwa ito ngayon na misirable ang kalagayan ko ngayon. Baka nga nag di diwang na ang dalawa na ito e.
Sure ko na magkasama ngayon ang dalawang yun at pinag uusapan na nila ang plano nila sa kanilang weeding. Nakaka gago lang talaga ang nangyayari na ito. Putanginang buhay ito.
Nang matapos na makausap ko si Kourtney ay kinuha ko lang ang susi ng kotse ko at saka ibinulsa ang phone ko at lumabas na ng unit ko.
Hindi na ako nag dala pa ng card ko. Total sa bar ko naman ako pu punta e.
Maya lang ay naka sakay na ako ng kotse ko at medyo mabilis na ang patakbo ko nito. Gusto ko lang na maka alis na kaagad sa lugar na ito pansamantala. Dahil ayaw ko muna maisip si Agata ang walang kwentang tao na yun.
Sana lang ay masaya siya sa kanyang ginawang pan luluko sa akin. Siguro ngayon ay pinag tatawanan na ako nito. Paano alam nito na nanonood ako ngayon ng laban ng kanyang jowa kaya alam din nito na napanood ko ang wedding proposal sa kanya ng boyfriend niya.
Baka nga pinag uusapan na nila akong dalawa ng jowa niya e. Alangan naman na walang ka alam alam sa bagay na ito si Jake? Hayst bahala na sila sa buhay nila. Basta huwag na huwag na lang nila akong gu guluhin pa.
Hanggang sa makarating na ako ng bar at mabilis na akong bumaba pagka park ko ng kotse sa naka alot na parking space ko dito.
Agad naman na sinalubong ako ng bartender ng makita ako na papasok na sa loob nito. Medyo kunti pa lang ang tao sa ngayon kaya naman naka hanap ako ng medyo secluded na table.
Nag pwesto na ako kaagad doon. Mabilis naman na binati ako ng nga staff ko dito at agad na kinuha ang aking order.
Nag order lang ako ng pulutan at saka ng alak. Agad naman na dinala na ang order ko.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romansasi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...