Agata
Matapos kong talakan si Alex ay tumalikod na ako dito.
Kung maaari lang sana ay ayaw ko na saktan ito. Pero kasi naman sobrang kulit nito.
Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa nito at paano niya nalaman ang passcode ko dito sa condo unit ko. Ilang beses ko na rin na pinalitan yun pero nalalaman pa rin niya at magugulat na lang ako na nandito na siya sa loob ng unit ko at kung ano ano na angmga pinaggagawa nito.
Oo at may mabuti din naman kasi na na e du dulot ang pagiging makulit nito at ang pag pasok nito ng walang paalam sa unit ko yun nga ang nag lilinis ito at nag luluto na rin.
Namamalayan ko na nga lang na pag gising ko ay may naluto na at mapinis na ang magulo kong condo.
Pero ayaw ko kasi talaga ang ginagawa niya. At hindi ko din naman ito mapigilan dahil kahit anong gawin ko ay ang kulit niya talaga. Kaya hinahayaan ko na lang ito. Pero kung minsan nakakahiya din ng sobra.
Pagdating ko sa room ko ay humiga akong muli. Hayst nakaka stress ka talaga Alex kahit kailan.
Kinuha ko muna ang aking phone baka kasi may message na sa akin eh. Lalo pa nga at ilang linggo na wala ako dito sa Philippines at tru sa phone ko lang na che check ang mga ginagawa ng mga tao ko sa negosyo ko.
Yap may mga negosyo ako at libangan ko lang naman talaga ang makipag basagan ng mukha. Hindi ko alam kung bakit parang ang sarap kasi sa feeling yun bang maliban sa pag papatakbo ng negosyo ay may iba pa akong talent. Hahaha.
Pero syempre sa hilig ko na ito ay hindi maiwasan ang magka pasa pasa ang aking mukha at katawan. Mabuti na nga lang at kahit paano ay hindi ako na pupuruhan kapag may mga laban ako.
At syempre din hindi rin maiwasan as ng matalo ako paminsan minsan. Kasama sa buhay as ng pagkatalo.
Paano ka matututo kung ayaw mong matalo?
As of now wala naman naging problem sa mga negosyo ko. Kahit naman may laban ako na ganyan ay naka tutok pa rin naman ako. Mas mahalaga pa rin naman ang mga business ko kaysa sa pakikipag basagan ko ng mukha eh.
Mas marami akong natutulungan sa business ko. Kaysa dito kaya mas priority ko pa rin naman ito.
Maya lang ay bigla akong napa ngiti dahil may nag chat sa akin at walang iba kung hindi si Jack ang aking crush na katulad ko rin na isang MMA Fighter.
Sa wakas ay napansin na rin ako nito. Nag sabay kasi ang laban namin eh. Mas nauna lang ako bago siya ang sumunod na lumaban. Sila kasi ang main event eh.
At syempre nanalo din ito na katulad ko. Tapos yun nag sabay ang grupo namin at grupo nila na mag celebrate sa iisang bar lang at doon nga ay nagka kilala kami nito.
Nagka hingian ng FB account at number na rin. Pero ngayon lang ito nag lakas ng loob na mag chat sa akin. Kaya naman kinikilig ako.
Sino ba naman ang hindi kikiligin diba? Yung crush mo nag chat sayo at na ngangamusta. Hehehe
Nag hintay muna ako ng ilang minuto bago ako nag reply dito. Para naman hindi halata na masyado akong atat na mag reply sa kanya. Kahit na kating kati na ang kamay ko na replayan ito.
Dalagang Pilipina pa rin ako no. Hahaha.
"Okay lang naman ako Jack. Ito medyo masakit pa rin ang katawan ko kahit na uminom na ako ng pain reliever." Nangingiti na reply ko dito.
Sabay ngiti ng malaki at nailagay na lang ang aking phone sa may dibdib ko habang nag hi hintay ng reply nito.
Kung ti tignan ay para akong tanga sa ayos ko na ito. Parang isang teenager lang ang peg ko ngayon
Bakit ba eh si Jack na ito eh. Ang ultimate crush ko. Na ngayon nga ay pinapansin na ako at take note ha siya unang nag message sa akin. Ang nag paramdam.
Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko. Pero habang naka pikit ako ay biglang pumasok na lang sa utak ko si Alex at naka ngiti sa akin ng malaki.
Bigla tuloy ako napa simangot dahil doon. Pati ba naman sa oag day dream ko sa aking crush ay kailangan na singitan pa ng Alex na ito? Bigla tuloy ako nainis at parang nawalan ng gana na.
Kainis ka talaga Alex kahit kailan. Panira ka talaga ng moment eh.
Maya lang ay tumunog muli ang aking phone. Kaya mabilis ko itong dinampot ulit. Alam ko naman na si Jack itong nag chat eh. At tama nga ang hinala ko dahil nag reply na nga ito.
"Mabuti naman at uminom kana ng gamot. Sayang gusto ko pa sana na ayain ka pasyal tayo. Kaya lang masakit pa rin katawan mo eh. Maybe next time siguro. Sana naman ay mapag bigyan mo ako." Reply naman nito sa akin.
Hindi ko naman maiwasan na hindi mapa sigaw dahil sa nabasa ko na reply nito sa akin.
My god tama ba ang nabasa ko na niyaya ako nito na lumabas kami? Hayst sayang bakit kasi sinabi ko pa dito na masakit ang katawan ko e di sana ay ngayon sana na kami lalabas kaagad.
Hayst minsan nagiging bobo din ako eh. Sayang yung chance kasi an dapat ngayon na kami lalabas hayst pero hindi bali at next time naman daw eh.
Hopeful pa nga ito na sana ay pumayag ako eh. Bakit naman hindi ako papayag eh si Jack na itong nagaaya sa akin. Ang ultimate crush ko.
Hindi naman yan si Alex na wala yatang lumipas na araw na Hindi ako inaya na mag date daw kaming dalawa. As if naman na gusto ko sumama sa kanya na lumabas.
Kung friendly date lang sana ang gagawin namin ay bakit ang hindi. Total naman ay parang kapatid ko na rin naman ito. Pero kainis lang kasi punong puno ng malisya ito eh.
Kanina nga lang alam ko at ramdam na ramdam ko na mina manyak na ako nito habang yakap yakap ako eh. Nagulat lang kasi ako at bigla niya akong niyakap kaya hindi ako naka react kaagad. Tuloy tuwang tuwa ang luko at naka chansing na naman sa akin.
Bakit ba iniisip ko na naman ang batang yun? Imbis na siya ang isipin ko ay kailangan na replayan ko na si Jack. Baka mamaya ay manawa ito kaagad sa akin kapag matagal ako mag reply.
"Sure. Why not naman diba? Eh magkaibigan naman na tayo. Kaya wala naman dahilan para hindi ako sumama sayo na lumabas." Reply ko dito.
Friend my ass. Hahaha syempre ganun lang naman sa umpisa. Alangan naman sabihin ko sa kanya na sure bakit naman ang hindi ako papayag na lumabas tayo eh matagal ko ng pangarap to no. Kung pwede nga lang ay ngayon na eh. Alangan na ganun ang sabihin ko dito? Di mas nakakahiya naman diba.
Mamaya ma turn off pa ito sa akin. Imbis na naka first base na nawala na naman. Hindi pwede yun.
Maya lang ay bigla na lang bumukas ang room ko at humahangos na pumasok doon si Alex na nag aalala ang mukha nito ngayon.
"Anong nangyari at sumisigaw ka dyan?" Nag aalala na tanong nito sa akin.Sinamaan ko naman siya ng tingin Bastos talaga ito. Basta basta na lang pumapasok sa kwarto ko ng hindi man lang kumakatok. Paano na lang kung nag bi bihis pala ako eh di nanigas na naman siya dyan at luwa na naman ang kanyang mga mata at nag e star pa kasi nakita na nito ang naked body ko.
No way sa mapapangasawa ko lang ipapakita ko ang hubad kong katawan no at si Jack yun. Hindi sa Alex na ito na may gatas pa sa labi.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...