Alex
Maya lang ay mabilis ko ng pinutol ang pag halik ko dito. Kahit na gustong gusto ko na halikan ito ay hindi naman ako mapag samantala na tao.
Nakita ko pa itong naka pikit pa rin. Mukhang gustong gusto niya ang pag halik ko sa kanya e. Pero hindi pwede ang ganito hindi ako papayag na maging kabit lang niya ako.
Kaya dapat bago ako gumawa ng su sunod na hakbang ay single na ito. Dahil ayaw ko maka sakit ng iba. Ayaw ko manulot kahit na sabihin pa na mahal ako nito or may gusto siya sa akin. Ayaw ko na makarma no.
Maya lang ay mukhang tapos na ito sa kanyang pag da day dream at nag mulat na ito ng kanyang mata.
Nalito pa ito nung una pero ng maisip yata nito ang nangyari ay mabilis na namula ito. Yeah I know na nahihiya na yan ngayon sa akin.
"Bakit mo ako hinalikan ha Alex!!?" Kunwari ay galit na tanong nito sa akin.
"Para tumigil ka. Panay ka kasi putak ng putak e. Alam mo yun nakaka ubos na kasi ng pasensya e." Baliwala na sagot ko naman sa kanya.
Maya lang ay mabilis na kinorner ko ito sa may pader at agad kong itinaas ang kanang kamay ko upang hindi siya maka takas sa akin.
May mga gusto kasi ako na ma sure dito e. At hindi ako papayag na hindi niya sagutin ang lahat ng tanong ko sa kanya.
"Ano ba Alex, umalis ka nga dyan. At hindi ako makadaan." Pag uutos pa niya.
Pero pinanliitan ko lang siya ng mata. Duh hindi na niya ako matatakot pa sa mga pa sigaw niyang ganyan ha. Top ako at dapat na panindigan ko ang bagay na yun.
Dahil kung hahayaan ko lang siya na ganituhin ako ay sa tingin ko walang pupuntahan kung anuman ang pwede na maging mayroon sa aming dalawa nito.
"Pakakawalan kita kung sa sagutin mo ang lahat ng tanong ko sa iyo Agata. Ayaw ko ng manghula pa ng kung ano ano. Kaya dapat ngayon pa lang ay malaman ko na ang lahat ng kailangan kong malaman." Seryoso na sagot ko dito.
"Ako nga ay huwag mong pinag luluko ng ganyan Alex. Baka hindi mo kilala kung sino ang pinag sa sabihan mo ng ganyan. Kaya habang hindi pa umiinit ang ulo ko ay pwede bang umalis kana dyan ha." Mataray naman na sagot nito sa akin. At ito na naman po siya sa kanyang mga pananakot na ganyan.
Pero hindi ko pinansin ang mga pananakot niyang ito. Di kung saktan niya ako nasa kanya naman na yun e. Basta ang gusto ko lang ay mag ka alaman na kami ngayong dalawa.
"Mahal mo ba ako o hindi?" Seryoso na tanong ko dito.
Potcha pag sinabi niyang Hindi niya ako mahal ay tuluyan na akong lalayo sa kanya. Baka ibinta ko na rin ang aking condo ng tuluyan ko na siyang hindi makita pa.
Nakita ko na mabilis na natigilan ito sa biglaan kong tanong sa kanya na yun na walang paligoy ligoy pa.
"Ano ba naman yan Alex. Kailangan mo pa talaga na e corner ako dito para sa tanong mo lang na yan. At alam na alam mo naman na ang sagot dyan diba." Hindi maka tingin na masungit na sagot nito sa akin.
"Sasabihin mo lang naman ay oo o hindi e. Kung hindi mo talaga ako mahal ay tuluyan na akong mawawala sa iyo. Hinding hindi na rin ako mag papakita pa sa iyo kahit kailan at baka mag simula ko na rin na ligawan si Kourtney." Sabi ko dito habang naka tingin ng diritso sa kanyang mukha.
Gusto ko lang e trigger ito na gusto kong ligawan si Kourtney para naman malaman nito na hindi ako mag hi hintay sa kanya ng ganyan at seryoso ako doon sa part na kahit kailan ay hindi na makikipag kita pa dito.
Hindi ko naman gagawin na ligawan yung tao para lang maka move on kasi hindi naman ako ganoong klase ng tao no.
"Ako ba ay tinatakot mo ha Alex??" Masungit na sagot pa niya sa akin.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko at ng matapos na ito." Seryoso na sagot ko sa kanya.
Nakita ko na biglang natigilan itong muli at parang hindi na maka tingin pa sa akin ng diritso. Naka ilang kagat na rin ito sa kanyang labi pero hindi ko pa rin siya pinapakawalan.
Maya lang ay bumuntong hininga na ito. At napipilitan na sumagot na siya sa akin. " Hindi kita gusto Alex " sabi niya sa akin.
Dahil sa narinig ko na yun ay mabilis na humakbang ako pa atras upang maka layo na sa kanya.
Buo na ang desisyon ko na tuluyan ng layuan ito for good. Napangiti pa ako ng mapait dito saka tuluyan na siyang tinalikuran.
Aalis na ako. Total wala naman pala siyang gusto sa akin e. Ang kapal pa ng mukha ko na mag assume na may gusto siya sa akin yun naman pala ay wala. Napaka laki ko talagang tanga para umasa na mamahalin din ako nito at same lang ang nararamdaman namin para sa isat isa.
Alam mo yung parang gusto mong sumigaw pero hindi mo magawa. Sobrang sakit lang sa dibdib. Kahit na alam ko na may jowa na siya as in umasa ako. Oo sobrang umasa ako na baka sakali ay nabaling na rin sa wakas ang pag tingin niya sa akin. Pero wala pa rin talaga
Siguro nga ay hindi talaga ito ang para sa akin. Pangako kakalimutan na kita ng tuluyan. Nasabi ko na lang sa aking sarili at nag mamadali ng tumalikod dito upang lumabas na ng building nito
Ano pa ba ang gagawin ko dito e wala na. Para saan pa na manatili ako na palagi na naka buntot sa kanya. Mas lalo lang ako masasaktan kapag ganun. Kaya tama na Alex masyado ka ng kuta sa katangahan mo.
Napag sabihan kana ngang bot ka daw kasi sa ganyan na ugali mo na matatakutin at understanding kaya please itaas mo ang bandera ng mga top. Pag ayaw sa atin huwag ng ipilit pa. Dami pang iba dyn na mas deserving sa ating pagmamahal.
Nakailang hakbang pa lang ako ng may bigla na lang na mga braso na pumulupot sa bewang ko at niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...