Agata
Nandito ako ngayon sa party at kausap ang mga investors na maaring mag invest sa aking company.
Hindi ko kasama si Jack sa party kasi busy ito sa pag e insayo may laban kasi ito next month kaya puspusan na ang pag insayo nya ngayon.
Okay lang naman sa akin kasi alam ko naman n0a hindi mahilig sa ganitong party yun at baka ma out of place lang siya. Kaya hindi ko na rin lang ito pinilit pa.
Tutok ako sa pakikipag usap sa mga ito ng may bigla na lang mahagip ang aking mga mata na ikina tigil ko talaga at sinundan na lang ito ng tingin hanggang sa ma upo ito sa may table medyo malayo sa kinauupuan ko ngayon.
Anong ginagawa niya dito? Representative ba siya ng kanyang mga magulang? Pero exclusively lang kasi talaga ito sa mga kilalang businesswoman/woman ng Asia eh.
Baka ka date kaya ito ng isang kilalang tao din? Pero sa isipan ko ay biglang napa kuyom ang aking kamay.
Hindi kayang e process ng utak ko na baka nga maaari ang ganun. Hindi pwede dahil akin lang si Alex. Shit ano ba ang naiisip ko na ito.
Nakatutok lang ang attention ko dito at hindi ko na alam ang mga pinag sasabi ng mga kaharap ko.
Kita ko na mag isa lang ito doon sa table at alam ko din na any minute ay may lalapit na dito para mag pakilala sa kanya na hindi ko papayagan na mangyari ang bagay na yun.
Maya lang ay humingi ito ng alak sa waiter na umiikot. Kailan pa ito natuto na uminom? Sa isip isip ko. Habang pinapanood ito kung paano parang sanay na sanay sa pag inom ng alak.
Kita ko din na tumayo na ito at mukhang pupunta yata sa cr kaya nag hintay na lang ako na bumalik ito. Mabuti na nga lang at hanggang ngayon ay hindi pa rin nag lalakas ng loob na may lumapit dito eh.
Kahit naman kitang kita ko kung paano ito hagudin ng tingin ng mga kalalakihan at maging ng ibang kababaiham dito.
Aaminin ko na malakas talaga ang sex appeal ng batang ito kaya nga nag tataka ako sa kanya kung bakit sa akin ito nag kagusto.
Kaya nga palagi ko sinasabi dito na infatuation lang ang nararamdaman niya sa akin. Kasi naman 16 palang ito ng mag simulang man ligaw sa akin. Sino naman kasi na nasa matinong pag iisip na maniniwala sa mga oinag sasabi nito.
Tuloy kung minsan nasasabihan ko ito ng masasakit na salita dahil sa kakulitan din naman kasi nito.
Nangunot naman ang noo ko at tumalim ang tingin ko dito ng makita ko na hindi na ito mag isang nag lalakad pabalik ng table nito.
May kasama na itong isang babaeng parang tuko kung maka kapit dito. Tangina sino ang babaeng yan at kasama na ngayon ni Alex?
Nakangiti na umupo pa ang mga ito at ang nakaka bwisit pa ay inalalayan pa ang babaeng tuko na ito na umupo.
Mas lalo lang na dumilim ang awra ko dahil sa nasasaksihan ko ngayon na pag lalandian ng dalawang ito.
Tangina lang talaga. Akala ko ba ay ako ang mahal ng Alex na ito? Eh ano itong nakikita ko na pakikipag landian nito dito?
Shit lang talaga hindi pwede ito. Dapat walang ibang pag tutuunan ng pansin si Alex kung hindi ako lang. Hindi ako maka papayag na basta na lang makukuha ng tuko na ito si Alex ko.
Kaya naman mabilis na akong tumayo mula sa table na kina uupuan ko at nag paalam saglit sa mga tanders na kausap ko.
Hindi ko na nga alam kung ano na ang pinag uusapan ng mga ito eh. Mas may mahalaga ako na kailangan na ma e layo sa babaeng tuko na ito.
Yang mga investors naman na yan ay nandyan lang. Pero mas mahalaga ang gagawin ko. Kaya wala akong paki sa mga tanders na ito.
Lost din naman nila yan kung hindi sila mag e invest sa company ko no. Hindi ko kailangan na mag makaawa sa kanila.
Nakita ko pa na umikot ang paningin ni Alex at mukhang naramdaman yata nito na may kanina pa masamang nakatitig sa kanya.
Nag mamadali na pumunta na ako sa table ng mga ito. At baka kung ano pa ang mangyari pag hindi pa ako pumunta sa kanila.
Pagkarating ko sa table ng mga ito ay sinabi ko " pwede na maki share ng rable? Wala na kasing bakante eh." Paalam ko sa mga ito pero kay Alex lang ako naka tingin ngayon ng masama.
Kapal ng mukha nito na mangharot ha. Sa harap ko pa talaga siya mang gaganyan. Tangina niya.
Kita ko naman na inikutan ako ng mata ng tuko na ito. Kung wala lang dito si Alex ay baka kanina pa ito nanghiram ng mukha sa unggoy.
Oo isa syang dakilang unggoy at may lahing tuko. Animal na yan. Si Alex pa talaga ang gustong landiin nito?? Mabuti kung payagan ko na mangyari ang bagay na yun.
Saan sya naka kuha ng swerte nya? Baka sapakin ko siya at ng matauhan na hindi na available ang nilalandi niya.
Kita ko na parang Hindi naniwala si Alex sa sinabi kong wala ng bakante na mauupuan. Dahil totoo naman na ang daming vacant pa.
Paki ba niya kung gusto ko na dito umupo. May angal sya dyan. Pag di ko siya na tantya kanina ko pa ito sinapak. Malamang na bukas pa ang gising nyan.
Tama lang sa kanya yan na ang kapal na mang landi sa mismong harapan ko pa talaga ha. Kainis!!
Maya lang ay narinig ko na biglang tinanong itong tuko na ito si Alex ko.
"Alex single kapa?" Makapal ang mukha na tanong nito kay Alex.
At ang gaga naman ay sinagot ito kaagad na biglang nag painit ng ulo ko.
"Yap. Very much single ako. Bakit may ma e reto kaba dyan?" Proud pa na sagot nito kay tuko.
"Bakit naman kailangan na e reto pa eh di ako na lang manliligaw." Mabilis naman na sagot ng talandi na ito.
Bigla na lang ay parang gusto ko may mapag lamayan dito ngayon din. As in ngayon talaga.
Bago pa maka sagot itong si Alex ay mabilis na sumagot na ako.
"May fiance na yan si Alex kaya off limits na yan." Mabilis na sagot ko sabay tingin ng masama dito sa isa na mukhang hindi yata inaasahan ang sinabi ko dito sa talandi na ito.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...