Chapter 31

1.9K 89 6
                                    

Alex

Matapos kong makuha ang order nila Agata ay agad ko na iyong ibinigay sa isang crew dito. Babalik na lang ako sa office ko at ayaw ko makita ang pag la lambingan ng mag jowa na ito.

Sa dami naman kasi ng coffee shop dito sa Manila ay bakit dito pa sa shop ko nila napili na mag coffee. Sana nag Starbucks na lang sila o di naman kaya ay sa condo na lang sila nag kape. Kainis agang aga nasira na naman ang araw ko.

Bumalik na ako sa office ko at pansamantala ay dito na muna ako ta tambay. hanggang sa maka alis ang mga ito.

Nag ba basa na ako ng report at mga files na binigay sa akin ng secretary ko ng bigla may kumatok at pumasok doon ang manager ko dito na si Ms. Melissa.

Kunot noo na binalingan ko naman ito ng tingin ko. " Medyo nag a alangan pa ito na mag salita kaya tinanong na ito kaagad.

"Ano yun Ms. Melissa? May kailangan ka ba?" Tanong ko dito.

"Eh kasi Ma'am Alex, yung costumer po kanina na kinuha nyo yung order ay ayaw tanggapin hanggang hindi daw kayo ang nag se serve nun sa kanila. Kanina ko pa nga pinaliwanag na nasa office kana po at hindi mo talaga trabaho ang mag serve pero mapilit po talaga Ma'am e. Medyo nakakatawag na rin po kasi ng pansin yung babae." Nahihiya na sabi nito sa akin.

Hayst akala ko pa naman ay makaka lusot na ako dito kay Agata pero kainis naman o. Bakit kailangan na ako pa ang mag serve nun sa kanila. Ano ba ang pinagkaiba ng ako ang mag serve at ang mga tao ko dito.

Pero dahil si Agata nga ito ay wala akong magagawa kung hindi ang gawin na lang ang gusto nito para wala ng gulo. Knowing Agata ay hindi talaga mapakiusapan yan kapag ginusto niya ang isang bagay.

Kaya naman sinabi ko na lang kay Ms. Melissa na su sunod na ako. kaya naman naka ngiti na itong lumabas ng office ko.

Nag ayos na rin naman muna ako ng aking sarili at saka lumabas na at baka umusok na ang bunbunan nitong si Agata sa galit.

Ewan ko ba sa matanda nayun at wala yatang araw na hindi yun galit sa akin. Oo alam ko na matagal ng inis sa akin yun dati pa pero mas lumala na nga lang ngayon.

Dapat nga sana ay mabawasan na ang inis niya sa akin kasi nga ay hindi na ako yung katulad ng dati na nag ha habol pa rin sa kanya.

Umiiwas na nga ako dito pero parang siya naman yata ngayon ang Panay ang lapit sa akin. Pansin ko lang ha. Hayst ayaw ko mag assume na naman at alam ko din lang na mapapahiya lang ako dito.

Nang ma sure ko na okay na ako ay lumabas na rin naman ako ngaking office at dumiritso na sa counter upang idala na ang order ng mga ito.

"Here's your order na po Ma'am." Naka ngiti na sabi ko dito sabay lapag na ng in order nila sa table.

Masama pa rin na naka tingin ito sa akin ngayon. hayst dinala ko na nga ang order nila e ang sama pa rin ng tingin. Tusukin ko kaya ang mata nito.

"Bakit hindi ikaw ang nag hatid sa amin nyan kanina ha? At kailan kapa naging crew sa coffee shop na ito?" Mainit kaagad na tanong nito sa akin.

Gusto ko sana matawa dito na hanggang ngayon ay ang alam nito ay crew ako dito sa shop na ito.

So hindi pala siya naniniwala sa akon nung sinabi ko sa kanya na kayang kaya ko na siyang buhayin kahit Hindi na siya mag trabaho pa at hindi ko na rin kailangan pa ang pera ng magulang ko kasi kung ang pera ko nga lang na kinikita at sobra sobra na sa akin maging hanggang sa ka apo apohan ko pa. Kahit hindi na ako mag trabaho pa. ..

Pero hinayaan ko na lang siya sa akala niya na yan. Bahala siya kung hindi siya naniwala noon. Ang mahalaga ay sinabi ko ito noon sa kanya.

"Pang dagdag allowance lang po Ate Agata." Sagot ko nalang sa kanya.

Bigla naman na tumaas ang kilay nito dahil sa sinagot ko sa kanya.

"Ar bakit naman kailangan mo ng pang dagdag allowance mo ha? Bakit kinukulang ba binibigay sayo ng parents mo na allowance mo? Eh akala ko ba ay may negosyo ka at kaya ka nga diba palagi busy ay dahil sa negosyo mo na yan? Ano yan Monkey Business?" Sunod sunod na tanong nito sa akin at tinawag pa talaga na monkey business ang mga negosyo ko.

Kung tutuusin baka mas mayaman pa aio dito kay Agata at mas malakas pang kumita ang mga negosyo na hawak ko kumpara sa kanya tapos tatawagin lang niyang ganun ang mga negosyo ko????

"Hindi naman po Ate Agata. Gusto ko din po kasi na ma experience ang ganito kaya nag work po ako dito. Yap may business naman po ako. At kumikita naman po sila." Sagot ko naman sa kanya.

"Kung gusto mo lang pala ay ang experience ay sa company ko na lang ikaw mag trabaho. Kukunin kitang personal assistant ko. Pag out mo sa school ay sa company ko na ikaw dumiritso kung yanf experience din lang pala ang gusto mo." Mabilis na alon naman nito sa akin ng trabaho.

Hindi naman ako makapaniwala sa suggestions nito sa akin na sa kanya na lang daw ako mag work. Gusto pa akong gawing personal assistant niya. Eh di palagi ko na siyang kasama kapag ganun. Hindi pwede yun no. Tapos palagi ko din na makikita sila ng jowa niya na katulad na lang ng ganito.

Ano ang gusto nitong mangyari sa akin? Paano ako makakapag move on kung ganyan na gusto niya ay always lang ako sa kanyang tabi kaya hindi pwede.

Kung sana ay wala pa siyang boyfriend baka halos mag tatalon at mag si sigaw pa ako dito dahil sa tuwa pero ngayon ay hindi na pwede. Kaya nga ako lumalayo dito para maka move on na ako e.

"Hindi na po Ate Agata. Okay na po ako dito. Tsaka madami din kasi akong nakakasalamuha na magagandang babae dito kaya dito na lang po ako." Naka ngiti na sagot ko dito.

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko pang madami akong nakakasalamuha na magagandang chix dito. Ah basta yun na lang bigla lumabas sa bibig ko eh.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon