Alex
Mas lalo naman na kinabahan ako dahil sa nakikita kong madilim na awra nito. Shit ka kasi Alex eh. Bakit naman kasi ganun pa ang sinabi mo sa kanya. Natural na magagalit talaga yan sayo. Tanga lang ang peg ha?
Pwede naman kasi na baliwalain ko na lang sana ang mga binibintang at pinag sasabi nito sa akin dahil alam ko naman na walang katuturan ang mga yun at hindi totoo. Puro hinala lang ito eh.
Pero dahil nga sa nag init na ang ulo oo kanina ay napatulan ko na siya kaya ito ako ngayon natatakot sa maaari nitong gawin sa akin. Hindi pa naman ako yung klase ng tao na makikipag away lalo na sa babae. I respect them kasi eh.
"At saan ka pupunta sa tingin mo ha? Hindi pa tayo tapos. Matapos mo akong sabihan ng mga ganyan ay tatakas ka na lang bigla!!! Hindi pa ako tapos sayo kaya wag kang bastos!!!" Sigaw nito sa akin na mas lalo lang ikina dilim ng itsura nito.
Patay na mukhang galit na galit na ang Ms. Sungit na ito. Pero kainis parang mas nagiging hot siya sa itsura niyang yan.
Hayst tigil tigilan mo na yang ka manyakan mo Alex at napapahamak ka dahil dyan. Tapos mag ga ganyan ka na naman sa harapan pa ng isang turong galit na galit.
Mabilis na niyakap ko naman ito. Wala na akong ibang maisip pa na pam pakalma dito eh. Baka bigla na lang ito mag wala.
Nagulat yata sa ginawa ko kaya naman natigil ito sa kanyang pag bubusa. Na sinamantala ko naman. Itinabi ko na lang ang mga nagkalat na bibilhin ko sana pati na rin ngmga dala nito na nahulog sa gilid at nag mamadali ng umalis sa shop na yun.
Halos takbuhin ko naman na ang daan palabas ng Mall upang maka labas na kaagad sa mall na ito at ng maka uwe na Ako sa condo ko.
Mas maganda na mag stay na lang ako doon at least wala akong nagagawang masama sa kapwa ko. Mukhang hindi kasi maganda ang araw na ito sa akin ngayon eh.
Nang maka labas naman na ako ng Mall at maka sakay na sa aking kotse ay doon pa lang ako naka hinga ng maluwag.
Grabi ang kaba ko talaga dahil sa babaeng yun. My god ano ang nakain ko at niyakap ko na lang sya basta? Hayst Alex kaya ka nasasabihan ng manyak dahil na rin sa mga pinag gagawa mo eh.
Sana lang ay hindi naman na mag cross pa ang landas namin nito. Dahil sure ako na Hindi lang sampal ang aabutin ko dito. Baka mag asawang sampal pa.
Matapos makahinga ng ilang ulit ay mabilis naman na nag drive na ako at umuwe na sa condo ko. Hindi na tuloy ako naka bili ng gamit ko. Balak ko rin na panonood ng sine ay hindi na rin nangyari dahil nga doon.
Maybe next time na lang. Pag dating na lang ni Mesty galing Batangas ay aayain ko ito na mag Mall kami. Para naman kung sakali na mag cross ulit ang landas namin ni Ms sungit ay may kakampi ako. Sure naman ako na Hindi ako papabayaan nito eh.
Pagdating ko sa condo ko ay uminom kaagad ako. Feeling ko kasi ay parang pagod na pagod ang pakiramdam ko.
Hayst ano ba naman kasi ang araw na ito ang parang napaka malas ko eh. Sinimulan kanina ni baby cakes ko. Tapos itong si Ms. Sungit naman ang sumunod. Hayst sana naman wala ng kasunod no. Dahil pag naka kilala pa ako ng another Ms. Sungit ay baka mabaliw na ako ng tuluyan.
Pero pwede naman yung mga hot babes lang na Hindi masungit bakit ang hindi diba.
Naku Alex paano ka sa sagutin ng baby cakes mo kung ganyan ka? Joke lang naman yun eh. Syempre loyal ako sa kanya no. Hindi ko ito ipag papalit kahit na sa sobrang ga ganda at ka se sexy na babae dyan no. Mahal na mahal ko ito at wala akong ka balak balak na e unloved siya.
Kaya nga kahit na sobrang tagal ko na nanliligaw dito ay nag ta tyaga pa rin ako kasi masaya ako sa ginagawa ko. Syempre pinag si silbihan ko ang mahal ko. Sino ang hindi masaya sa ganun? Kahit na ba sa ngayon ay wala pa itong katugon. Pasasaan ba at matututunan din niya akong mahalin.
Basta tyaga lang. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na ang taong ma tyaga ay may napapala. So pag nag tyaga ako sa kanya ay may mapapala ako. Oh diba.
Nang makapag pahinga na ako ay ipinasya ko na matulog na lang muna. Total naman ay wala na rin naman akong gagawin eh. Mamaya na lang ako bi bisita sa baby cakes ko. Siguro mag ba bake ako ng cake para dito.
Kaya nga baby cakes ang tawag ko dito. Kasi nga ay mahilig din ito sa cake. Kaya doon ako naka isip ng endearment ko sa kanya. Ang ganda diba. Ang sweet hehehe.
Pumunta na ako sa room ko at nahiga na sa kama ko at natulog na ng tuluyan.
Nagising na lang ako sa pag iingay ng phone ko. Kaya naman pu pungas pungas na sinagot ko ito. May tumatawag kasi.
Hindi ko na tinignan pa kung sino yun at nasisilaw pa ako sa liwanag eh.
"Hello" inaantok pa na sagot ko sa tumatawag.
"Beshey hulaan ko kakagising mo lang no. Para kasing bangag ka pa eh." Sagot naman sa akin sa kabilang linya.
Hayst si Mesty pala ang tumatawag. Papatayin ko na lang sana at alam ko na mangungulit lang ito sa akin at mag chi chismis lang siya ng about sa mga kasambahay nila at mang aasar lang ito sa akin.
Lalo na pag na kwento ko dito kung ano ang nangyari sa amin kanina ni baby cakes ko.
Ganun naman ito eh. Palagi nga nya sinasabi sa akin na ano daw ang nagustuhan ko kay Agata eh puro muscle ang katawan maganda lang daw ang mukha at malapit na rin daw mawala ang maganda nitong mukha kasi nga sa pakikipag laban nito bilang isang MMA Fighter.
Napaka bully talaga nun. Eh ano naman kung may mga muscle ang baby cakes ko. Ang ganda nga eh. Bagay na bagay sa kanya. Mas lalo lang siyang nagiging hot sa akin.
Tsaka hindi naman sa ganda lang ako tumitingin eh. Pati sa ugali na rin. Pero bigla akong napa isip ng about sa ugali nito at napa ngiwi na lang ako. Okay sablay na sablay pala sa ugali ito. Sabihin na natin na ito kasi ang itinitibok ng puso ko at wala akong magagawa dahil ito ang napili niya.
"Ano ba ang kailangan mo at napatawag ka ha. Isturbo ka sa pag tulog ko." Medyo inis naman na tanong ko dito.
"Hindi mo ba ako na miss at ganyan ka maka pag tanong sa akin? Hmmm huhulaan ko siguro basted ka na naman dyan sa sinisintang parorot mo no. Sabi ko naman kasi sayo na tigil tigilan mo na yan at nag a aksaya ka lang ng panahon oras at damdamin sa kanya eh hindi ka naman na a appreciate nito." Inis na sagot naman niya.
Hindi na lang ako umimik at hindi na rin ito ipinag tanggol pa kay Mesty dahil medyo may katutuhanan naman ang sinasabi nito sa akin eh
Nag kwentuhan na lang kami nito. At mabuti na nga lang at hindi na ako nito kinulit pa about kay Agata. Mukhang naka ramdam din ito na ayaw ko na pag usapan namin ito
Maya maya lang ay nag paalamna ito sa akin kaya ibinaba ko na rin ang phone ko. Napatingin na lang ako sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...